Part 57 (Dream really do come true)

270 7 0
                                    


Narito ako ngayon nakatitig sa mga larawan, larawan na kinunan noong kasal namin ni Christian.

Ilang taon na rin ang lumipas pero parang ang saya pa rin kapag nakikita ko ang mga ito. Hindi kasi ako makapaniwala, totoo pala ang mga pangarap ay natutupad din basta manalig at pagsumikapan.

Si Tiffany isa nang masiglang 10 years old. Hindi na pinapalitan ni Christian ang pangalan nito bagkus pinalitan lang ang surname. At ito ako ngayon bantay naman ng natutulog kong kambal ang kambal namin ng asawa ko. Para akong nagbabantay ng anghel. Ang bait nilang tingnan at kagwagwapo pa nila.

7 years na pala yun, ang tanda ko na pala hehehe pero tumanda man pero ang saya-saya naman dahil yun akala mong imposible pero natupad.

Hindi na ako pinagtratrabaho ni Christian kasi tulad ng pangako niya ako ang reyna ng buhay niya. Pero dahil ayaw ko ng ganoon pinilit ko siya tumutulong na lamang ako sa pag-aasikaso ng coffee shop and restaurant niya.

Siya naman wala, wala akong masamang masasabi puro bahay at trabaho lang din yun minsan nalalate ng uwi lalo na kung sinasama ng clients niya pero nauunawaan ko yun dahil negosyante at isa sa mga dapat niyang gawin ay pagbigyan ang mga kliyente sa gusto nila.

________________________________________________

"Babe i'm home!" masiglang bati ng asawa ko pagdating nito.

Lumabas ako para salubungin siya.........."Babe andito ako sa room ng kambal at wag ka ngang maingay baka magising pa eh." at ayun nga may naririnig na ako......."Papa!" tsk ayaw pa naman ng mga yun na umaalis ako di ko nga alam kung tulog ba sila o minomonitor ako hehehe pero kapag malalim na ang tulog ng mga yan okay na naiiwan ko na. 7 years old na sila pero baby pa rin sila sa akin at sa daddy nila, si Tiffany naman ayaw ng binibaby kasi dalaga na daw siya.

"Sorry naman sige punta ako diyan palit lang ako ng damit" pagkasabi nila ay bumalik na ako sa room ng mga bata.

Alam mo yung tipikal na ginagawa sa pinatutulog na baby tinatapik ko pa sila then kinakantahan. Since baby sila ako kasi ang nagpapatulog sa mga ito.

Dahan-dahan bumukas ang pinto at pumasok na si Christian. Umupo naman ito sa kabilang side.

"Kamusta ang mga cute natin anak?" mahina nitong sabi sa akin.

"Ito napagod kakalaro after kasi gumawa ng assignment ayun hindi magkandamayaw kakalaro kasama ate nila" sagot ko naman.

"Ikaw kamusta araw mo?" sunod ko.

"Ayos lang naman, ikaw kamusta ka?" tugon niya.

"Ito masaya" ngitian ko siya.

Maya-maya pa ay lumabas na kami at pumasok na sa aming kuwarto...........

"Maliligo ka ba?" tanong ko rito at saka naglabas ng pangtulog namin damit.

"Yes sana pero sabay na tayo please" sagot naman nito.

"Okay sige actually kanina ko pa gustong maligo eh"

___________________________________________

"Mahal ko masaya ka ba sa pagsasama nating dalawa?" tanong ni Christian habang kami ay naglalakad sa tabing dagat magkahawak kamay at tanging liwananag ng buwan ang sumasaksi sa aming dalawa ngayon.

"Oo sobra kahit naman nag-aaway tayo at nag-aasal bata ka hehehe wala nang makakasira sa pagmamahal ko sayo"

"Asal bata talaga?"

"Bakit hindi ba hehehehe basta-" huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

It's our 8th years.......................talaga masaya ako at nagpapasalamat pa nga sa Diyos dahil kahit sinasabi nilang against daw si God sa ganito but still ito blessed kaming dalawa at naniniwala na lagi niya kaming pinagpapala at tinutulungan sa lahat. At ang number one na pinagpapasalamat ko kay God ay yung pinaranas niya itong pinapangarap ko lamang dati at sobra-sobra pa nga eh sadyang kay buti niya sobra!

Nagtagpo ang aming mata at nakaramdam ako ng init sa puso habang lumalapit ang mukha nito sa akin nararamdaman ko ang hininga niya. Mas lalong naging mainit ngunit may dampi ng saya at magical touch ang tagpo ito, i can't explain ito well but all i know is I LOVE IT!

"Mahal na mahal kita and sorry sa kalokohan ko mahal ko" sabi nito sa akin habang magkadikit na ang aming mga noo at mga mata'y nakapako sa isa't-isa.

"Sobrang mahal din kita and sorry din sa kahinaan ko" and he kiss me, kiss na animo ay first time ulit namin, puno pa ito ng emosyon, puno ng damdamin, hindi ko tuloy mapigil ang luha sa aking mga mata.

"Happy Anniversary" mahina ngunit malambing nitong sabi sa akin.

"Happy Anniversary din mahal ko"

That night we promise each other na anuman ang mangyari we are going to work together and make our relationship stronger. Niyaya pa niya akong magpakasal ulit sa New York at saktong may clients siya doon at ready daw ang clients niya na sumagot ng kasal namin doon.

Tatanggi pa ba ako, ang saya saya ko, i never expect this to happen akala hanggang pangarap na lamang ang maging asawa ni Christian at akala ko hanggang pangarap na lamang ang ganito pero salamat dahil may isang Christian na bumuo ng pangarap ko.

Sana hindi na ito magwakas..............

Sana ito na lamang lagi ang takbo ng araw-araw kung buhay........

Sana lagi na lang ganito kasama ang mga anak na namin pati ang mahal ko.

"I love you babe" at humalik muli ito sa akin akala ko nga hindi na ito siya titigil pero narinig namin tinatawag na kami ng mga bata.

Pagkakita ng asawa ko sa mga anak namin ay dali-dali siyang tumakbo papalapit sa mga ito. Ngumiti na lamang ako habang nakikita silang masaya at nagtatawanan...............hindi ako nagsisi na nagloan ako sa kompanya mo Christian dahil hindi lang pera ang naloan ko pati ang true love............salamat!

Tumakbo na ako at nilapitan ang aking PAMILYA!

WAKAS..........

Salamat po kung may nagbasa man nito.........


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon