Part 29 (First Month and more)

107 5 0
                                    

Minsan may mga bagay na ang sarap balikan at ang sarap itreasure kasi ito yung mga bagay na nagpapaalala ng mga masasayang bagay sa buhay natin.


**************************************************

Renzo POV

Oh gosh sumakit na naman ang aking lalamunan sa kakaturo maghapon at lalo na malapit ng na ang NAT. Sana matandaan ng mga bata ang lahat ng review namin. Dami naming effort para dito, nagdownload pa ako ng videos at nagresearch ng reviewer para makatulong sa kanila.

Bagsak ang katawan ko sa kama pag-uwi ko at di ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa tindi ng maghapon na giyera sa school........................

Ring..........ring.......ring........ring..............

Ang aking cellphone pala, sakit ng ulo ko............agad ko naman kinha ito para sagutin.

"Hello?" di ko na napansin kong sino basta sinagot ko na lang.

"Babe kakagising mo lang ba?" si Christian pala.

"Opo babe eh napagod ako kanina eh sakit din ng ulo ko" ng may biglang may pumasok na something sa utak ko, wait naalala ko nga pala na bukas na pala ang first monthsary namin.

"Kawawa naman babe ko kaya pala hindi ka nasagot sa text ko kanina, so what do you want tomorrow gusto mo ba sa hotel na lang tayo bukas?" tanong nito sa akin.........oo nga no hindi ko kasi gaanong napapansin ang phone ko sa sobrang busy kanina.

"Sorry po babe, happy monthsary sa ating dalawa........well babe ikaw na bahala bukas alam mo naman kahit saan mo ako dalhin okay ako hehehehe" basta libre hahahaha alam mo naman purita pa ang lolo ninyo.

"Sige sunduin na lang kita bukas at uminom ka na ng gamot para mawala yang sakit ng ulo mo babe"

"Yes po boss, sige baba na ako at para makakain at makainom ng gamot thanks babe kita kits tomorrow i love you" sagot ko rito.

"I love you too babe sige bye bukas after work mo sunduin kita sa school" at binaba na nito ang phone.

Habang nababa sa hagdan napapaisip ako hala wala pa pala akong regalo para sa kanya. Bahala na daan na lang ako bukas sa mall sana kaya ng budget hehehehe. Excited na ako.

*************************************************************

Another day again but i'm not in the mood to work masakit ang lalamunan ko makati siya parang uubuhin pa ata ako.............Pero wala akong choice but to work. At parang sinisilaban na rin ang tumbong ko sa excitement sana mabilis matapos ang araw na ito para sa aming date.

"Hoy sir ano yang pangiti-ngiti ka pa diyan" nagulat ako sa pagsasalita ni Ms. Manzano oo nga pala nakatitig lang ako sa kawalan habang nasa loob ako ng room namin pero di ko din alam na nakasmile ako.

Iniimagine ko kasi ang guwapong itsura mamaya ni Christian hahahaha adik....."Sorry naman mam hehehehe wala po masaya lang" sagot ko kay mam buti hindi ako pinapansin ng mga bata na kasalukuyang nagsasagot ng test.

"May date ba mamaya?" muling tanong ni Mam Manzano.

"First monthsary po namin ngayon" mahina pero masayang kong sagot para hindi gaanong marinig ng mga bata.

"Congrats well mukha naman mas iba na siya sa una mo pero lagi mag-isip ng mabuti at huwag padalos-dalos para maiwasan ang magkamali." alam kasi nito ang lahat ng nangyari sa una ko ewell ate naman kasi ang turing ko sa kanya kaya naman ganun at ang maganda hindi niya ako hinuhusgahan sa kung ano ako.

"Thanks mam, mamaya nga lalabas muna ako bibili ng something for him sana makakita ng kasya sa budget ko"

"Alam mo kung mahal ka niya lahat ng ibibigay mo tatanggapin niya basta lang puso ang gamitin mo sa pagpili para mas touching hehehehe" tama nga naman at alam namin yun ni babe at sana magustuhan niya ang ibibigay ko sa kanya.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon