"Sir umalis po ng maaga si kuya at si ate po ninyo kasama si kasama mo si manang Minda mamalengke po para sa birthday ninyo" sagot ni ate Cory ng tanungin kung nasaan sina tatay.
"Ah ganun ba thank you" at ng tatalikod nagpahabol ako "ate pakilabas yung fresh milk at cereals bihisan ko lang itong si bunso papakain ko na rin huh thank you"
Tumango lang siya at saka bumaba.
"Suot mo na ito baby then kakain tayo ng breakfast at lalabas tayo"
"Opo papa" at mabilis kong napalitan ng damit si Tiffany at saka kami bumaba.
Kumain muna kami bago lumabas nakalimutan ko kasi magbilin kay tatay na bumili ng pang-carbonara at pang-mac and cheese pihado kasing magugustuhan yun ng mga bata.
************************
Naglakad-lakad kami ni bunso at nagtungo sa isang convenient store sa labas ng subdivision at doon namili mabuti nga maraming paninda dito kaya hindi na kailangan pa akong tumawag kina tatay para magpahabol ng lulutuin ko.
At siyempre si dampot din ang bata natatawa na nga lang ako kapag binabalik ko yun kinuha niya then magtatanong kung nasaan na tapos kapag sinasagot ko ng ewan baby saan mo kasi nilagay, ayun humahaba na ang nguso nito tapos sumasama na ang tingin sa akin.
After mamili bumalik na rin kami, inabot din kami ng one hour kasama na ang paglalakad at pangungulit ng batang ito.
Ng malapit na kami sa bahay napansin kong may sasakyan nakapark sa tapat ng bahay, sino kaya ito?bulong ko sa sarili ko binuhat ko na si Tiffany na umaangal na masakit na daw ang paa. Pumasok kami sa bahay at pagbukas ko ng pinto napaurong pa ako sa gulat ng may pumutok.
"Happy birthday papa!" sigaw ng kambal, oh goodness namiss ko tong dalawa na to sinalubong nila ako at saka niyakap, binaba ko naman si Tiffany.
"Thank you mga anak kamusta kayo?"
"Okay naman po papa namiss ka po namin" at yumakap ulit ang dalawa.
"Teka nasaan ang daddy ninyo?"tanong ko sa dalawa.
"Nasa room po ninyo"
"Ah ganun ba?" bumaling ako kay bunso "Baby sama ka muna kina kuya huh punta lang ako sa taas okay, oh mga kuya kayo muna bahala kay bunso"
Sumunod naman ang dalawa, pero dinala ko muna ang mga pinamili ko sa kusina at saka umakyat ng kuwarto.
Nakabukas naman ang pinto kaya agad akong pumasok nakita ko si Paul nakaupo sa kama sa tabi nito ay bouquet of flowers at may box pa pero nakatuon siya sa kanyang phone.
At mukha hindi naman niya akong napansin na pumasok........"Ehem!" pang-agaw ko sa atensyon niya at nagulat pa ito at napatingin sa akin napangiti ito at saka tumayo at lumapit sa akin.
"Happy birthday Hon!" yumakap ito ng mahigpit pero ng maramdam ko na medyo mamasa masa siya ng pawis napahiwalay ako.
"Thank you oh bat pawis na pawis ka naman ata tsk mabuti pa magpalit ka ng damit or maligo ka baka magkasakit ka niyan eh"
"Sorry nakalimutan kong buksan ang aircon excited kasi akong makita ka"
"Tse sige na maligo ka para mapreskuhan ka at may damit ka naman diyan eh."
"Ito nga pala para sayo" kinuha nito sa kama ang flowers at saka yung box.
"Naku nag-abala ka thank you ulit oh sige maligo ka na at magpalit ng damit."
Nilapag lang nito ang kanyang phone sa table at mabuti na nga lang at nakasandal lang siya. Ako naman inamoy amoy ang bulaklak na binigay niya at saka naupo sa kama hindi naman akong excited at binuksan ko ang box na inabot nito.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
CasualeMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...