"Yunjie, tanungin mo ulit ako kung pwedeng maging tayo. Promise ko ngayon sasagutin na kita agad ng Oo."
"Yunjie, tanungin mo ulit ako kung pwedeng maging tayo. Promise ko ngayon sasagutin na kita agad ng Oo."
Aaaaa! Kasalukuyan palang nag-loaloading yung mga sinabi ni Cedric sakin kahapon.
Bakit niya ba kasi sinabi yun? Hindi tuloy ako nakatulog kagabi.
Naalala ko tuloy kung gaano kami ka-awkward sa isa't-isa ng mga panahong 'yon.
FLASHBACK...
"Yunjie, tanungin mo ulit ako kung pwedeng maging tayo. Promise ko ngayon sasagutin na kita agad ng Oo."
"Ahhh hehe C-Cedric, ano ulit yung sinabi mo?" baka kasi nagkakamali lang ako ng rinig.
Alam na, baka magaya pa ako sa kaniya.
"Sus. Gusto mo lang marinig ulit eh. Pero huwag kang mag-alala seryoso ako dun sa sinabi ko. Hihintayin ko na lang yung tanong mo."
Waah! An gagawin ko?
"D-diba nililigawan mo si Grace? Ano yun, timer lang?" oo kaya sinabi niya nun nung gabing nag-usap kami na nakita pa kami ni koyang guard.
Tumawa siya ng pagkalakas-lakas.
Tingnan mo 'to kabuset.
"Sabi ko na nga ba nagseselos ka nun eh."
"Hindi ah. Wag ka ngang assuming Cedric. Sabi ko na nga ba eh, hindi ka naman talaga seryoso. Tsk." kainis siya.
Hmmp.
"Sino nagsabing hindi ako seryoso? Nililigawan ko si Grace para ipahiram niya sakin yung lecture niya. Ibang ligaw na naman kasi nasa isip mo." sabay gulo niya nang buhok ko.
Speechless ako.
"Hindi naman ako nag-mamadali eh. Alam kong ikaw rin ang bibigay, guwapo ko kaya."
Ha! Ang kapal talaga ng feslak niya.
"Tara na. Hindi mo na kasi maitago ang kilig mo eh."
Ang kapal talaga. At dahil hindi ko na mapigilan ang inis ko...
"Cedriccccccccccc!!!!"
Hinabol ko siya dahil bigla na lang tumakbo ang loko.
Kaya ang labas, para kaming mga batang nagtatabukhan sa may park.
Sa huli... nag- give up din ako. Daig niya pa kasi ang kabayo 'pag tumakbo.
"Kainis ka. Assuming na, mahangin pa." sabi ko sa kaniya.
"Atleast gwapo." Kitams, yabang talaga.
"Yunjie, I'm serious. No matter what happen, I will wait for your answer.----- --------Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan. Alam mo bang kinikilig ako?"
"..."
END OF FLASHBACK
"Wui! Tulaley lang?" si Ayla.
"H-ha ano ba tinatanong mo?" nandito kasi kami sa canteen at lutang ang isip ko.
"Kako, may nangyari ba? Nakakainis ka, hindi ka naki-practice wala tuloy akong kasama. Plus nagalit pa sayo si Leader."
"Badtrip kasi ako kahapon. Alam mo naman yung ginawa ni Ashley diba? Ewan ko. Hanggang ngayon-----aissh." napasabunot na lang ako sa buhok ko.
Waaaah! Eotteoke?(what to do? in korean)
"Ano ba kasing problema mo?" tanong niya.
"Besh. Si Cedric kasi tanungin ko daw siya kung pwedeng maging kami ulit tapos sasagot daw siya agad ng oo. Sabi niya rin, hihintayin niya raw. Eh? Anong isasagot ko?" kuwento ko.
"Ano?" sigaw ni Ayla sabay tayo na nakakuha ng atensyon ng lahat.
"Huy umupo ka nga muntanga 'to." bulong ko sa kaniya.
"Pano ako kakalma sa nalaman ko? Tiyaka huwag mo nga silang isali sa usapang 'to." napa-facepalm na lang ako.
Tama bang sinabi ko 'to kay Ayla? Sa alam ko na kasing ugali nito eh. Palagi siyang protective sa akin.
Lalo pa ngayon at nalaman niya yung sinabi ni Cedric. Hindi na ako magtataka kung maya-maya lang susugurin niya si Cedric sa classroom.
"Wui. Wag ka nang high-blood oh. Upo ka na."
Hay! Buti naman sumunod siya.
"Spill. Simula sa una. Whole detail dapat. "
At tulad nga ng sinabi niya kinuwento ko lahat sa kaniya. Ultimato yung pag-punta ni Mr. College Student from Clark University.
"Seriously Ms. Lim, nagtakbuhan kayo sa park na parang mga bata? Ano kayo mag- Lovey-Dovey?" sermon niya sakin.
"Anong Lovey-Dovey?" I ask.
Seriously Ms. Sy, may ganon bang word?
"Ay ewan ko sayo. Tara na nga."
Hinila na niya ako palabas sa canteen.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, nabunggo ko si Kumag pati na rin ang mga nakabuntot niyang asungot, namely Coreen Herrera na kababalik galing kulungan este suspension.
"My God Yunjie! Idadaan mo ba sa bunggo ang pag-welcome sa akin."
So this bitch totally back ha?
Inalis ko ang pagkakakapit sakin ni Ayla upang maharap ko si Coreen.
"Hi! Kamusta ang bilangguan? Oh a-I mean suspension? Bitin ba?" bato ko sa kaniya dahilan para mang-gigil siya.
Plastic talaga. Nung may kailangan akala mo kung sinong mabait.
Wala pang isang linggo, lumabas na ang baho.
"Palaban? Well hindi ako pumapatol sa mga hindi ko ka-level." taas noo niyang sagot na tinawanan ko lang.
"PFFT. Hahaha."
"My God Coreen. Wala ka na bang ibang linyang alam at 'yung gasgas pa ang naisipan mo? Tama ka naman, you're not in my level. Mabansot na talampakan ka, magandang mukha naman ako." then I wink at her.
She became speechless while the crowd was busy laughing. Meanwhile, Mr. Cold look at me with his annoying expression.
"What?" mataray kong tanong.
"You're a model of this school, but your act was undefined. Try to think before you speak miss. Lower grades may heard you. You're not a good example to them."
So ako lang pala ang mali?
I admit may pagkakamali ako. Pero ang hindi ko matanggap ako lang ang lumalabas na may sala.
"Fine. Ako ang mali kaya huwag niyo akong gagayahin ha. Sinabi ko lang 'yon dahil nakakita ako ng impakta. Well, Mr.Cold is right. I'm not a good example to all of you." sinabi ko yan sa harapan nilang lahat.
"Satisfied?" tanong ko pa kay Mr. Cold na kumag talaga.
Saka ko hinila si Ayla palayo sa mala-hell na lugar na iyon.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob