"You approached me first. Panindigan mo ang kilos mo."What? Eh ano naman sana kung nilapitan ko siya? Dapat nga pasalamatan niya pa ako sa ginawa ko kanina.
Isang kumag din pala 'to eh. Tsk.
"You're crazy." bulong ko na hindi nakalampas sa pandinig niya.
Buti na lang hindi na siya nagsalita. Wala rin ako sa mood makipagtalo eh.
"Hey Miss! Errah right?" ohhh pagtingin ko, isa na namang kumag. Season ba ng mga kumag ngayon? Para kasing kalat lahi nila ngayon eh.
"What?" pagtataray ko. Kahit na nakakausap ko si Terrence, naninibago parin ako. Para kasing nasanay na ako sa cold personality niya.
"A-are you busy?" what? Anong klaseng tanong 'yan.
Binatukan naman siya ni Arc. Parang kailan lang magkaaway sila. Tapos makikita ko sila ditong super close. Tsk. This world is full of jokes and funny people.
"Ah .. Aayain ka lang sana namin. Hehe." si Arc.
"Get lost. She's with me." ~Asus
Ano na namang kakumagan ang naiisip ng lalaking 'to. Bago pa sila magdesisyon para sa akin, inunahan ko na sila.
"May pupuntahan pa kasi ako, una nako."
Pagkaalis ko saka ko lang naisipang hindi ko pala alam ang way pabalik sa mga Ferrer. Wala rin kasi sa isip ko kaninang papunta sa school.
"Where are you going?" si Asus. Sinundan niya ako.
"Uuwi na ako." walang buhay kong sagot.
"Wala pa ang dad ko. Hintayin muna natin siya." what? Is he insane?
"Maghanap ka na lang ng ibang babaeng ipapakilala mo. Wala ako sa mood. At higit sa lahat, ayoko ng pinapagawa ko." and I left him alone.
Nagtungo ako sa parking lot upang magbakasakali na naroroon si kuyang driver. Pero tulad ng inaasahan ko, wala rin siya roon.
"Pauwi ka na?" our class adviser. Si Mr. Maniego.
"Yes sir." I answered. He's strange.
"Hindi ka rin taga-rito." banggit niya.
Nagpintig ang tenga ko pagkarinig niyon. How did he know?
"S-sir you mean h-hindi rin kayo taga-rito?" nabubulol na akooo.
"Nope. Dito na ako lumaki. Hindi na siguro ako makakabalik sa dati kong mundo." malungkot niyang sabi.
Ibig bang sabihin ni sir, possible na ma-stock rin ako dito? Oh no!
"S-sir pero papano akong napunta dito? Kayo? Bakit tayo andito?" napakarami kong tanong. I'm afraid sa possibility na di na ako makabalik sa mundo ko.
"Hindi ko rin alam. Matagal ko na rin iyang tanong. Pero hanggang ngayon hindi ko pa nasasagot. Pero isa lang ang sigurado ako. May dahilan kung bakit ka naririto Errah." ngumiti si sir sa akin. Para bang sinasabi niya sa ngiti niyang malalagpasan ko ang lahat ng 'to.
Hindi ako nag-iisa. Kasama ko si sir Maniego. Pero magkaiba kami. Wala na siyang balak bumalik.
"S-sir wala na po ba kayong balak bumalik?" diretso kong tanong.
Tumingin siya kawalan bago sinagot ang tanong ko.
"Gustong-gusto ko nang makita ang mga kapatid at magulang ko. Pero hindi ko kayang iwan ang pamilya ko rito. 20 years na ako sa mundong 'to. Mas matagal na ang paninirahan ko dito kesa sa mundo mo Errah. Pero lagi kong pinagdadasal ang pamilya ko sa kabilang mundo."
Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi niya. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Pano pa kaya 'pag tumagal pa ako dito? Gusto ko ng bumalik. Natatakot ako sa pwedeng mangyari rito.
"Saan ka ba? Ihahatid na kita." alok niya.
"Sir wala po akong ka- alam alam sa pamilya ko rito." wala na akong ibang mapagtatanungan bukod kay sir Maniego.
"Don't worry. I'll do a background check to your history."
"Thank you sir."
Inihatid na ako ni sir Maniego sa mansiyon ng mga Ferrer. Napakayaman talaga nila. Kahit pa siguro pagsasamasamahin ang negosyo ng mga Lim, hindi nila mapapantayan kung ano ang meron sa mga Ferrer.
"Oh! Before you go may sasabihin ako. Your father is the owner of one of the biggest company here in the Philippines. May mga branches rin siya International. He's name is very famous. Your mother is a teacher and a mall owner. Ok? You can go. I'll tell you the others tomorrow."
Waah! Daebak! Maybe they are one of the most influential person here in the Philippines.
"Oh! You're here." Si dad, mr. Ferrer. I kissed him in cheeks while approaching him. "How's your first day of school?" he asked?
"Great dad. Close na kami ng adviser ko." sabi ko habang nakangiti. Kahit dito lang, gusto kong iparanas na mabuti rin akong anak kahit papaano.
"Good darling. Pasok ka na sa loob. Manang prepares something." He pat my head.
Ganito pala magmahal ang isang ama. Napaluha na lang ako ng di ko namamalayan. Hindi mahihigitan ng kahit na sinong lalaki ang pagmamahal ng isang ama. It's a very precious thing, the love of a father na matagal ko ng gustong maranasan.
"Iha umiiyak ka ba?" si manang. Kinuha niya ang bag ko.
"Wala po 'to manang. Napuwing lang po." I smiled. Ngiting matagal na hindi ko nailabas.
Pagkatapos kung kumain ng inihanda ni manang, dumiretso na ako sa kwarto ko. Yes! Hanggang naririto ako bilang si Errah Jin Ferrer, her property is my property also.
Nag-open ako ng laptop. Buti na lang walang password. Napatitig na lang ako sa wallpaper ko. Picture ng limang babae. They are koreans maybe. Infairness, they're beautiful like fairies. Interesado tuloy akong makilala sila.
Una kong binuksan instagram account ko. No posts yet. Maybe, nakatakda sigurong ako ang unang gagamit nito. Even my twitter wala pang tweets.
Lastly, my messenger. Biglang nag-pop ang isang group chat. ASTONISHING 11-1 FAMILY ang pangalan.
Marami ang nag-iingay sa group chat. Nangunguna si Kean Del Fierro. The guy who pity me. Tsk.
After that, nahagip naman ng paningin ko ang isang website.
Westerville SpottedAnd I was shocked. Ako ang laman ng headline. Sheet! Pati ba naman dito mangyayari 'to?
Seriously? Ito na naman ba ang simula ng legendary school year ko?
Napatitig na lang ako sa headline ng isa sa mga school site.
Maghaharap na naman tayo. Goodluck sa ating dalawa.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob