Chapter 28: Everything

159 7 0
                                    

Yunjie's POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Kung nakainom lang sana ako, iisipin kong hangover ito pero iba siya eh. Masakit talaga.


Pagkamulat ko ng mata, parang may iba... Am I dreaming? The color of my room is pure white. But why the heck naging light blue na siya? Asan ako?


I can't remember anything. Why?



Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. This room is a way better than mine. Mas malaki, mas malawak at mas mamahalin ang mga kagamitan. Napatingin ako sa wall at nakita ko ang mukha ko roon. Hell! Nananaginip parin ba ako? Katabi ng picture ko ay isang family picture and I'm included there. Am I halluscinating? Na-hypnotize ba ako? Is it an illusion?

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo na lang ako at inikot ang buong kwarto. Posters. Napakaraming posters ng mga korean idol pero BTS lang ang nakilala ko. Even sa bathroom meron din. Napaka-hightech ng kwarto. I admit mayaman ang family ko pero ibang level ng wealth ang nakikita ko.

Maya-maya biglang may kumatok sa kwarto. What will I do? Paano ako haharap sa mga taong di ko kilala?

"Open the door." boses ng isang batang lalaki. Maybe siya yung bata sa family picture.

"Anong k-kailangan mo? Gusto ko pang matulog." my alibi. Hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakaling nagharap kami.

"Don't fool me Erra Jin. I'm tired of listening to your alibis." what? Erra Jin? Kailan pa ako naging Erra Jin?

"Hindi ako si Erra." I shouted.




"Isusumbong kita kay dad or open the door?"

Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto. Hindi ko alam kung terror ang ama niya. Baka mamaya mas malala pa kay dad.


"Are you not going to school? Bakit hindi ka pa nakapalit?" nakapameywang niyang sabi.

Nakapalit na siya ng school uniform.


"Today is the first day of school Erra Jin!" napalaway na lang ako dahil sa sinabi niya.

Nasaan ba talaga ako? Huhu.

Wala na akong nagawa kundi maligo at magbihis. Pagbukas ko ng closet, nakita ko na ang school uniform. Para rin siyang uniform ng Han-Ji pero mas maganda lang ito ng konti.

'Erra Jin Ferrer' nakasulat sa name tag. Sino siya?

"Maam Erra pinapatawag na po kayo sa baba." may nagsalita mula sa labas. Naalala ko tuloy si nanay. Ano na kayang ginagawa nila ngayon?

"Susunod na po." sagot ko.

Hindi rin nagtagal at lumabas na rin ako. Tulad ng inaasahan ko, malaki talaga ang bahay. Hindi ko nga rin alam kung saan ako magtutungo. Buti na lang sinundan ko yung kasambahay na may hawak na pitsel at mga baso.

"Goodmorning my dear, how's your sleep?" bati sa'kin ng isang babae.

Maputi siya, maganda at singkit ang mga mata.

"Ok lang po." I replied.

"Mukhang matamlay ang baby girl natin." sabi naman nung katabi niya. Maybe he's the father of this family.

Ngumiti na lang ako basta at umupo sa bakanteng upuan.

"Are you excited to your first day in school?" tanong nung lalaki. Aiishh! Ano ba ang itatawag ko sa kaniya? Dad? Papa? Tay? Abeoji? Appa? Huhu! Naguguluhan na talaga ako.


The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now