Chapter 20.1 : Court

199 6 0
                                    


Nagising ako na nasa clinic na ako. Doon ko lang napagtanto na ipinunta nga pala ako dito nina Cedric.

"What happened?" imbes na tanungin kong ayos lang ako, yun talaga ang una niyang tinanong sa akin. Tsk.

"Napagod lang ako. Nothing serious."

"Then, iiwan na kita. Dalawang subject ang di ko napasukan." saka siya umalis.

Hindi ko naman hiniling na bantayan niya ako. Agad akong nagpaalam sa nurse nang medyo ayos na ako.

Pagkabalik ko sa classroom, tahimik lahat ng classmates ko. Tumingin ako sa direksiyon ni Cedric at nakita ko siyang nakayuko sa may desk niya. What happened?

Lumapit ako sa kaniya at saka tinawag ang pangalan niya. "Wui Cedric! Ayos ka lang?"

Pagkarinig niya sakin agad siyang tumayo sa upuan niya at lumapit sakin sabay yakap. Nagulat ako ganun na din ang mga classmates namin. Feeling ko tuloy sobrang awkward ng atmosphere sa classroom.

"C-ced what happened?" nauutal kong tanong.

"Sssssshhhh." pagpapatahimik niya sa akin. "I don't want to see you hurt again. Can I court you instead?"

Nalaglag ang panga naming lahat sa sinabi niya. Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasabi nito? Cedric Ford please stop acting like a weirdo. Di bagay sayo.

Binatukan ko siya nang mapansing tahimik ang buong classroom.

"Court your foot mister Ford." sabi ko sabay alis para mapuntahan si Ayla. Kahit hindi yun nagsasalita alam kong nag-aalala pa rin siya.

Pinuntahan ko siya. Hindi nga ako nagkamali nang hinala, sa cafeteria ko lang siya makikita. Anyare, ba't busangot ang mukha niya?

"Ayla!" sigaw ko habang papalapit sa kaniya.

Feeling ko talaga may problema siya. Madalang na lang kasing magkwento 'to sa'kin ngayon.

"Ayos ka na ba?" pambungad niyang tanong.

"Oo. Napagod lang talaga ako."

"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Pinakaba mo ako ng husto." nagui-guilty tuloy ako dahil sa sinabi niya. Sobra talaga siya kung mag-alala sa akin.

"May problema ka ba? Alam kong meron. Naglilihim ka na ngayon sa akin ha?" sana sabihin niya sa akin ang problema niya. Gusto kong makatulong, baka sakaling may magagawa rin ako.

"Eeiii. Si Dave kasi, sabi niya liligawan niya ako." sabi niya na naka-pout pa.

"Hay Salamat! Sa wakas naka-amin na rin ang loko." pagpaparinig ko sa kaniya sabay ngiti.

Nahuli ko kasi dati si Dave noong Grade 9 kami na kumukuha ng picture kay Ayla. Di niya man sabihin sa akin directly, alam kong may something siya para sa bestfriend ko. Kung may balak man talaga siyang ligawan si Ayla hindi siguro ako tututol because Dave is a righteous man with a good heart. Torpe nga lang.

"Alam mo? Kailan pa?" mapanuring tanong niya.

"Hindi niya sinabi sa akin. Napagtanto ko lang dahil sa kilos niya. Maswerte ka kay Dave pag nagkataon. Mabuti siyang tao." sabay tukso ko sa kaniya.

"Pero may gusto akong iba."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Si Ayla, may nagugustuhan? Buti na lang pala nilapitan ko siya.

"Sino?"

Seryoso kaya siya dun sa swimmer na sinasabi niya? O may iba pa?

"Naalala mo ba si mister swimmer?" agad naman akong tumango. "Kaarawan niya kasi last month, since medyo naging close kami sa chat naisipan kong mag-regalo sa kaniya. Personalize cap ang ibinigay ko. May design nang isang swimmer sa harapan. Tinanggap niya naman ito ng may ngiti sa labi. Hanggang sa nakita ko na lang na may ibang naka-suot nito dito sa school."

Does it mean---never mind. Papakinggan ko muna hanggang sa last.

"Binawi ko sa lalaki yung cap, pero ayaw niyang ibigay. Napagtanto ko na lang na kapatid pala siya ni mister swimmer. Simula noon palagi na kaming nagkikita sa school accidentally. Minsan inaasar niya pa ako. Sa tuwing kinakausap niya ako hindi mawawala ang pang-aasar niya sa'kin. Until I found out na gusto ko na siya. But I guess he didn't feel the same dahil palagi niyang kinukwento sa akin 'yong tungkol sa crush niya. Kanina sa may field, tinanong ako ni Dave kung pwede siyang manligaw napa-oo na lang ako dahil sa marami rin ang taong naka-saksi. Ayokong mapahiya si Dave pero ayaw ko din siyang masaktan."

Pagkatapos niyang mag-kwento, agad ko siyang niyakap.

"Hindi naman porke nanligaw siya magiging kayo na. At kung talagang gusto ka ni Dave, ano man ang magiging desisyon mo sa huli igagalang at rerespetuhin niya. Dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. Pinsan ko si Dave, Ayla. Motherside. Half-brother ni Mama yung papa ni Dave. Pero hindi ibig sabihin na irereto na kita sa kaniya. I trust him. Sa oras na papaiyakin ka niya, ako ang makakalaban niya."

"Thank you. Dahil nandiyan ka." nahihiya niyang sabi.

"Wala 'to sa lahat ng ginawa mo sa akin. Paano na pala 'yong gusto mo?" nagpaligaw siya kay Dave kahit may gusto siyang iba.












"Gusto ko lang naman siya. Di magtatagal mawawala rin yung nararamdaman ko sa kaniya."


















The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now