Dalawang araw na ang lumipas simula ng makatext ko itong si..................................wala kasi siyang binabanggit na pangalan...........basta daw makikilala ko rin naman siya someday nag-iipon lang siya ng tapang....
Napaisip naman ako doon............Nyek sa itsura kong ito kailangan pa ba niya ng ganun?
Nakakatamad na lalo...........kasi alam ko excited na rin ang mga bata sa pasko at bakasyon marami na ngang umaabsent eh.
Pati ako gusto ko nang magbakasyon...........Nakakapagod magturo lalo na walong seksyon ang hawak mo tapos pasaway pa lahat nauubos pa nga oras ko kakasaway kaysa sa pagtuturo....
Matindi na ngayon ang mga bata.............Pero masaya ako sa pinili kong trabaho lalo na kapag alam mong may naibabahagi ka sa kanila.
At isa pang masaya doon dahil sa mga co-teacher mo na dabarkads mo pa...............Kadalasan after ng work dinner lang kami sa isang restaurant or gala kahit saglit pang tanggal stress lang.
Ayun tapos na naman ang buong maghapon..........time to go home and rest.
Pag-uwi ko sa bahay...........
Kinausap muna ako ng aking lola about sa bayarin, wala pa namang suweldo at ubos ko na bonus ko sa mga bayarin ko rin lalo na dahil naghahanda ako para sa aking masteral.
Umakyat ako sa aking kwarto after namin mag-usap ni lola.
Tumunog ulit ang cellphone ko malamang si Textmate ito.......
"Hi! Good pm kumain ka na ba?Don't skip your meal, laging ingatan ang sarili mwuah!"
Nakakatuwa naman itong taong ito........Ewan kong sinuman siya feeling ko madali akong mahuhulog sa pagiging sweet at caring niya.
Sumagot na lamang ako sa kanya text..........."Ayos na po ako kakauwi ko lang sa work........Ikaw din po kain ka at huwag magpalipas ng gutom"
At tuloy-tuloy na nun ang aming pag-uusap hanggang sa di ko namamalayan na nakatulog na ako sa pagod.
Christian's POV
Nakakastress ang araw na ito, daming trabaho.
Pero buti na lang may nakakausap ako sa katauhan ni Renzo. Buti hindi niya ako iniisnob kahit di ako nagpapakilala pa.
Madalas ko siya kakuwentuhan lalo na sa hapon sa free time niya. Ewan bakit ba ako natutuwa na kausap siya eh nagkainitan nga kami last time na andito siya di ba?
Naiba lalo ang tingin ko sa kanya kasi hindi siya mapili at inientertain niya ako kahit hindi niya ako kilala. Masarap din siyang kausap.
Tinignan ko ang oras.............Pasado ala sais na..............Nakauwi na siguro yun malamang......
Kaya kinuha ko ang aking cellphone para maitext siya.........
Tumagal ang aming kuwentuhan at hindi ko rin namamalayan na 8 P.M na pala at hindi pa ako nakakauwi........
Pero sa aking huling text..................."Renzo, andiyan ka pa ba?" hindi na ako nakareceive ng reply baka nakatulog or may ginagawa siya.
Wala akong ibang magawa kung hindi mag-ayos na ng gamit at umuwi..........May nagyaya sa aking maggala, gumimik, uminom pero tinanggihan ko hindi kasi ako ganun mas gusto ko pang mag-isa at umuwi na lamang sa bahay.
Nakakatamad kasi at ayoko din ng maingay.............Sabi ng isa kong kaibigan "Kaya ka tol walang love life eh ayaw mong iexpose ang sarili mo mundo eh gwapo, macho at mayaman ka nga eh para ka naman may asawa na at sampung anak na bawal nang magnight life hindi ka ba nabobore?"
BINABASA MO ANG
Nagloan, nagkabanggan at nagmahalan
De TodoMay pagkakataon talaga na hindi mo aasahan na may babangga sayo at magkakaroon kayo ng salpukan pero sa dulo yun pala ang daan para ikaw at siya ay magkaroon ng koneksyon sa isa't-isa....at magbubukas ng pinto ng pagkakataon para mahanap ang pag-ibi...