Ang bilis naman bakit ganito agad ang daloy ng aming kuwento?
Ewan ba mukha atang nahihibang lang ako sa nangyayari.....................
****************************
Renzo POV
Niyaya na niya ako lumabas medyo nahihiya ako kasi nakaakbay siya sa akin at isa pa baka mabasa ng mga makakasalubong namin yun shirt.Though its sweet and super nakakakilig pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya at magtanong, tanong na bakit ganito ang bilis at medyo oa naman ata sa kasweetan.......
Sa aming paglalakad palabas ng hotel nagtungo kami sa may garden. Maganda dito pati ang lightning nila romantic ang peg. Nakakarelax rin ang simoy ng hangin kahit may kalamigan at nakakatuwa kasi nakangiti lahat ng mga bituin sa langit.
"Mahal excited ka na ba sa dinner natin may surprise ako sayo" wika ni Christian habang naglalakad kami papunta sa isang gazebo na pinalamutian ng maliliwanag na pailaw at mga rose petals sa sahid at mababangong scented candle sa paligid.
"Sobra naman ata ito Christian pa-parang" hindi ko na natuloy dahil iniharap ako ni Christian sa kanya. Nakatinginan ang aming mga mata pero nanghihina ako at gusto kong ilayo ang aking tingin.
"Hindi babe" kinuha nito ang isa kong kamay at tinapat sa dibdib nito "Do you feel it?" nararamdaman ko ang pintig ng puso niya at sa bawat pag-tibok nito may kakaibang dumadaloy mula sa aking kamay patungo sa buong katawan ko. Hindi ko maexplain pero sa ibang banda ng isip ko ay may nagsasabi baka naman mali ka lang ng interpretation.
"Bakit kaya ganun ang thinking ko sa nangyayari ang nega ko" bulong ko sa sarili habang pilit na ngumingiti sa harapan ni Christian. Pero hindi naman maitatatwa na this is best and i love it.
"Happy first monthsary babe" at hinagkan ako nito, ang halik na yun na nakakapaso.
"Happy first monthsary din babe" matamis na ngiti ang aking ipininta sa aking mukha.
*********************************
Inaya na ako nito umupo at saka may lumapit na mga waiter sa amin.
Narinig ko din ang malambing na tunog violin, shockers sarap sa pandinig at wait favorite song ko din ang naririnig ko............kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Nagsimula na rin kaming kumain at to be honest lahat ng nakahanda ay the BEST ang sarap lalo na ang steak nila superb first time kong makatikim nito at yun salad grabe favorite ko na ito.
Nagkukuwentuhan at nagtatawanan yan ang peg namin dalawa............................Ang saya lang talaga pero sana mali yung naiisip ko sana imagination ko lang at dulot lang sana iyon ng kalokohan ng isip ko.
***********************************
Christian POV
Masaya ang takbo ng aming date, di nga rin mapigil ang tawa ko sa dami ng jokes na binibitawan ni Renzo...........salamat dahil sa kanya may nakakalimutan ako. Natuwa din ako dahil nagustuhan nito ang pinahanda kong pagkain.
Ng matapos kaming kumain inaya ko siyang tumayo para maglakad lakad sa paligid. Pinagmamasdan namin ang mga bituin sa langit habang magkahawak kamay. Masaya ako dahil magkasama kami pero hindi ko alam may pumapasok pa lang kakaibang bagay sa isip ko.
"Thank you babe sa surprise mo" rinig kong sabi ni Renzo habang nakangiti itong pinagmamasadan ang liwanag ng mga bituin.
"Thank you din sayo babe" tangi kong sagot saka ibinaling ang tingin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
De TodoMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...