Chapter 18: Advance

230 9 0
                                    

"Ms. Lim Sorry." huminto ako dahil sa narinig ko. Parang imposible naman kasing humingi ng tawad ito. "Iyan ba ang gusto mong marinig?"

Kako na nga ba eh. Wala talagang sense ang taong 'to.

Hindi ko na siya hinarap pa at tumuloy na sa Journal room. Nagulat pa si Rico nang makitang wala ang mga sapatos ko.

"Ayos ka lang ba Yunjie?" nag-aalala niyang tanong.

Dahil wala ako sa mood makipag-usap, tumango na lang ako saka ibinigay ang DSLR sa kaniya. Buti na lang may extra-shoes ako sa locker ko kaya yun na lang siguro ang gagamitin ko pansamantala.

Bawat estudyante na madadaanan ko habang papunta sa locker room ay di maalis ang mga mata sa akin. Parang mga igno. Ngayon lang ba sila nakakita ng isang babaeng naglalakad ng naka-paa?

"Are you crazy?" narinig ko si Terrence na nagsalita. Bakit ba ako sinusundan nito? Ni hindi ko na nga lang siya pinatulan kanina eh.

Mas mabuting hindi ko na lang siguro siya kausapin. Iwas gulo, iwas issue. Para wala na akong marinig mula kay dad.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Hey you! Thick face! Talk to me!" ayan na naman po sumisigaw na naman ang bugnuting kumag. Mahirap talagang intindihin ang taong ito.

Wala siyang narinig na imik mula sa akin. Tumuloy lang ako sa paglalakad. Manigas ka diyan! Kumag ka.

Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa kamay ko. Pagkatingin ko si Terrence. Nakaluhod na siya ngayon at isinusuot ang sapatos sa paa ko.

Hindi ako umiimik. Nakapatong pa ang paa ko sa hita niya dahil marumi ito dala ng paglakad ko ng naka-paa-paa. I'm speechless. Hindi ko alam ang pumapasok sa utak niya para gawin 'to.

Nanatiling ganun ang posisyon namin hanggang natapos siya. Tumayo lang siya at tumitig sakin with poker face. Napakahirap talaga niyang intindihin. Yumuko lang ako kasabay ng paglakad niya palayo.

Bumalik akong classroom na tulala. Sumalubong pa sa akin si Cedric na parang nag-aalala.

"You okay?"~ nag-aalala niyang tanong.

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi parin kasi maalis sa isip ko si Terrence. Aissh. Kumag talaga.

"Sorry sa inasal ng kapatid ko sayo. Hindi ko alam na may tinatago pala siyang kalokohan." ~Ced

"Huwag kang humingi ng tawad sa akin. Wala kang kasalanan. May kasalanan rin naman ako kaya ganun ang nangyari." paliwanag ko.

Kahit kailan talaga si Cedric pala-ako ng kasalanan. Tsk.

"Are you free on Saturday?" tanong ni Ced sa akin.

"Mmm. Hindi eh. Pero I'll try baka mas importante yung-- yung sasabihin mo." I felt uncomfortable. Nakatitig kasi siya sa akin.

"Yayayain sana kita sa birthday ko. Akala ko free ka."

Oh noes. Nalimutan ko. Birthday na nga pala niya sa Saturday.

"Ced Sorry. Anyway, advance happy birthday nga pala." I'm so mean. How come nakalimutan ko ang birthday ng kaibigan ko.

"So ano? Go ka sa party ko?"

"Cedric sorry talaga. Pero ayoko na talagang pumunta sa mga party eh. Sorry Ced." sabi ko habang nilalaro ang mga kamay ko.

"It's ok. Not an important event at all." sagot niya saka siya tumalikod sa akin.

Aissh. Ito na naman ang matampuhing si Cedric. Kahit kailan may pagkaisip-bata talaga ang lalaking 'to.

"Fine. Babawi na lang ako para sa birthday mo."

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now