"Ate hindi ka pa ba papasok?" kanina pa ako naghahanap ng shirt dito sa closet ko pero wala akong matinong mahanap. "Ano ba kasing hinahanap mo?" nakapameywang niyang tanong."Naghahanap ako ng matinong damit." sagot ko. Agad-agad naman siyang lumabas ng kwarto ko. Problema nun?
May P.E kasi kami mamaya. As usual kasabay na naman namin sina Ayla. Hindi nalabhan yung P.E shirt ko kaya kukuha na lang ako ng iba.
Kanina lang, inihatid ko si Sophia papuntang States. Sabi niya sakin kapag hindi daw siguro ako nag-respond sa letter niya baka tuluyan na siyang manirahan doon.
Well, I will never let that happen.
"Ate ito na lang kaya ang isuot mo." tumingin ako sa sinasabi niya at naalala ko pinatago ko nga pala sa kaniya 'yong t-shirt na binili ni Cedric. Ang lokong Cedric di na nagpaparamdam.
Tumayo na ako at agad-agad na dumiretso sa banyo. Nakapalit na si Monique samantalang ako mukhang bagong gising parin. 3:00 am nang inihatid ko si Sabina kaya malamang wala pa akong balak maligo nang ganoong oras.
"Ate hintayin na kita sa baba. Paki-bilisan daw sabi ni ate Yannah."
Binilisan ko na lang ang pagkilos ko. Tulad kasi nang iba, mabagal din akong kumilos.
Pagkababa ko, nasa hapag na ang dalawa kong kapatid.
"Ate picture tayo." aya sa akin ni Monique.
"Ha? Nakain mo?" nasa hapag tapos magpipicture.
"My teacher told us to took a picture with your role model. You're my role model sis. C'mon."
Kahit naguguluhan hindi na ako nakipagtalo pa. Palaging sinasabi sa akin ni Monique na ako ang role model niya. Nagtataka rin ako. Di hamak naman na mas role model ang datingan ni Yannah pero kahit nasa harap kami ng aming mga magulang pinagmamalaki niyang ako ang role model niya.
Mabilis lang akong kumain dahil paniguradong male-late na ako. Si Yannah nauna nang inihatid dahil patapos na siya kaninang magsisimula palang ako.
"Let's go." aya ko kay Monique.
Nauna namin siyang inihatid sa school niya. Di bale nang ma-late ako huwag lang ang kapatid ko.
7:45 na ako nakarating ng school. 7:35 ang official time namin. Late na ako ng 10 minutes. Ito ang hirap ng second floor, male-late ka na marami pang makaka-saksi.
"Good morning ma'am." bati ko kay Ms. Pagbilaran, adviser namin.
"Why are you late Ms. Sy?"
"Ms. Lim po ma'am." palagi niya akong tinatawag sa apelyidong Sy. Tsk.
"Uh I forgot. Take your seat."
Pagka-upo ko bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Arc. Classmate ko. Naka-upo siya ngayon sa seat ni Sophia.
"Good morning!" masayang bati nito.
"M-morning din." parang ang hyper niya ngayon. Di ako sanay.
More on reporting lang ang ginawa namin this morning including Ms. Pagbilaran's subject.
"Hey, sabay ka na sa akin for lunch." si Arc. Nakakapagtakang inaaya ako nito.
"Ha? D-di na kailangan kasama ko si Ayla."
"Fine. Sasama na lang ako sa inyo. Malalagot ako kay Cedric nito."
Hindi ko na siya pinigilan sa gusto niya.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob