Chapter 5: Tawa

276 13 0
                                    


One week na ang nakakalipas simula nang ipagtulakan ako nina Coreen sa may locker area.

Nagkaroon tuloy ng dalawang news.

Good and Better.


Good news, bumalik na si Ayla.

Better news, suspended si Coreen for two weeks.



Andito kami ngayon ni Ayla sa Han-Ji Island parte ito ng school pero hindi ito isla ah. Dito kasi tumatambay ang mga students na nag-aaral, pero kami kumakain lang.


"Hoy kwento ka ng nangyari habang wala ako. Bakit na-suspend si Coreen." usisa niya.

"Tinulak niya kasi ako sa locker." kwento ko.

"Yun lang, nasuspend na?" tingnan mo 'to parang kampi pa kay Coreen.

"Ikaw kayang ipagtulakan ko sa locker na bakal tingnan natin kung di ka papayag na ipa-suspend ako."


"Eh hindi mo naman ako itutulak eh." facepalm.

Iyan si Ayla Mae Sy. Slow pero matalino. Pareho kaming allergic sa mga plastic. Kaya kami magkasundo.





P.E namin ngayon, samantalang sila Ayla English ang next subject kaya tuluyan na kaming naghiwalay ng landas.

Joke, way lang. Sobra naman yung landas.


Papunta na ako sa field nang makita ko muli si Ayla na nakasuot ng p.e uniform.

"Uy, P.E niyo rin." tanong ko.

"Yeah, nabago daw sched. Tara sabay na tayo."


Field...

"Ok, Class 1-B nakikita niyo naman siguro na narito ang Class 1-A, dahil ako rin ang p.e adviser nila. So ang p.e natin ay volleyball for girls and basketball for boys.

Ganito ang mechanics, 1-A vs. 1-B ang labanan. Habang girls ang naglalaro kailangan ng boys na i-cheer ang ka-section niyo and vice versa. Win is equivalent to 100 points, Loss is equivalent to 50 points. Meanwhile draw means 0 point."

"Understand?"

"Sir yes sir."

"Good. Let's now begin."

Kami ang unang naglaban. Volleyball.

Magaling sila lalo pa't isa si Ayla sa first six.

Palaging sila ang lumalamang.

Pano na ang 100 points? Sayang.

Panalo silang first set, tambak. Kami naman panalo second set pero isa lang ang lamang.

Third set na. 16-2 ang score, in favor of Class 1-A.

Tsk.

Kahit hindi ako magaling nag-volounteer ako na pumasok.



And guess...


Hindi ako makapaniwala na hindi ko parin pala nalilimutang mag-volleyball.

20-18 ang score. Lamang parin nila.

Pero humabol sila hanggang 24-20 na ang score.


Hindi ako papayag.


Kaya sa huli draw ang laban which means no points.


"Waah! Good job!" sigaw ng boys.



Ngayon basketball naman.



Hinanap ko si Cedric.

"Fighting!" sigaw ko sa kaniya.

Tumango naman siya.


__ __ __





Change court na at lamang ang klase namin.

Sunod-sunod ba daw kung maka-shot si Cedric. Todo cheer naman ang girls except ako.

Maya-maya nag-time out sa kabila. May ipapasok ata.

Pagkatingin ko si kumag.

Kumukulo parin dugo ko diyan. Akala ko tutulungan niya non ako yun pala concerned lang sa locker niya.

Kumag talaga.

Nagsigawan naman lahat ng Class 1-A. Teka, magaling kaya si kumag?



Tuloy parin ang laban, this time nakatingin ako kay kumag. Hindi parin talaga nagbabago ekspresyon ng mukha niya.

Maya-maya, ipinasa kay kumag ang bola.

Nung siya ang humawak parang nag-slomo sa field dahil walang ingay, sa kaniya lang naka-focus.

Ni-shoot niya yung bola. Kaming lahat nakitingin dun.

Pagkatapos...












"PFFT. Bwaaaahhhaaaahhhhaaa" hindi ko na mapigilang tumawa. Pinagtitinginan na rin nila ako.

Pano naman kasi nung tumira si kumag akala mo pasok na tapos nung binitawan niya kapos. Di man lang dumaan sa ring o sa board.

"Bwaahahaha."



Oooppsss. Ang tahimik. Nag-peace sign na lang ako saka tinuloy yung laban.

Deep inside tawang-tawa parin ako.

Kung makaporma, akala mo MVP. Yun pala hanggang porma lang.


Haha.lol.XD



Ayan na naman sa kaniya na naman ang bola. Pero this time yung iba sakin nakatingin, ng masama.




Ang labas, tumatawa na naman ako.

Silent nga lang.

Tulad pa rin kasi ng dati yung shoot niya.

Ansakit na nang tiyan ko katatawa.

"Yunjie, namumula ka." bulong ng katabi ko.



Nagpaalam na lang ako na pumunta sa room.

Dahil sa silent kung tawa kaya ako namula.

Kaya nung di ko na mapigilan sa classroom ako nagtatatawa.

Haha. Kumag talaga.




...

Hindi na ako bumalik sa field kundi nagpalit na ako nang uniform.

Maya-maya andiyan na rin sila at nagsisisigaw na panalo daw.

"Lagot ka Yunjie, badtrip si Terrence sayo." sabi ng isa kong kaklase.

So what, nakakatuwa naman talaga siya.

Shooter. Haha.


Di ko na lang siya pinansin at umupo na sa seat ko.


Akalain mo may tinatago rin palang sense of humor ang kumag.

Haha. Andami kong tawa ngayong araw.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now