Sana ang bawat masamang hinala ay hindi totoo.........Pero kadalasan masakit man pero tumatama ang hinala.
**************
Malamig ang panahon kahit patapos na ang February, hay naku biruin mo patapos na pala ang buwan na ito. Ni wala ngang special sa Valentine's Day namin sabagay inuunawa ko kasi busy eh. Tinext ko lang si Kuya Bert para kunin yung ginawa kong leche flan, gelatin, at cookies para kay Christian sana magustuhan niya.
Nagtatampo nga ako noon kasi 15 na siya nakabati sa akin though ayun pa rin ako inuunawa ko pa rin siya kasi uulitin ko busy siya at ako nakatanga lang sa klase hindi nga ako nagtuturo eh ni hindi nga rin ako abala sa paggawa ng report. Hindi ako busy kaya nakakatext ako sa kanya at nakapag-effort pa akong magluto para man lang masabi na espesyal yun araw na yun para sa akin dahil may mahal ako................
Oo na nagagalit na ako pero putik uulitin ko ulit inuuwa ko kahit masakit na.........Ilang linggo at mga araw na ni simple text hindi ako makareceive sa kanya.
Kaya i decided to stop muna focus muna sa trabaho baka nga naman talaga busy siya..........
********************************
James POV
"I'm back" salubong ko kay Davon kaibigan namin ni Christian na ex ko.
"Oo alam ko kaya nga ako andito di ba" pilosopong sagot nito sa akin.
"Tara na nga hatid mo na ako" sagot ko rito dahil alam kong napilitan lang ito dahil sa utos ni mama sa kanya, pinsan ko siya kaya wala siyang choice kung hindi sunduin ako. Sa loob ng sasakyan naging tahimik lang kaming dalawa pero binabasag ko ang katahimikan sa pangangamusta sa buhay-buhay nila at mga kaibigan namin at hindi ko rin maiwasang maitanong si Christian. Well single na ulit ako at mahal ko pa rin naman siya at sana napatawad na niya ako because i want him back, namiss ko na ang aking Christian.
Lumipas ang mga araw ng pananatili ko sa bansa. Sinusubukan kong kausapin siya at puntahan sa kanyang opisina pero lagi itong wala, iniiwasan ba niya ako?Hindi ako susuko Christian kailangan nating mag-usap.
Dahil nga pursigido akong makausap siya inaraw araw ko ang pagpunta sa opisina niya then.....nakita ko siyang papasok na sa room niya at sinabihan na ako ng secretary niya na nasa loob na ito, ito na ang pagkakataon ko para makausap siya.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad ito sa kanyang table na may binabasang mga documents.
"Christian?" bungad ko.
Unti-unti nitong binaba ang kanyang binabasa na papel at unti-unti ko na ulit nasisilayan ang itsura niya, namiss ko itong lalaking ito ang gwapo pa rin niya.
"A-anong gi-ginagawa mo rito?" pautal-utal nitong tanong at bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"I'm trying to talk to you since last week pero madalas kang wala at hindi kita mahagilap" tugon ko naman rito.
"Umalis ka na i don't want to talk to you anymore" malamig na wika nito at kinuha na muli ang papel at nagbasa na ulit.
"Mahal pa rin kita at sana bigyan mo ako ng chance na magkausap tayo at magkaayos" yumuko na ako pagkatapos magsalita at tumalikod na sa kanya at akmang lalakad na palabas ng marinig ko siyang magsalita.
"Lakas din loob mong banggitin yang salita na yan well hindi ko maipapangako na mabibigyan kita ng pagkakataon"
"Gagawin ko ang lahat" lakas loob kung sinabi habang nakatalikod at saka na ako lumabas.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
RandomMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...