Kinabukasan...............
Nakatingin lang ako sa kanya......Pinagmamasdan ang maamo niyang mukha, masarap magstay at pagmasdan ang itsura ng taong mahal mo. May kabang biglang pumintig sa aking puso ng maalala ko ang sinabi niya bago siya matulog, well kailangan ko ng humanda.
Bumangon na ako ng mabilis dahil kailangan ko ng bumalik at may duty ako ngayon. First day ng pagdating ng mag-memedical mission sa aming paaralan.Nalulungkot ako kasi sa isip ko may naglalaro, isang eksena na may posibilidad na maging realidad. Pinaglihi ata ako sa negative thoughts at bakit simula pa lang ng relasyon namin lagi akong may naiisip na negative.
Dahan-dahan akong lumbas ng kuwarto at bumaba....Nadatnan ko si mommy Carmen sa sala nanonood ng balita....
"Good morning mommy" mahina kong bati at saka ngumiti.
"Good morning din anak andito ka pala"
"Opo kagabi po kasi ay nagyaya si Christian na lumabas eh"
"Ah mabuti madalang ko na lang din kayong makitang magkasama, well uuwi ka na ba? 4:50 AM palang ah" tama siya sa naturang nito madalang na lang kaming magkasama ng anak niya.
"May duty po kasi ako sa school ngayon at kailangan ko pong makarating ng maaga"
"O siya sige pahatid ka na kay Christian"
"Sige po salamat po pero tulog pa po kasi siya ako na lang po mag-aabang na lang po ako ng taxi"
"Tulog pa ba?Naku anak o siya kay Joseph ka na lang magpahatid sa driver ko andiyan naman siya eh sige na delikado sa labas"
"Salamat po ulit, bye po mommy" nagpaalam na ako.
Hindi na ako tumanggi sayang ang pamasahe at di ko rin naman kabisado ang paglabas dito.
***********************************************
"Good morning at mabuti naman 30 minutes bago magsimula eh nakarating ka na kasi paniguradong sabon aabutin mo kay madam kapag hindi ka umabot sa time hehehehehe" pagbati na may kasamang pang-asar ni Mam Talia isa sa mga co-teacher ko na makakasama ko sa pag-aassist.
"Good morning din po, eh di magbabanlaw na lang ako para mabango hehehe, eh saan ba ako nakaassign para mapuntahan ko na."
"Room number 3 ka sige lakad na andoon na ata yun nurse at doctor"
"Opo sige po" at lumakad na ako patungo sa room na kung saan ako nakaassign.
Hay medyo masakit pa ulo ko at bitin sa tulog pero okay lang sayang ang allowance pati na ang service credit. Kaya ito bago pumasok lumagok muna ako ng C_bra para magising kahit paano. Sa aking pagpasok natanaw ko agad ang isang babae na malamang nurse na nagseset-up ng gamit. Nilapitan ko ito at binati.
"Good morning po ako po yung teacher na makakasama ninyo dito" pambungad ko habang abala ito sa pag-aayos.
"Ay good morning din sir pwede bang magpatulong ayusin lang nating ang mga gamit" mabuti hindi masungit ang isang ito, maganda naman siya in fairness pero halata na mas matanda ito sa akin.
Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit sa lamesa at ayusin ang mga upuan inabutan niya ako ng gloves at mask......"Thanks po, uhmmm ako nga pala si Renzo kayo po anong name nyo?" nagpakilala na ako na hindi ko agad nagawa kanina dahil sa dami ng aayusing gamit.
"Ay oo nga pala dami kasi natin inayos di pa tayo magkakilala ako nga pala si Joy" nakipagshakehand ito sa akin at ngumiti grabe natotomboy ata ako ang puti kasi niya tapos ang ganda ng mata, maganda ang set ng ngipin tapos ang bango-bango pa niya........no! si Christian pa rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/91812024-288-k400752.jpg)
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
RandomMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...