Half-day ang practice namin ngayon pero isang oras na at hindi parin ako sumisipot.Hindi ko nagustuhan ang inasal ni Ashley.
Ganito kasi ako eh. Padalos-dalos lalo na 'pag hindi maganda ang mood ko.
Wala na talaga akong balak maki-practice ngayon kaya babalik na lang akong classroom.
Classroom...
"Psst. Ba't andito ka? Akala ko ba half-day practice niyo ngayon?" si Cedric.
"Wala 'ko sa mood."
"Tara." sabay alok niya ng kamay sa akin.
"H-ha?" hindi ko kasi siya ma-gets.
"Excuse ka naman kaya ok lang. May pupuntahan tayo."
"T-teka pano ka, ako lang naman excuse?" ayoko namang absent siya dahil gusto niya lang akong damayan sa kaartehan ko.
"Huwag mo nang intindihin yun. Ang importante gumaan yang pakiramdam mo." saka siya ngumiti.
__ __ __
Sa isang park ako dinala ni Cedric.
Tanaw na tanaw ang paligid mula rito.
Nasa mataas kasing lugar ito.
"Cedric thank you sa pagdala sakin dito." sabi ko habang kumakain ng ice cream.
"Basta ikaw." mahangin niyang sagot.
Ang refreshing ng hangin dito. Hindi ko alam kong paano niya natunton ito.
"Paano mo alam na may ganitong lugar dito?" tanong ko.
Ito kasi yung klase ng lugar na hindi ka magsasawang balik-balikan dahil sa ganda ng paligid.
Simple pero masaya. Pinangangalagaan siguro ito ng LGU nila.
"Dahil sa isang importanteng tao sa akin."
"H-ha?"
"Nung Grade-7 kami dito siya palagi pumupunta, dahil na-curious ako isang araw sinundan ko siya. Ayon, nagalit." kwento niya.
"Bakit siya nagalit sayo?"
"Matigas daw kasi ulo ko." ha, di ko gets.
"Tsk. Huwag na nating pag-usapan yun. Nandito tayo para mag-relax." sabi niya sabay akbay sakin.
"Sabi mo eh."
Saka kami tumawa ng sabay.
Hayy! Sana di na matapos ang araw na ito.
"Hello Ma'am, Sir. Ako nga po pala si Red Sumano ng Clark University." pagpapakilala sa amin ng isang college student.
"Bali andito po kami para po sana humingi ng kaunting tulong para sa mga nasalanta ng bagyo sa Mindanao. Isa po kasi ito sa mga accomplishment ng univ. namin. Bale gusto na rin po naming makatulong sa kanila by giving some relief goods so kung maaari po hihingi rin sana kami ng tulong sa inyo. Meron po kaming couple key chain dito na nagkakahalaga ng five hundred pesos, tiyak pong babagay sa inyong dalawa ito. Basta kahit ano po tatanggapin namin ng bukal sa puso."
Naks kuya. Unang-una hindi kami mag-jowa.
"Psst. May kuto ka ba? Tatanggapin daw niya kahit bukal sa ulo." bulong sakin ni Cedric.
"Loko. Bukal sa puso yon." bulong ko pabalik.
"Ay kuya hindi po kasi---" sasabihin ko sanang hindi kami mag-jowa pero inunahan na ako ni Cedric na magsalita.
"Sige po, bibilhin namin yung keychain." tsk. Ngiting-ngiti ang loko.
"Hoy! Bakit mo binili 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Yaan mo na. Para naman daw sa mga nasalanta ng bagyo. Oh tig-isa tayo." alok niya sakin ng keychain.
"Malay mo scam. Tiyaka pang-couple 'to. Baka mapagkamalan uli tayong mag-jowa." hindi na lang kasi ito ang unang beses na mapagkamalang kami.
"Ayaw mo. Bahala ka, di naman kita pinipilit." aiish, Cedric Ford sarap mong batukan.
"Amin na nga." saka ko inagaw yung keychain.
"Dami pa kasing arte. Alam ko namang di mo matatanggihan 'yan."
"Ouch! Ansaket kaya."
Binatukan ko kasi siya.
Umandar na naman kasi yung pagka-assuming niya.
"Namumuro ka na saking lalaki ka."
"Ikaw ha. Wala ka na bang ibang alam na way para maka-tsansing sa akin. Puro ka na kasi batok eh gusto mo ba sa may parteng tiyan?"
Waahh! Lord help me!
Saan ba ang pinakamalapit na hospital dito?
Kung ano-anu kasing pumapasok sa isip ni Cedric.
"Tara na nga." tatayo na sana ako pero hinila niya ako kaya napa-upo ako uli.
"Dito muna tayo. 5 minutes." sabi niya. Kaya hinayaan ko na lang siya.
Nagsalpak ako ng earphone. Papakinggan ko yung kakantahin namin. Alam niyo na, hindi ako naki-practice eh.
Habang nakikinig...
"Cedric parang nakita ko si Terrence." may nakita kasi akong kahawig niya. Ewan ko kung siya nga o dahil na lang siguro sa galit ako sa kaniya.
"H-ha si T-Terrence a-ano naman sanang g-gagawin niya dito?"
Tsk. OA lang Cedric. Kailangan talagang mautal?
"Aissh. Wala kahawig niya lang siguro." baka namamalik-mata lang siguro ako.
Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig habang siya naman ay nakatingin sa paligid at nagmamasid.
Tahimik parin siya habang naka-upo kami, hanggang sa nagsalita siya na ikinagulat ko.
"Yunjie, tanungin mo ulit ako kung pwedeng maging tayo. Promise ko ngayon sasagutin na kita agad ng Oo."
...
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob