I still don't know how to absorb everything, pero kailangan ko na lamang pilitin ang sarili ko na lunukin ito i love it naman eh hehehehe.
Naaning-aning na ata ako hindi kasi ako makapag-isip kung anong dapat isipin sa ibinigay sa akin ni Christian.
Though naalala ko may pinirmahan ako kanina at ngayon may envelope at susi akong hawak. Ano nga ba ulit ito?Para saan yung susing hawak ko?
Nakatulala lang ako...........Parang wala yung kaluluwa ko sa katawan ko.
May umihip ng bigla sa tenga ko na kinagulatan ko bigla.....
"Hoy babe what happen to you?" si Christian pala at andito kami sa loob ng isang amusement park, biruin mo yung hindi ko namalayan na andito pala kami?
"W-wala"
Hinawakan niya lang ang kamay ko "Tara sakay tayo sa rides" at tumango na lang ako pinipilit kong gawin normal ang isip ko para maikondisyon ang sarili sa aming date. At ayokong maging K.J baka iwan ako nito pero wala eh may sapak na ako eh hehehehe.
Grabe masuka-suka ako sa trip ng mokong na ito grabe, dinikit ko na nga ang aking kaluluwa sa aking katawan mukhang tumatakas na naman sa tindi ng takot ko sa bilis ng mga rides na sinakyan namin............wahhhhhhhhhhhhhhh!!!!namumutla na ako...
Pagbaba namin sa huli namin sinakyan pinagtawanan pa ako ng lalaki ito asar....kaya hindi ko maiwasang hampasin siya.
"Loko ka grabe na nga yung kaba ko tapos tatawanan mo pa ako asar ka" nagtampo-tampuhan tuloy ako at tinalikuran siya.
Nagulat naman ako ng yakapin niya ako kaya hindi maiwasang makita ko yung mga tao na magtinginan sa amin.
"Sorry na babe hehehehe joke lang po yun I LOVE YOU" at ginawaran ako ng mabilis na halik sa pisngi na kinapula ko.
"Kain tayo?" yaya nito.
"Paano naman ako kakain eh inaasar mo ako eh" naku pabebe na naman ako nagpapalambing lang hahaha.
"Tara na please?" at saka humarap sa akin at nakipagtitigan sa akin, nyyyyyaaaaahhhhh! suko na ako.
"Okay" at lumakad na kami para maghanap ng kakainan.
*****
Nakaupo na kami ngayon sa may seaside.....Dito ko rin siya unang nakita.
Nagkukuwentuhan lang kami ng kung anu-ano, about myself at tungkol din sa kanya.
Mas gusto ko yung ganito lang relax lang......
"Huwag muna kita hatid huh uwi tayo sa amin babe para naman makita ka ulit ni mommy please" bigla niyang anyaya ng maisipan ko ng umuwi.
"H-h-ha eh paano yan wala akong extrang damit eh" bigla naman itong tumingin sa kanya relo.
"Well 7:45 P.M pa lang naman eh tara bili kita ng maisusuot mo" tumayo na ito at ilahad ang kamay para maalalayan akong tumayo.
"Eh nakakahiya na eh ano ba dami mo ng naibibigay sa akin eh" pagtanggi ko sa kagustuhan niya ibili ako ng dami, eh hindi naman pwede humiram sa kanya di naman kami magkasize ng katawan eh.
"Yun ito malaki na itong bayad sa akin, yung makasama ka at samahan ako at maging kaparte ng puso ko is priceless babe kaya tara na sige ka tatalon ako sa dagat hindi mo na ako makikita" isang malalim na buntong hininga na lamang ang aking pinakawalan.
******
Nakatulog pala ako at hindi ko namamalayan na nasa harapan na kami ng mansion nina Christian.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
RandomMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...