Chapter 1: Date?

679 12 0
                                    


"Guys! lumalove-life na ang bestfriend ko. Imagine may crush pala siya dito sa campus." natahimik ang buong classroom sa tili ni Ava.



"Psshh. Ganun na ba ka-bigdeal na magkaroon ng crush si Coreen?" bulong ko sa sarili ko.




"Bakit insecure ka?" tanong ng isang masamang hangin sa paligid.




Bakit naman ako maiinsecure sa isang katulad ni Coreen, dakilang plastic kaya siya. Maganda nga, masama naman ugali.


"Pwede ba! Mind your own business, wala ka na bang ibang alam gawin kundi manira ng araw ng ibang tao?" pasigaw kung sabi.




Kung itatanong niyo kung sino yung taong magaling mambwisit sakin, walang iba kundi si Cedric Ford. Mmm gwapo nga, mayabang naman.



"Yah! Yunjie, bitter ka pa rin ba sa akin dahil binusted kita." ano raw? wow ha, ang kapal ng mukha niyang magbitiw ng salita.




Sabi nga nila past is past. Malamang naka get over na ako sa pangyayaring yun.



"Psshh. Assuming!" makalabas na nga sa classroom na'to.





Paalis na ako ng classroom ng may tumawag sa akin, at ang hindi ko pa akalain, si Coreen. Classmate ko siya pero hindi kami gaanong nag-uusap, ni nagpapansinan.





"Yunjie can you do me a favor?" psshh akala ko kung anong importante.



"Pwede mo bang iabot kay Terrence ito, since naaabutan mo naman siya sa music room." sabay abot niya sakin ng isang letter.



Wow ha! magiging utusan pa ako sa lagay na'to. At saka saglit lang, kanino daw? kay Terrence? sa taong yun? Eh halos hindi nga makausap yun ng matino eh.



"Ah ganun ba, pero kasi hindi ko na siya masiyadong naaabutan dun eh, pagdating ko kumpleto na ang lahat dun at wala na sila." hindi naman kasi nag-iistay dun yung taong hinahanap niya.



"Please Yunjie, alam ko kasing pag ako ang magbibigay hindi niya tatanggapin." pala, how much more kung ako ang magbibigay.


Aissh ano pa nga bang magagawa ko.



"Sige susubukan ko."


"Salamat Yunjie" with matching pabebe face niya.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now