2nd day of school yearKung kahapon si Jude ang gumising sa akin, maaga naman akong gumising ngayon para gisingin siya. Nagtutulug-tulugan pa siya habang ginigising ko kaya kiniliti ko na lang siya. Ang resulta, pareho kaming nahulog sa baba mula sa kama niya.
Tulad ng kahapon, sabay sabay ulit kaming kumain. Then, balik school na ulit kami. This time, kinakabisado ko na ang daan mula subdivision namin papuntang school ni Jude at sa Westerville.
Nabawasan ang kaba ko kumpara kahapon. Pagpasok ko palang sa gate, pinagtitinginan na nila ako. Shemay! Di ko naman alam na magkakatotoo pala ang prediction ko.
"Goodmorning!" si Dion.
Simula ngayon, sasanayin ko na ang sarili kong tawagin sila sa pangalan nila rito. Kahit kasi hindi nagbago ang mga itsura nila, ibang-iba naman kung sino sila sa mundong ito.
"Goodmorning din." sagot ko.
"Huwag mo nalang silang pansinin. Maya-maya makakalimutan din nila 'yan." ngumiti nalang ako bilang sagot. Tama nga naman siya, di magtatagal may bago na naman silang pag-uusapan. "Hatid na kita sa room niyo." alok niya pero pinigilan ko siya. Nahihiya na ako sa kaniya. Bagong kilala palang kami pero tinulungan na niya ako.
Akala ko maghihiwalay na kami ng way. Kaya pala ang lakas ng loob niyang mag-alok dahil magkatabi lang ang classroom namin. Napatawa na lang ako ng ma-realize ko.
"Errah!" tinawag niya ang pangalan ko nang papasok na ako sa loob. "Pwede ba kitang makasabay mag-lunch mamaya?"
Tumango na lang ako bilang sagot. Wala naman ako kasamang maglulunch kaya ok lang siguro na si Dion muna. Isa pa, siya palang ang kilala ko sa Westerville.
Marami na rin ang mas nauna sa akin sa classroom room pagkarating ko. Pero hindi pa man ako nakakaupo sinalubong na agad ako ni Kean Villaflor. Panigurado dadaldalin na naman ako nito.
"Hey!!!!! Gurl!!!!" Hinarangan niya ako sa daraanan ko pero hindi ko na lang siya pinansin. Siguro ganito lang talaga siya. Mas masahol pa sa isip-bata.
Uupo na sana ako sa upuan ko pero umupo siya roon. Kaya pansamantala muna akong umupo sa upuan ni Ayla na nasa tabi ko.
"Close na kayo ni Dion?" tanong niya na parang sigaw.
Napakalakas niya magsalita eh katabi niya lang naman ang kausap niya. Nakuha niya tuloy ang atensiyon ng buong classroom. Para pang bata ang ekspresyon ng mukha niya. Pinipigilan ko lang matawa.
"Ms. Ferrer wala ka bang balak magsalita?" dagdag naman ng isa ko pang babaeng classmate.
Sakto namang napatingin ako sa pinto at naroroon ang squad ni Ayla. Muli na naman kaming nagkatinginan. Bakit ganoon? Para talagang may gustong sabihin ang mga mata niya.
"Goodmorning!" bati ko nang makarating siya sa amin. Tumayo na rin ako dahil nandito ako sa upuan niya.
"Pansinin mo naman siya Thea. Snob ka na naman eh." singit ni Kean.
"Tigilan mo ako Villaflor. Huwag mong sirain ang araw ko." sumbat niya na walang ekspresyon ang mukha.
Nagkatitigan muna kami bago siya muling nagsalita.
"Villaflor palit tayo ng upuan." banggit niya habang nakatingin sa akin.
Agad-agad namang kinuha ni Kean ang bag niya sa dati niyang upuan. Pagkatapos ay lumipat na roon si Ayla. Wala na rin akong nagawa kundi umupo nalang sa upuan ni Ayla.
Tulad ng inaasahan kami ang sentro ng buong classroom. Lahat nakatingin sa amin at inaabangan ang susunod na mangyayari.
Dahil matagal pa naman ang time, nagsalpak muna ako ng earphone at yumuko muna ako sa desk ko.
Miss ko na ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila Monique? Kumusta na kaya ang Aim6ix? Si Ayla? Ang HanJi?
Hindi ko alam kung ilang araw, linggo, buwan o taon ang ilalagi ko rito. Pero tulad ng nasabi ni Sir Maniego, haharapin ko muna kung ano ang meron dito at ipagdadasal ko muna ang pamilya ko. Dahil iyon ang pinaka-malaking bagay na tanging magagawa ko sa kanila habang naririto ako.
Biglang umingay ang paligid kaya nagtanggal muna ako ng earphone. Nakita kong papasok si Asus sa classroom. Kaya pala maingay sila.
Sa rami ng daan na pwede niyang paglakaran sa may column pa talaga namin.Napatingin ang lahat sa kaniya nang sipain niya ang inuupuan ni Kean. Wala tuloy nagawa ang kawawang si Kean kundi lumipat ulit ng upuan.
Tahimik siyang umupo sa dati kong upuan. Hindi ko alam pero nakikita ko sa kaniya si Terrence. Cold. Mainitin ang ulo. Galit sa paligid.
Ipinikit niya ang mata niya. Bakit niya ako inaya kahapon? May dahilan ba kung bakit kailangang may ipakilala siya sa papa niya?
Napatingin pa ako sa harap nang nakita niyang nakatitig ako sa kaniya. Hindi maipagkakailang malakas ang charisma niya sa mga kababaihan. Pero hindi ko talaga maiwasang ikumpara siya kay Terrence. Mas cold nga lang si Asus kung tutuusin.
Napatingin ulit ako sa gawi niya. This time siya naman ang tumititig sa akin. Kung alam ko lang, di na sana ako tumingin sa gawi niya.
Di nagtagal, dumating na rin si sir Maniego at pormal na niyang inumpisahan ang lesson namin. Magaling siyang magturo. Banayad din kung magsalita. Napakaganda rin ng strategy na pinapakita niya.
"Mr. Ilarde!" biglang umalingawngaw ang boses niya sa classroom. "Stop staring at Ms. Ferrer!"
Napatingin naman ako sa gawi ni Asus. All this time, nakatitig ba siya sa akin? Ano kayang nakain ng taong 'to?
Pinapatigil siya ni sir at kinukuha ang atensiyon niya pero nakatingin parin siya sa gawi ko. Inilagay ko nalang sa harapan ang paningin ko.
Natahimik ang buong classroom dahil sa kaniya. Kinuha niya ang atensiyon ng karamihan kabilang si sir. Maya-maya lang bigla siyang lumabas ng classroom dala-dala ang bag niya. Nagulat kami sa ginawa niya. Pero napagtanto naming time na rin pala para sa second period.
Napailing na lang si sir sa ginawa niya. Umalis na rin siya sa classroom kasama ang gamit niya. Naiwan naman ang classroom na tahimik.
Lumapit si Kean sa akin for the nth time. Umupo siya sa inuupuan ni Asus kanina. Ginaya niya si Asus at tumititig rin sa akin na parang abno. Isip-bata talaga. Tsk.
Hindi nagtagal, lumabas na rin ako. Vacant namin ngayon kaya nagsilabasan muli sila.
Gusto kong mag-stay sa ground ng Westerville kaya lang marami ang studyante na nasa silong. Medyo mainit na rin kasi sa ground.
"Errah!" pagtingin ko sa sumigaw, si Dion lang pala.
"Wala kayong second period?" tanong ko.
"Meron. Boring subject. Nag-iintroduction palang naman sila." sagot niya. "Saan punta mo?"
"Sa ground sana kaya lang maraming students ang nandon. Mag-sstay muna siguro ako sa library."
Pagtingin ko sa kaniya, nakatitig rin siya sa akin. Uso ba tumititig ngayon? Hindi naman ako na-inform na stare day pala ngayon.
"Errah!"
"Hmm?"
"Y-you're pretty. I-I'm serious."
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob