Chapter 10: Decision

257 10 0
                                    

Dumiretso kami ni Ayla sa music room pagkatapos ng eksena sa canteen.

Buti na lang tapos na kaming kumain ng mga panahong iyon, kung hindi mawawalan talaga ako ng gana.

"Beshy sorry hindi na kita natulungan kanina ha, masiyado kasing mabilis yung mga pangyayari. Nagising na lang ako nung hinila mo ako." -Ayla

"Ano ka ba ok lang. Pero Beshy ganun na ba ako kasamang tao." tanong ko sa kaniya.

"Siguro." pinanlakihan ko pa siya ng mata dahil sa sagot niya.

"K." walang buhay kong sagot na tinawanan lang niya.

"PFFT. Bwahhhaahhaa. Yunjie isdatyu? Jino-joke lang kita tapos kumagat ka naman."

"Eee. Ang bad mo. Akala ko ba dadamayan mo ako?"

"Pwede ko bang iwan sa ere ang beshy ko? Hindi no. Kahit anong gawin at sabihin nila, hinding-hindi nila matitibag ang friendship at tiwala natin sa isa't-isa."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

She's a true friend. Hindi ko kayang mawala siya.

Sirain na nila ang pagkatao ko huwag lang mawala ang kaibigan ko.

She's my soul sister. My guardian and savior. My bestfriend, Ayla Mae. Never niya pa akong iniwan.

Lagi siyang nandiyan 'pag ako ang nangangailangan.



"Balik na tayong classroom." aya niya.



Pagkabalik kong classroom, saktong wala pa ang teacher kaya yumuko muna ako sa desk ko.

Pero bumangon din ako bigla nang marinig ang boses ni Cedric.


"Guys huwag niyong kalilimutan na pumunta bukas sa thanksgiving namin ha. Aasahan ko kayo."

Oo nga pala, bukas na 'yun.

"Ofcourseeee!!!" sigaw ng mga boys saka nakipag-apir sila kay Ced.





Hindi rin nagtagal dumating na ang teacher at nagsimula na rin ang class namin hanggang sa natapos at nagdismissal na.






Pupuntahan ko ngayon si Ayla, napag-isipan kasi naming mag-lunch sa rooftop.

Habang papunta ako sa room nila nahagip ng paningin ko si Terrence. Nakaupo sa may long chairs malapit sa room nila.

Nakapikit siya at may nakasalpak na earphone sa tenga niya.

Sa totoo lang hindi mo maipagkakailang gwapo talaga si Terrence. Lalo pa't malakas ang dating niya sa kababaihan. Kaya lang naitadhana sigurong magka-away kami.



We're opposite.

Tanggap ko na kung hinding-hindi na talaga kami magkakasundo.



"Tara na." natapos na pala siya sa pag-aayos ng gamit niya.

"Mmm. Kunin na natin yung pagkain."


Dumiretso muna kaming canteen para kunin yung pagkain, saka kami pumuntang rooftop.




"Dapat pala dito na lang tayo kumain ano? Walang maingay at istorbo." -Ayla


Oo nga, ramdam ko rin.





"Ayla, pupunta ka ba bukas sa thanksgiving ng family nila Cedric?" gusto ko siyang tanungin para kung sakali may kasama ako.


"Yupp. Marami kasi atang pupunta. Karamihan may mga kinalaman sa business. Ikaw, diba tinanggap mo na noon yun?"


Hindi na lang ako sumagot. Ewan ko ba, wala naman talaga akong balak pumunta. Kaya lang nangako na ako kay Cedric at alam kung mahalaga ito sa kanya.





"Oo. Magkasama tayo ha?"



"Sure. Pero teka, hindi ko pa nakakausap si Cedric tungkol dun sa sinabi niya. Ano nang desisyon mo? Hindi naman pang-habang buhay na paghihintayin mo siya siyempre aasa parin 'yun."




Sa totoo lang, pinag-isipan kung mabuti ang desisyon ko kagabi.



Si Cedric. Siya ang klase ng tao na palagi mong masasandalan.

Sa totoo lang wala ka nang hahanapin pa sa kaniya.

Ayokong mawala siya sa buhay ko. Dahil naging parte na siya ng istorya ko.
Minsan na rin siyang nakigulo sa mundo ko.

Mr. Cedric Ford, I don't want to lose a precious friend like you.




"Ayla-ssi, naalala mo pa ba yung pinanood kong strong woman do bong soon?" tanong ko sa kaniya.

Gustong-gusto ko yun. Secret lang natin 'to ah. Crush ko si Park Hyung Sik.


"Alin yung intsik? Ouch!"


Binatukan ko kasi siya.

"Gaga. Korean drama yun." paliwanag ko sa kaniya.


"Ah ganun ba. Eh ano naman ngayon?"

"Yung desisyon ko parehas sa desisyon ni Do Bong Soon nung umamin sa kaniya si Gook Du." sabi ko sa kaniya at halatang wala siyang maintindihan sa sinabi ko.

"Ha? Ano nga?"


"Ayokong mawala ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan." paliwanag ko.


"W-what do you mean?" hindi niya pa siguro gets.



"Masaya na ako sa kung ano man ang meron kami ni Cedric ngayon. Ayokong masira yun dahil lang sa napasok kami sa isang relasyon. Mas gusto ko na ganito lang kami. Walang pinoproblema. Dahil kung talagang kami, magiging kami parin naman sa takdang panahon pero ngayon malabo pa."



At pagkatapos ng sinabi ko, niyakap niya ako.


"Beshy I'm so proud of you!"



"Thank you."





Ang labas, sabay na naman kaming tumatawa.

Tinatawanan na lang namin ang aming kadramahan.





Marami pa kaming napag-kuwentuhan habang kumakain hanggang sa natapos kami.

Pina-una ko na si Ayla, kasi may gagawin pa daw siya.





Iniligpit ko lang yung mga pinagkainan namin tapos dumiretso na rin ako sa classroom namin.











Wala rin namang ibang nangyari sa araw na 'to.

Maliban nalang sa inirapan ako ni Coreen maghapon sa classroom.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now