Part 16 (Us and the stars)

188 8 0
                                    

Sa sobrang libang na libang kami sa kuwentuhan namin eh inabot na kami 7 P.M, sobrang makuwento talaga kasi yung kambal gisado ako natuyo utak ko hehehe.

Muling umakyat ang mommy nila at may dalang soup para kay Charles....

"Mga anak ready na ang hapunan ako na muna dito kay bunso, baba na kayo para makakain. At siya nga pala Christian pakainin mo na rin jowa mo" lintanya nito habang inilalapag ang pagkain at gamot ni Charles.

"Opo mommy"

Nauna nang bumaba ang kambal. Pagtayo namin hinawakan bigla ni Christian ang kamay ko at lumapit kami sa kanya ina.

"By the way mommy after namin kumain lalabas lang po kami ni Renzo" paalam ni Christian.

"Aba himala lalabas ka, well sige anak mag-ingat kayong dalawa huh, at Renzo after ng date ninyo dito kana matulog at bukas ka na pahatid kay Christian baka mapaano pa kayong dalawa kung uuwi ka pa." sabi ni mommy habang kinakalog ang gamot na ipapainom kay bunso (wow part na pala ako ng family charot)

"Ah eh nakakahiya naman po kaya ko naman po umuwi magtataxi na lang po ako at saka po may pasok na po si Christian bukas eh nakakahiya po" sagot ko pero sa totoo lang sana nga magkatabi pa kami matulog para makita ko ulit yung yummy body ni Christian (ang landi mo itigil yan!)

"Ay magtigil sige na Christian and Renzo sunod na lang kayo at nag-aalala lang ako" pilit ni mommy.

Napatingin lang si Christian at nagsmile na parang sinasabing sige na okay lang tabi ulit tayo matulog babe (oh landi landi na naman)

"Okay po" tangi ko na lang naisagot

"Oh siya kain na kayo roon ako muna dito kay Charles huh, sige pakabusog, at Christian mag-ingat sa pagdridrive huwag na kayong magmotel dito na lang safe pa (sabay tawa nito) heheheheh biro lang mga anak" nakakaloka si mommy

"Mommy naman" naramdaman ko tuloy na humigpit yun hawak niya sa kamay ko, at saka na kami lumakad palabas para kumain.

Maraming pagkain, piyesta ba?may nagcecelebrate ba ng birthday?

Well basta ang sarap ng pagkain sa harap ko at hindi na ako nag-inarte since gutom na rin ako. Tingin lang tingin si Christian para tuloy akong na conscious sa ginagawa kong paglamon hahahaha.

Nang matapos kami, tutulong sana ako sa paglilipit nang pinigilan ako ni Christian. Niyaya na lamang ako nito sa kuwarto nito dahil nga gusto ko rin sanang magbanlaw ng katawan at magtoothbrush bago kami lumabas. Pinahiram ako nito ng towel at bagong toothbrush. Buti may extra akong damit na dala, boyscout eh laging handa. After mga 10 minutes lumabas na ako at nakita kong nag-aayos ng damit si Christian.

"Christian?" mahinang kong bungad dito habang nag-aayos pa ito.

"Yes babe?" sagot naman nito na medyo nagparamdam sa akin ng init sa may dibdib (malaking dibdib tsarot!)

"Saan tayo pupunta?"

"Underneath the star"

"Uhmmm" ayoko nang mangulit baka uminit ulo.

"Trust me babe magugustuhan mo rin yung pupuntahan natin" panigurado nito.

"Sure naman ako eh" sabay smile, pumasok na rin ito sa banyo para maligo.

Umupo lang ako sa bed niya, nagmumuni-muni at napapaisip pa rin na "Wow huh dream come true talaga, sana tuloy tuloy na ito kasi once lang ito pero gaano naman kaya katagal ito or magtatagal ba ito o baka nananaginip lang ako since madalas ako magpantasya ng ganito......................ang gulo ng utak ko kasi parang pantasya lang talaga ito eh" pinilit kong ibalik sa wisyo ang utak ko at nagpatuloy sa pag-aayos.

Nagloan, nagkabanggan at nagmahalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon