"Ate Margie hanap ka na ng uupuan natin at sama mo na rin si Tiffany magtitirik lang kami ng kandila" sabi ko sa isa sa yaya ng mga anak ko at kami naman nina Xian at Kayden ay kumuha ng kandila para magtirik at humiling sa harap ni Mama Mary.
"Xian, Kayden light the candle at lagay nyo dito then magpray kayo bago humiling" sabi ko sa kambal.
"Matutupad po ba ang wish namin?" wika naman ni Kayden.
"Oo naman anak maniwala ka lang alam mo noong kakatapos ko lang mag-aral kaya ako pumasa sa examination namin para magkaroon ng license ay nagdasal, nagtiwala ako sa kanya and nag-aral mabuti kaya nakapasa ako at marami pang blessings na naibigay sa akin after noon" sagot ko naman sa kanya.
"Papa magwiwish na po ako tapos na po akong magpray" singit naman ni Xian.
"Okay anak ibulong mo sa kanya ang wish mo at magtiwala ka lang at matutupad yun".
"Okay po ako din magprapray na po ako then magwiwish" napangiti na lamang ako at natutuwa naman ako kasi ang babait nila at i hope whatever they wish it will come true.
After namin magtirik ng kandila ay pumunta na kami sa puwesto kung saan nakaupo sina ate Margie at si Sarah kasama si Tiffany.
Nagsimula na rin ang misa at nakikinig lahat sa sermon ni father...................Christmas Eve na at naku pag-uwi nito malamang hindi matutulog ang dalawa kasi ba naman nakita na dumating ang regalo na mula sa kanilang lolo at lola (magulang ni Paul) at galing din sa mga tito at tita nila (mga kapatid ni Paul).
Gaya pa rin ng dati kami-kami lang ang magcecelebrate ng Christmas kasi nasa duty pa si Paul, gusto ko nga sana na doon na lang magcelebrate sa hospital with him kaso marami daw kasing pasyente at baka mahawa pa ng sakit ang mga bata kaya hindi na ako nagpush, uuwi naman daw ito ng maaga para kahit sa Christmas morning eh makapagcelebrate kami ng sama sama.
Malapit na rin kaming umuwi mga first week ng January..................Excited na ako sana hindi magalit ang mga friendship ko huhuhuhu pero paniguradong mahabang explanation ang dapat kong ihanda hindi kasi ako nagparamdam after kong lumapag dito as in no communication to them at all.
Tapos na ang misa at naglabasan na ang mga tao at nagbatian na kami ng maligayang pasko, daming mga Pilipino dito nakakatuwa kaya halos natagalan din kami dahil nakipagtsikahan pa kami sa kanila.
After ng mahaba-habang tsikahan at nagyaya na ang kambal at atat na silang mabuksan ang mga gift nila. Ngayon ay nasa harap na kami ng kotse pinasok ko na si Tiffany at akmang iikot na ako may humatak sa akin at may tinakip sa bibig ko na nagpawala ng malay sa akin.
**********************
Paul
Nagtataka at the same time kinakabahan ako dahil never namang tumawag sa akin si Margie na isa sa aking kasambahay kahit na matagal na yan sa amin......
Pinindot ko ang answer button at saka "Hell-" hindi pa ako tapos magsalita ay narinig ko na humahagulgol ito, teka kapasko pasko bakit ano bang nangyayari.
"Si-sir *hik*si sir Ren po*hik* dinukot ng isang lalaki dito sa harap *hik* ng simbahan" at humagulgol na ito, shit kaya siguro may kaba akong naramdaman ano kayang nangyari kay Ren at bakit.............
"Nasaan kayo ngayon?a-ang mga bata?nasaan sila?"hindi na ako mapalagay at sinenyasan ko yung nurse na kasama ko.
"Nasa simbahan po binabantayan po kami ni Father at parating na rin po yung mga pulis"
"Sige puntahan ko kayo diyan, huwag kayong aalis"
Nagpaalam ako sa mga tao dito para mapuntahan ang mga bata at malaman ang nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/91812024-288-k400752.jpg)
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
SonstigesMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...