Part 52 (Start Again)

105 7 0
                                    


I just want to be with you, i will go in any way or any road as long as i can be with you and I'll do anything just for you baby...........

***********************

3 years ang lumipas

Iniwan na nila ako pero sa kanila naman paglisan ito ako kapiling yung talagang mahal ko, may nararamdaman pa rin akong guilt dahil sa nagawa kong pang-iiwan sa kanya, pang-iiwan lang ba talaga ang tamang term doon, sa iba ang sasabihin nila binasura at kinawawa ko si Paul dahil lang doon iniwan ko siya at nakipagbalikan kay Christian.

Isang yakap ang gumapos sa akin kasalukuyan nasa terrace kami ng resort ng lalaking binalikan ko, sa part na ito wala akong nararamdamang pagsisisi dahil mahal na mahal ko talaga siya.

Nakatingin lang kami sa paglubog ng araw, masaya kaming nagbabakasyon dito pero akala nyo ba kaming dalawa lang ang andito?guess what andito sila..........

"Hoy kayong dalawang magjowa maglalambingan lang ba kayo diyan tara na magsisimula na kaming magluto ng kakainin natin" sigaw ni James mula sa ibaba dala-dala nito ang nakuhang isda.

"Oo na baba na kami" sagot naman ni Christian at saka naman ako hinalikan sa leeg "Tara na baka magalit pa yung mga unggoy sa baba.


"Hay sa wakas kala namin ni honey boo ko kami lang ang magluluto dito eh" salubong ni Paul sa aming dalawa ni Christian.

"Reklamo much, oo na tutulong na" sagot ko naman sa kanya.

"Wait ang mga bata nasaan?" tanong ko sa dalawang unggoy na ito.

"Kasama ni tita Carmen at ni mommy" sagot naman ni James.

"Ah okay tara na simulan na natin ang pagluluto, oh babe kayo na lang sa pag-iihaw ah" baling ko kay Christian.

"Yes boss"


Paano nga ba nangyari na nagsama kaming apat dito sa resort ng soon to be husband ko?


"Sorry sa nagawa ko pero nasaktan din ako, pero wala eh siguro naging way na rin ito para maibalik ka sa totoo mong mahal"

"Sorry din Paul kung alam mo lang kung gaano kahirap itong nararamdaman ko lalo na sa nangyari sa atin, sorry kasi instead na ilaban ko yung tayo mas pinili kong bitawan ka para makabalik kay Christian, sorry" niyakap ko siya at tuluyang bumagsak ang aking luha.

"Wala yun ganito talaga siguro ang tadhana natin" naghiwalay kami mula sa pagkakayap at saka niya hinawakan ang mukha ng kanyang mga kamay "masaya na rin ako kasi at least nakabalik ka na sa kanya though mamimiss kita at nanghihinayang man sa naudlot nating kasal pero huwag kang mag-alala everything will be okay, i will be okay"

"Alam ko naman magiging okay ka kasi isang strong and awesome guy though may pagkamalibog nga lang hehehehe, Paul sorry talaga at ikaw na bahala sa kambal and wait paano pala si Tiffany babawiin mo ba siya sa akin?"

"Nope sayo si Tiffany, alam ko naman magiging okay siya sa piling mo at huwag kang mag-alala sa kambal ako na ang bahala at huwag kang mag-alala kasi ikaw pa rin ang Papa Renzo nila promise ko yan mahal na mahal ka ng dalawang yun eh. Oh sige na almost time na mag-ingat ka ah at alagaan mo sarili mo thank you Renzo and goodbye" hinila na nito ang kanyang luggage at kumaway naman ang kambal ng walang malay pa sa nangyayari.

"Wait! Paul Wait" nagulat ako at hinanap ang taong sumisigaw.

"Oh teka James bakit ka humahangos at wait bakit ka may dala-dalang gamit?" tanong ko rito.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon