Part 56 (I do)

118 6 1
                                    

I can't sleep no matter what i do.....thinking about you all night


*********

Nakaharap sa salamin, i'm not sure with my feelings pero masaya ako at excited.........naghahalo-halo lamang siguro kaya hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko.

Pero kung tatanungin mo sure ba ako sa nararamdaman ko at pagpapakasal kay Christian, IT'S A YES! sure na sure ako. Pangarap ko yun at siya ang bumuo noon. Sobrang thankful ako kasi maaari palang mangyari ito, hopeless na ako noon at halos kainin na nang kadiliman dahil sa pagiging negative ko pero ito na siya, siyang magiging lahat sa akin.

"Tell me bro kinakabahan ka ba?" nakayakap ngayon sa sa likod ko si sis Emma na ang ganda-ganda sa make-up niya at suot niyang dress.

"Konti sis pero masaya ako" pero may tumatakas na likido sa mata ko parang hindi ko na mapigil naalala ko pa kasi yung hopeless days ko asar!

Humarap ito sa akin at ngumiti pinunasan ang aking mata "Masaya ako for you bro this is it! Parang dati usapan lang natin ito, biruan tapos ayan ikaw hehehe ikakasal ka na" ngumiti ito habang tuloy sa pagpahid ng luha ko na tumuloy nang umagos.

"Oo nga eh" at napabuntong hininga ako "Ang saya pala nito yun totoo na ikakasal ka na ang saya palang ng pakiramdam na finally yung iniiyak ko lang dati pero ngayon natupad na."

Bumukas ang pinto at "Sir, mam magsisimula na po ang ceremony" wika nang isa pala sa staff.

"Okay sige lalabas na kami" sagot naman ni Sis.

"Sis" tapos naiyak na naman ako "This is it pancit" nanginginig na ngayon ang kamay ko parang masayang kabado na, basta daig ko pa ang sumasalang sa final judgement ng isang contest na ito na ang finale.

"I'm happy for you" at niyakap niya akong muli "Tara na na baka nag-aantay na siya" sabay na kaming lumabas sa kuwarto.

Naririnig ko na ang musika na mas lalong nagbigay sa loob ko ng excitement at ang mga butterflies at di na mapigilang magliparan sa aking sikmura, pero pinilit kong ngumiti kahit naiiyak na.

Gusto ko sanang makasama sa araw na ito si nanay, gusto ko sanang maramdam ang yakap niya at marinig ang payo niya sa oras na ito habang binabagtas ko ang daan patungong forever.

Lumabas na kami sa hotel at ayun na nakikita ko na ang nakalatag na carpet na puno ng mga petals, makukulay na tela na sumasayaw sa tugtog ng hangin, mga ilaw na nagbibigay ningning sa dumidilim na paligid, everybody is smiling nakasuot pa ng magagarang kasuotan na bumabagay sa disenyo ng paligid na napupuno rin ng naggagandahang bulaklak at sa gitna ay may isang stage na pabilog at napapalibutan ng pailaw at tela at naroroon ang lalaking makakaisang dibdib ko bahagya pa akong natawa kahit na malabo ang mata ko nakikita ko pa rin na panay ang punas nito sa kanyang mata.

Sinalubong na ako ni tatay, hindi ko na rin kinaya niyakap ko siya ulit, parang hindi naman kami nag-usap nito kanina at ayun nag-iyakan na naman kami nito.

"Tara na nak" natigil na ako at sumabay na kaming naglakad patungo sa altar.

Sa aking paglalakad may sumasagi sa isip ko na kung anu-anong bagay, "Be good to him and love him with all of your heart, alagaan mo siya at mahalin ng husto, pagsilbihan at wag pabayaan" ang tsarot ng naiisip ko pero dapat lang siguro.

Nasa harap na ako ng altar ang inabot niya ang aking kamay.............Magkaharap na kami, gusto kong matawa kasi para siyang adik hehehehe (joke) kasi pulang-pula ang mata niya kakaiyak, eh parang ako hindi.

Nagsimula na ang lahat pero ako hindi ko gaanong majive sa sinasabi ng nagoofficiate ng kasal namin pero naririnig ko naman pero mas ang nangingibabaw ngayon ay yung feeling na nasa ulap ako with him at parang hindi ko na kaya at gusto ko na siyang yakapin sa sandaling iyon.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon