Lumipas na ang bagyo, ilang araw din akong nanatili sa bahay nina Christian. Inalagaan niya ako at sinuyo though may inis pa akong naramdaman kasi naman di yung tipong wala kang ginagawang masama then eksenahan ka ng ganun. Well okay na kami bago siya umalis we kiss each other and promise to go back at ayusin na ang lahat.
Ito na yung 7th Saturday ng medical mission isa na lang at goodbye na sila, so sad dahil naging friendship ko na sina nurse Joy at doc Paul.
Nag-aayos na kami ng kuwarto ng dumating si Doc........."Guys pakibilisan natin maraming darating na pasyente ngayon may sunog pala diyan sa kabilang baranggay" pagkasabi niya nito ay nilapag na niya ang kanyang gamit at kami naman ni nurse Joy ay abala na sa pag-aayos ng mga gamot. Bigla nang umingay ang paligid at ito na ang hudyat siguro yung ibang nasaktan dito na itatakbo para mabigyan ng first-aid.
Hala nataranta na ako sa dami ng tao may dumating na ring ibang nurse at doctor para tumulong. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ramdam ko yung sari-saring emosyon sa paligid at hindi ko na kinaya nang makita ko ang isa sa pupil ko na may sugat at madungis at lumapit sa akin iyak ng iyak.
"Sir!" humahagulgol na ito ng husto. Niyakap ko na lamang ito para icomfort.
"A-anong nangyari anak?" kahit natetense ako pinilit kong ikalma ang boses ko pero ramdam siguro ng bata na kabado ako.
"Naiwan ko si mama sa bahay habang nasusunog po ang bahay sir-ahhhhhh *snif* sir wala na si mama" mas humigpit ang yakap ng bata sa akin. Hindi ko na rin kinaya ayaw ko ng ganito naiyak na rin ako. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ina, yung taong naging kaibigan, kakampi, kasangga, security guard mo, comforter mo at higit sa lahat nanay mo. Nadurog akong puso ko ng marinig ko ito sa pupil ko ang sakit naalala ko nanay ko naging sandalan at lakas ko pero binawi agad saktong gragraduate ako noong sa high school.
Hindi ako nagsalita bagkus yinakap ko na lang ang bata ng mahigpit..............."Sir pahelp dito" sigaw ni nurse Joy. Kaya inaya ko umupo ang bata at inabutan ng tubig at sinabihan siya na doon muna siya at babalik ako.
Halos hindi na rin kami makakain sa dami ng tao, humupa lamang ito ng mag-alas quatro na dahil dinala na lamang ang ilang evacuees sa ibang evacuation center dahil hindi kakayanin ng paaralan na iaaccomodate lahat iilang lamang ang naiwan sa school.
Kinuha na ng ama ang pupil ko at niyakap ko muna ito ng mahigpit bago umalis at binilinan na maging mas matatag at laging manalangin. Wala akong isaktong maibibigay na pwedeng ipalit sa nawala sa kanya though nauunawaan ko ito, tanging pagmamahal na lang bilang guro at kaibigan ang pwede kong maitulong sa kanya sana makaya niya.
Alas-singko na ng kumain kami ng lunch, grabe ang pagod, grabe ang stress at higit sa lahat grabe ang gutom namin. Pang-lunch at pangmiryenda na ang sinerve sa amin, wow grabe lalantakan ko na ito ng bongga. Actually wala ngang nakibo sa amin nina nurse Joy habang nakain kasama pa ang isa pang nurse dahil sa sobrang gutom. Pero napansin ko si doc na nakatingin sa akin.
"Doc may problema po ba?" taka kong tanong sa kanya sapagkat para siyang tulaley pero nakatingin sa akin.
Nagulat ito ng marinig ang tanong ko............"Ah-eh wala na pagod lang" kinuha na nito ang pagkain niya at binuksan.
May biglang pumasok na nurse at may inannouce sa amin..............."Doc extend daw po tayo ng isa pang Saturday at Sunday para po mabantayan ang mga pasyenteng nasunugan" inabot nito ang papel kay Doc Paul. So magiging 9 Sat and Sun na sila dito.
Hahaba pa ang duty ko huhuhu sabagay si kuya naman ang naglalaba ng damit namin kaso yung mga paper works ko di ko na maasikaso. At maya-maya pa ay dumating ang principal namin para bisitahin kami at nagtawag sa amin para imeeting ng mga 6 P.M, after na daw makapaglipit para mas makapag-usap kami ng tuloy-tuloy.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
RandomMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...