That moment....haist................pain pain go away
Oo nakikitawa ako at lumalamon (lamon talaga?) kasama sila, masaya ang bawat isa pero kapag napapatingin ako kay Christian parang pilit na disappointed ang ngiti niya. Ngayon parang napapaisip ako na tama ba yun ginawa kong desisyon.
Napapaisip ako habang sumasabay lamang sa ligaya ng kapaligiran, pero hinihila ako ng mga ginawa ko. Ano ba ito?Masama ba ang ginawa ko?Pinag-isipan ko naman yun ah....pero kapag napapatingin ako kay Christian parang gusto kong baguhin ang sinabi ko, bawiin kung baga.
May sayawan, kantahan at malakas na halakhakan...New Year eh!!!!
Hindi ko alam kong dapat ba akong manatili dito at plastikin ang sarili habang may kung ano sa isip at dibdib ko ngayon, mali ba yung ginawa ko?
Nababaliw na ata ako kakaisip habang nagpipilit makisaya sa kanila......
****
1:30 A.M na bumulong na ako kay mommy Carmen na aakyat na ako para makapagpahinga hindi naman ito tumutol dahil nga sa nangyari kanina.
Paakyat na ako nang sundan ako ni Christian...."Matutulog ka na ba?Maaga pa eh?" hindi ako tumingin dito bagkus nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkaakyat ng hagdan.
Hindi ko naman magawang iignore siya pagka-ano'y nagsalita na rin ako......."Sumakit na ulo ko eh, need ko na sigurong magpahinga" hindi pa rin ako nakatingin rito.
Pumasok na kami ng kuwarto niya....Hindi ko na kaya talaga bigla ko siyang niyakap na kinagulat naman nito.
"May problema ka ba babe?" ani ni Christian at saka naman nito sinuklian ang aking pagkakayap sa kanya.
Humagulgol na ako, hindi ko kaya yun nasa isip ko para na akong tanga, natatanga na ako hindi ko na alam ang gagawin.
Hinagod nito ang aking likod at pilit na pinakakalma.....Para akong mauubusan ng hangin....
"Sssshhhhh tama na wag ka nang umiyak" Humigpit pa ang yakap nito at saka ko naramdaman na hinalikan niya ako sa ulo.
"C-Christian?" ito na kakayanin ko ito bahala na.....
Inupo niya muna ako sa sofa at saka hinarap ang kanya mukha sa akin, napakalapit nito ramdam ko ang kanyang paghinga. Tinignan ko na laman siya sa mata, habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa mata ko.
"Nahihirapan na ako.................alam ko nagsabi na ako sayo pero nahihirapan ako....C-Chris" nauutal ako pero hindi niya pa rin inaalis ang kanya tingin sa akin.
"Tanggap ko naman at kaya kong maghintay pasensya ka na kung nabigla ko sa sinabi ko pero, look at me okay lang ako at okay lang tayo hindi naman naapektuhan ang feelings ko sayo maniwala ka" hinaplos haplos nito ang aking pisngi ramdam ko ang init ng palad nito at tila ba pumapawi sa nararamdaman ko.
"Takot lang kasi ako"-Ren
"Huwag kang matakot" hinawakan nito ang aking kamay at saka humalik.....at saka niya inilagay sa kanyang dibdib ang aking kamay...."Pakinggan ko mo ikaw yan, kung ako nga naguguluhan rin pero hindi ko kayang diktahan ito eh ikaw ito eh siguro ikaw na yun bubuo sa nawawala sa akin and don't judge yourself hindi naman yun ang basehan eh ikaw at ako yun lang naman ang gusto ko at ang gusto ng puso ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba at hindi rin kita tinitignan sa kung anong itsura mo at estado mo sa buhay....ang mahalaga sa akin yung nararamdaman ko para sayo, mabilis pero ikaw na yung tibok nito eh nakita ko na sayo yung bagay na kukumpleto sa akin at sa buhay ko". tumulo na rin ang luha ni Christian after nitong ipahayag ang kanyang nararamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/91812024-288-k400752.jpg)
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
RandomMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...