Part 15 (To fall or not to fall)

153 6 0
                                    


Unti-unti akong napapamulat nakatulog pala ako medyo mahaba din pala ang naging biyahe dahil nga Christmas day at galaan day din. Nakakarinig ako ng kanta na animo'y akma sa kung anuman ang maaaring mangyari...........

And now I'm fallin
Catch me if you can
Maybe this time I'll have it all
When I fall in love
Loving someone...
I only got me to blame
Help me I'm fallin fallin
Catch me if you can

Tumingin lang ako sa paligid nasaan na kaya kami?Kaya tinignan ko ang kasama ko nabigla din naman ako sa kanya................

"Oh bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?At nasaan na tayo?" nakakaloko talaga tong mokong na ito.

"Ang cute mong matulog, sound sleep hahahaha" lakas tumawa akala niya di ko gets yung "SOUND SLEEP" na sinasabi niya.

"Oo na nahilik na ako eh teka di ba nagkasama na tayo matulog ngayon mo lang ako narinig humilik?" sagot ko.

"Hindi sarap ng tulog ko eh pero ang cute mo" paiba nito at sabay ngiti nito.

"Teka di mo pa sinasagot ang tanong ko nasaan na tayo?"

"Andito na tayo sa harapan ng bahay namin"

Agad akong nag-ayos.......at saka bumaba na kami ng kotse.

Hindi na ako gaanong nagulat kung anuman ang pwede kong makita alam ko naman na mayaman ito taong ito................Pero nakakamangha lang talaga ang ganda ng mansion nila.

"Hindi mo ba ipapasok ang kotse mo?"tanong ko rito

"Hindi na kasi maya-maya din naman aalis tayo may pupuntahan tayo"

Hinawakan nito ang kamay ko at sabay kaming pumasok binuksan ng guard ang gate at binati kami.....May sumalubong pa sa amin na matandang babae.

"Sir Christian nasa pool po sina Mam kanina pa po kayo hinihintay" ani nito kay Christian.

"Opo sige po manang pahanda na po ng snacks para sa amin thank you" ngumiti ito sa katulong nila pero nung tinignan ko yun matanda parang nagulat siya sa ginawa ni Christian.

" Tara na" anyaya nito

This is the time, time to test kung kakayanin ko ang isang dramatic scene, sasampalin ba ako ng nanay niya at sisigawan "Baklang Panget lumayas ka sa mansion ko at sa buhay ng anak ko!!!" o kaya naman "Anong modus ito?Mangkukulam ka ba lakas ng kapangyarihan mo para akitin ang isang Torralba hahahaha (tapos kukuha siya ng baso na puno ng tubig at ibubuhos sa akin) Baka yan ang kailangan mo para matauhan ka (saka lalapit at magbibigay ng sampal) at ito idagdag na natin para may gising na gising ka sa kahibangan mong BAKLA!". Kinakabahan ako lalo sa pinag-iisip ko.

"Don't be afraid kasama mo naman ako mahal ko" wikang binitawan ni Christian bago kami tuluyan maglakad patungo sa kanilang pool. "Trust me okay lang lahat" pahabol nito.

Tanging ngiti na lang ang naisukli ko kanya. Iba ang kabog ng dibdib ko, mas okay pa magdeliberate ng ranking ng mga honor sa mga high standard at assumerang parents kaysa sa sitwasyon ko ngayon.

Natatanaw ko na ang pool may kalakihan ito kala ko nga resort, naaalala ko nasa mansion nga pala kami nila Christian.

"Mommy andito na po kami!" sigaw ni Christian sa isang babae na may edad na nakaupo sa isang mesa na malapit sa pool.

"Yes anak punta kayo rito" sagot nito naman nito.

Inikot ko muna ang paningin ko sa paligid habang papalapit sa nanay nito. May tatlong bata na lumalangoy sa pool na tuwang-tuwa at nang makita nila si Christian ay umahon na sila at binati ang kanilang kuya.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon