Chapter 17: Team

217 7 0
                                    


Busangot ang mukha ko ngayon habang papunta sa journalist room. Paano naman kasi, wala ngang practice ng band tapos isasaayos naman namin ang newspaper ng school para ma-published na.

Tapos ni hindi man lang ako tinawag ni Ayla. Kusa na lang siyang pumunta. Naiinis ata siya dahil kaninang umaga, nagising nalang siyang natutulog na sa sahig. Wala naman akong kamalay-malay.

Well sa photography team ako kasali with five members. Kasama ko nga si Ayla pero sa kasamaang palad kasama rin ang kumag na si Terrence. Buti pa si Ced sa Reporting team kasali. Maganda kasi ang boses niya.

Pagkarating ko pumunta agad ako sa team ko. Si Ayla palang ang meron. Nagtatampo pa rin sakin ang bruha.

"Ayla-ssi sorry na, bati na tayo. Hindi ko naman sinasadyang ihulog ka eh. Baka gumulong ka lang talaga. Pramis cross my heart. I didn't know." nakanguso pa ako habang siya naman nakatalikod sa akin.

"Huwag mo akong kausapin." mataray niyang sagot.


Edi fine. Bahala ka. Hmmp. As if naman matitiis mo ako.

May sarili kaming mundo ni Ayla habang hinihintay ang mga ka-team namin. Gamit niya ang phone niya samantalang ako nagta-try ng maghanap ng pictures sa net.




"Guys we're here na!" sabi ni Dave, ka-team namin. Sa wakas dumating na din sila.


Napatingin naman ako sa gawi ni Terrence. Nahagip ng paningin kung nakatingin siya sa akin na agad din namang nagbawi ng tingin.

Sheez! Bakit ganun? Parang fresh palang sa isipan ko yung nangyari kagabi. Hindi parin maalis ang isang Terrence na naka-topless. But honestly, hindi ko mapigilang mapangiti. Lalo na at nakita ko ang isa sa katago-tago niyang side. Kung wala lang siguro ang parents niya dun. Malamang tinawanan ko na siya. Kung gaano ako nabigla,mas pa siyang nakita ako sa pamamahay nila, kaya siya kumaripas ng takbo. Para siyang batang tinakbuhan ang kaniyang kaaway.




"Ok start na tayo." sabi ng team leader namin. Si Rico, nag-iisang grade 12 sa team.




Bale, diniscuss niya lang ang mga gagawin namin.





Nandito kami ngayon sa landscape nang school. Naglilibot kasi kami para kumuha ng mga litrato. Apat kami. Ako si Ayla, si Dave, and of course mr. cold. Si Rico ang nag-volunteer na tatapusin ang pagkuha ng image sa net. Kaya no choice kaming apat, kukuha kami ng picture na sarili namin.


Dalawa kami ni Terrence na nakahawak ng DSLR. Kumukuha ako ng picture. Si Ayla at Dave ayun naghaharutan. Type nga kasi ata ni Dave si Ayla. Siyempre si Ayla bilang isang dakilang manhid hindi niya mahahalata.



"Terrence kung kaya maghiwa-hiwalay na tayo. Pumunta na kayo ni Dave sa may landscape hindi yung titingin-tingin ka lang naman diyan." sabi ko habang kinukuhanan ng photo 'yung isang halaman sa landscape. Hindi naman kasi siya nagpi-picture. Nahuli ko pa kaninang tumitingin lang siya sa pini-picturan ko.

Nung hindi siya nagsalita, saka ako lumingon.

Problema nito? Kung si Ayla parang tuod na kinikilig, ito naman parang tuod na nanginginig. Tsk, weirdong kumag. Hindi ko pa mabasa yung mukha niya kung naiinis na ba siya o ano.

Aissh. Bahala na.


"Yunjie akala ko ba kasali ka sa volleyball, kainis ka iniwan mo ako. Pasalamat ka at napakabuti kong kaibigan. Humingi ako ng tulong kay coach, kaya huwag mong sasayangin yung opportunity kung hindi friendship over na tayo." tsk. Friendship over ka diyan. Ngayon pa nga lang hindi mo na ako natiis.

Kailangan kasi namin yung volleyball para kahit graduated na kami ng senior high at hindi na kami kasama sa band may volleyball na sasalo sa amin at hindi kami mawawalan ng extra-curricular.

"Ewan ko ba hindi ako pinili nung captain ball nila eh." pansamantala kong itinigil ang pagkuha ng litrato saka tumayo at hinarap siya.


"Eh bakit di mo sinabi sa akin?" ayan, medyo tumataas na naman ang boses niya. Ganiyan siya kapag di niya ako naipagtatanggol. Sa akin niya rin binubuntong ang galit niya. Tsk.

"Eeee. Hayaan mo na. Hindi ko rin kasi alam kung anong meron sa kanila na wala ako para hindi nila ako piliin."





"Boobs." nanlaki ang mata ko ng marinig ang salita. Sigurado akong hindi nanggaling kay Ayla, dahil boses lalaki ito.

Kailangan niya ba talagang iparinig?

Kumulo ang dugo ko nang makita ang nakangising kumag na agad namang tumalikod at aroganteng naglakad palayo.


Dahil sa inis ko. Kinuha ko ang aking sapatos sabay bato sa kaniya. At kung sinusuwerte ka nga naman, sapul ang ulo niya.

Humarap siya na halata mong naiinis talaga.

"Ano?" mataray kong tanong sa kaniya.




Tumaas ang kilay ko nang ngumisi siya.



"You will never get this anymore." sabay taas niya ng sapatos ko.



Sheez! Nakakainis ka.



Tumakbo ako papunta sa kaniya para kunin ang sapatos ko. Pero dahil kumag siya itinaas niya ito. Hindi naman gaanong katangkaran si kumag, sakto lang , mas matangkad lang siya ng unti sa akin. Hindi pang-basketball player ang height niya. Oh well, expected. Ni hindi nga siya marunong mag-shoot eh.




"Amin na 'yan!" halos ibulyaw ko na sa kaniya. Bwisit 'to. Kapag na-issue na naman ako dahil sa kumag na 'to, ewan ko na talaga.

Bilang isang bastos na kumag, tumiklay pa siya para mas lalo kung hindi makuha.


"Waahhh! Terrence is that you? Ang pambwibwisit lang pala kay Yunjie ang magpapatawa sayo ah?" natatawang sabi ni Dave.


"Oo nga. Ganun na ba nakakatawa si Yunjie? Mas lalo kang guma-gwapo 'pag tumatawa Terrence." panggagatong pa ni Ayla.






"Ibibigay mo o hihilain ko 'yang DSLR sa leeg mo?" pananakot ko na hindi naman umubra sa kaniya bagkus tuloy pa rin siya sa pagtawa.

Matutuwa sana ako ngayon dahil nakikita kong tumatawa ang isang taong cold pero hindi eh. Naiinis ako dahil pinagti-tripan niya ako.



"I-try mo. Huhugutin ko rin yang DSLR sa leeg mo." sabi niya habang nilalaro sa ere ang sapatos ko.




Hindi ko alam kung anong ikinapuputok ng butsi nito. Nakakainis siya na ewan. Sapatos? Bakla ba siya? Type niya ba yung sapatos ko?  Fine, if that's what he want. Nakakainis na. Hindi man lang makuha sa isang salita.




"Pagkatapos nito, huwag mo na ulit akong patritripan ha." pakiusap ko saka iniwan ang isang pares ng sapatos ko sa harap niya at iika-ikang naglakad papunta sa Journalist room.







Nice scene. Hindi man lang nila ako ginalang. Kahit hindi na sana bilang team mate nila kundi isang tao lang na nasasaktan rin pag pinaglalaruan. I mean, trip.




Bwisit ang sakit pa nang paa ko.










"Ms. Lim Sorry." Omo! Totoo ba 'to?








Ang isang Terrence Ford marunong nang humingi ng tawad?

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now