Part 38 (Ito na ang UNA)

115 6 0
                                    

Tinawagan ko siya at saka ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Babe wala akong gaanong alam sa business pero ito ang masasabi ko huwag mawalan ng pag-asa at habaan mo pa ang pasensya mo talagang ganun ang buhay hindi lahat aayon sa iyo. Pero huwag susuko meron siguradong nakalaan na mas magandang surprise si God sayo keep on working at keep on believing on HIM magiging okay lahat kapag siya ang pinamahala mo sa problema mo" napangiti naman ako sa sinabi niya mas nabuhayan ako.

"Salamat mahal ko i love you and i miss you gusto kitang puntahan para mayakap ka i need your embrace mahal para mawala ang stress ko" paglalambing ko rito.

"Wala yun babe ikaw pa lakas mo sa akin eh hehehe okay sige text ko sayo yung lugar see you mahal ko miss na rin kita"

"Sige babe mag-aayos lang ako ng gamit puntahan kita diyan"binaba ko na ang phone. At inabangan ang text ni Renzo. Habang naghihintay tinawag ko muna ang aking secretary para alamin kung ano ang schedule ko at pinakuha na ang report na kailangan mabasa at mapirmahan para bago ako umalis mabawasan ang mga gawain.

Renzo

"Waaaahhhhhhh!!!! nakakabaliw naman ang mahot seat ng dahil sa K-12 na ito!!!" sigaw ko sa loob ng van at patungo na kami ngayon sa manila sa isang sikat na mall.

"Ang arte mo naman nagustuhan naman ng EPS ang presentation mo ah" sabi ni Ate Tess sa akin, hay mabuti nga natapos na nakakastress kasi ikaw ba naman maobserbahan ng dalawang principal at isang EPS.

"Drama mo talaga kala mo maganda ka hahahaha" Pang-aasar ni Liza sa akin habang nagdridrive.

"Tse ewan ko sayo!"sagot ko rito.

"Well mabuti naman this week medyo makakahinga na tayo kasi wala ng buwisita" wika ni Emma, sabagay isa kasi sa pangstress at pangpressure yan dalaw-dalaw na ginagawa ng mga Administrator ng Division namin............

"Hoy Liza andoon na ba si Tita baka naman mauna pa tayo sa kanila?"tanong naman ni Ate Tess kay Liza, birthday ng nanay nito at ewan ba bakit doon pa nila naisipan magcelebrate, ano ba yan Renzo makikikain ka lang umaarte ka pa (ito na naman po ako kaaway na naman ang sarili)

"Eh nagtext si Ate andoon na daw sila tayo na lang ata ang hinihintay relax lang muna kayo diyan makakarating din tayo at mabuti hindi gaanong matraffic ngayon"


Kaya ayon tumahimik muna ako, kinuha ang phone at nagtext sa mahal ko........"Babe on the way na kami sa birthday party, kamusta araw mo?" at sinundan ko ng detalye ng lugar ng pupuntahan namin dahil gusto nitong makipagkita sa akin.

Habang nag-aabang sa reply nito nagbasa muna ako ng story sa wattpad..................Ang pag-ibig parang apoy sa unang mainit at maliyab pero kapag lumaon papanaw ang init at maglalaho ang liwanag.......Yan ang nangyari sa aming dalawa dahil laging walang time sa isa't-isa kaya ito parang unti-unti na rin namamatay ang dating masayang pagtitinginan namin.......pilit ko mang sabuyan ng gas at sikipin pagliyabin tila ba nabalot na ito ng yelo.......

Nasayan ang lahat...............hindi na maiibalik pang muli.............una na siyang sumuko at humiwalay at ganoon na rin ako, dahil nawalan na ako ng pag-asa sa aming dalawa at hindi ko na rin naman maramdaman na gusto pa niya mabuo kami........masakit sobrang sakit pero dapat lumayo at move-on, magmove-on kahit masakit, magmove kahit na yung buong puso mo nilaan mo na sa kanya tapos tinapon na lang niya, magmove-on kahit maalala at maalala mo yun masayang araw ninyong dalawa na ngayon ay bangungot na lamang.

Hindi ko namalayan na may luha na palang nabuo sa aking mga mata, bakit ang sakit tagos sa buto...............waaaahhhhh!!!! tumigil ka na nga muna. Binalik ko na lamang ang cellphone ko sa loob ng aking bag at itinuon ang paningin sa labas.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon