Ba't ba ang boring ng buhay?Naglalakad kami ni Ayla ngayon papuntang music room.
Tuloy na tuloy na ang practice.
Pagdating namin...
"Ate Athena, amin na yan." pagmamakaawa ni Ashley, ang pinakabata sa group.
May hawak-hawak kasing papel si Athena.
"Bakit ba ayaw mong ipakita sa akin." loko talaga 'tong si Athena.
"Privacy naman." sumbat ni Ashley.
"Wow! Saan mo nalalaman ang mga yan."
Ng...
"Tahimik!!! Kailan ba ako dadating sa room na 'to na wala akong maririnig na imik?" pagpapatahimik niya sa amin.
"Leader si ate Athena kasi kinu-" ~Ashley
"Sinabi ko bang magsalita ka?"
Yumuko naman si Ashley.
Yannah Jade Lim. Leader ng Aim6ix. My sister. Masungit. Pero halos nasa kaniya na ang lahat.
"Vocals lang ipa-practice natin ngayon wala ng iba. By two's. Isang pair ang matitira dito sa music room. The others humanap ng ibang places na walang maiistorbo. Move!"
As usual si Ayla ang kasama ko.
Pumunta kami sa garden. Wala rin kasing tao roon.
"Yunjie, hintayin mo ako rito ha bibili lang ako ng makakain." sabi ni Ayla.
"Mmm. Sige." saka siya tumakbo papuntang canteen.
...
"Oh!" may nag-abot sakin ng invitation.
"Para san naman 'to?" tanong ko kay Cedric.
"Thaksgiving ng family namin. Suwerte ka pa nga naimbitihan ka." pssh.
"Hindi ako pupunta." deretso kong sagot.
"At bakit?"
" Dahil ayoko." simple kong sagot sa walang sense niyang tanong.
"Give me reasons Yunjie."
"Nah! Ayoko lang makakita ng kumag." hindi talaga ako pupunta no.
Baka mamaya ipahiya pa ako ni kumag.
"Kumag?Sino?"
"Wala. Sabi ko tinatamad ako."
"Hayys! Ewan ko sayo. Tumakas pa naman akong klase para makausap ka." saka siya umalis.
Eh GG ka pala eh. Maya-maya babalik rin naman akong classroom.
Pinag-aaralan ko yung kanta nang biglang mag-vibrate yung phone ko.
From: Ayla-besh
Yunjie punta ka ditong canteen bilis.
Ha? Bakit naman sana?
To: Ayla-besh
Bakit?
Brrzt. Brrzt
From: Ayla-besh
Eh! Si Cedric muntanga. Daig pa ang nagwawala.
Eh? Anyare dun?
Pagdating ko sa canteen may kaunting students, vacant siguro nila. May klase kasi ngayon.
Nakita ko si Cedric. Muntanga nga. Naka-tungtong siya sa table.
"Manang tindera, nakakainis talaga. Ikaw na nga lang yung mag-eefort tapos tatanggihan ka pa. Pssh. Mga babae nga naman, walang puso."
Pinagpatuloy niya ulit yung speech niya.
"Tsk. Suwerte nga kayong girls at may ganito ka-gwapong nilalang ang nag-aaproach sa inyo. Yung iba diyan pa-choosy pa. Sige na alis na kayo tapos na ang show ko."
Damn this boy. Paano ako totally na makaka- get over sayo, kung minu-minuto na lang pinaparamdam mo kung gaano ka ka-deserving sa pagkagusto ko sayo?
"Cedric. I accept your invitation." sigaw ko sa kaniya.
Yung mukha niya naman parang di makapaniwala.
"R-really?"
" Tsk. Oo. Kaya tama na ang drama mo. Balik ka nang classroom."
At ngayon ngiting-ngiti na ang loko.
"Kitams. Sabi ng hindi mo ako matitiis eh." saka siya tumakbo palayo.
Pssh. Engot.
Aissh. Pumayag ba talaga ako?
Hay! Pano ko haharapin si kumag kung sakaling.
Malay ko ba kung sumbungero siya tas sinumbong niya ako sa parents niya.
E di lagot na ako niyan.
Teka. Bakit ko ba pinoproblema si kumag?
Ay bahala na.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob