Part 41 (Europe)

121 5 0
                                    

Makalipas ang limang taon..............

"Papa Ren please lets go there po please please please" pangungulit ni Xian.

"No anak we can't bukas na lang look oh i have a lot of paper works to do eh" nakita kong nalungkot ang bata at nagpout pa ng lips at nagcross-arms.

"Kuya don't be sad tulungan na lang natin si Papa Ren para he can finish his work and we can have fun di ba papa?" buti pa itong si Kayden pero mahal na mahal ko ang dalawang ito.

"Okay na nga hug na lang papa" hinug ko si Xian makulit lang ito pero mabait naman siya.

"Me din papa sali ako" 

"Itong mga to ang laki laki na eh gustong gusto pa ng hug" pero sweet lang talaga nila kahit na hindi naman ako talaga ang ama nila pero sobrang napamahal na sila sa akin.

Hinug ko yung dalawa at binuhat ko na ang bag ko at sabay-sabay na kaming pumasok sa kotse para makauwi. Dumaan lang kami dito sa isang amusement park dahil na rin sa bilin ng asawa ko dahil naroon daw ang client niya at kailangan daw yung papers na yun.

Masaya ang ilang taon kong pananatili dito sa UK, isa na akong Special Education teacher sa isang hospital (Hospital Bound ang set-up nito) pero doon ako madalas makaranas na maiyak at masaktan alam mo yung feeling na napapalapit ka na sa mga pupil mo then suddenly mawawala sila. Karamihan kasi sa mga hawak ko ay may Special Health Problem. Nakaconfine sila dito para mamonitor ang lagay nila at naging program ng hospital na makaranas pa rin ang mga batang may sakit na makapag-aral kaya naghire sila ng mga katulad ko para makapagturo. At siguro maituturing ko ding suwerte ako dahil pagmamay-ari ito ng asawa ko.

Ayaw na sana niya akong magtrabaho dahil kaya naman daw niya akong buhayin pero hindi ako ganoon eh at hindi rin ganoon ang pagpapalaki ng nanay at tatay ko sa akin kaya nagtalo man kami pero napilit ko rin siya.

"Mga kuya alagaan muna ninyo si Tiffany okay pagdating natin alam kong miss na kayo ng little sister ninyo." bilin ko sa dalawa  habang nasa kotse kami at binabagtas ang daan pauwi.

"Opo papa"sagot ng dalawa.

Medyo malayo ang tahanan namin sa hospital aabutin ka ng one hour na biyahe pero sobrang sulit dahil ang linis ng lugar, ang presko ng hangin, maraming mga puno at halaman at higit sa lahat mababait ang mga tao dito.

"Wait mga kuya ano pala gusto ninyo for dinner?" muli kong tanong sa mga ito.

"Papa carbonara po please" sagot ni Xian.

"Hala anak kagabi lang carbonara na ang kinain natin ah"

"Papa ang sarap po kasi ninyong magluto ng carbonara eh please"paawa effect pa ang batang ito.

"Eh ikaw kuya Kayden what do you want to eat?"

"Papa....mmmmm.....sinigang po and fried fish po" Kapag ako kasi ang nagluluto sa bahay ang niluluto ko lang ay yung alam ko at siyempre dahil pinoy eh lutong pinoy ang ginagawa ko at mabuti gustong-gusto naman ito ng dalawa at lalo na ng asawa ko.

"Wow opo papa masarap din po yun"

"Okay mga anak sinigang at fried fish ang food natin tonight"

****************************************************

"Hello hon what time ka uuwi naghanda ako ng dinner natin" kausap ko ngayon ang asawa ko at malamang busy na naman ito sa hospital karaniwan kasi kapag malapit ang pasko dito eh siyempre hindi maiwasan ang mga kainan at inuman sa mga iba't-ibang party kaya naman andiyan na yung mga inaatake sa puso, high blood, aksidente at iba pa kaya hindi pwede hindi magduty ng mahabang oras ang tulad nila sa ospital.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon