Nagpatangay kami ni Cedric sa agos ng ulan sa kalsada. Dinala kami ng sasakyan sa park na pinagdalhan niya sa akin dati. Kahit umuulan kitang-kita parin ang kagandahan nito. Masarap sigurong magtayo ng bahay sa lugar na ito."Bakit dito?" tanong niya mula sa kawalan.
"Gusto ko lang. Bakit ayaw mo ba?"
"Kahit saan ako mapunta, basta kasama kita." sabi niya saka naglakad malapit sa cliff(not actually a cliff).
Pinagmamasdan ko lang siya mula sa likod. Nakita kong may kuwintas na nakasabit sa leeg niya, dahil nakita ko ang silver lace nito. Nagsusuot rin pala siya ng ganoon.
Tulad ng sinabi niya dati, madalang na lang siyang magbiro sa akin ngayon. Did he really mean it?
____ ____ ____
1 week after...
"Beshy di talaga ako sanay na walang Cedric na gumugulo sa mundo mo." nasa cafeteria kami ngayon ni Ayla.
Tulad ng sabi niya, wala nga si Cedric. Nung nasa park kami nagpaalam siya na mawawala raw siya ng 3 weeks dahil pupunta siyang SoKor for business. Madalang kaming magka-usap last week dahil ginugol niya ang time niya para sa pag-aadvance sa mga topic na maiiwan niya. Kahapon din umalis na siya patungong South Korea. Kaya itong kasama ko ngayon ang nagluluksa. Tsk.
Mula sa kawalan nakita ko na lang ang mapanuksong mga mata ni Terrence Ford a.k.a kumag. Mahirap basahin ang expression ng mukha niya. Teka? Bakit ba kasi ako tumingin sa gawi niya? Malamang kaharap ko siya. Aissh Jinja?
"Nga pala may letter ka galing kay Sophia." ini-abot niya sakin ang kulay puting sobre. "May problema ba kayong dalawa?"
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ayla dahil binuksan ko na agad ang letter galing kay Sophia.
"Yujie. I really want to call you by that name. It's been a long time. After long 5 years makakapagsulat na naman ako sayo.---"
5 years? Eh ni isa wala akong sulat na natanggap sa kaniya mula nung umalis siya.
"---Thank you for being my childhood friend and sorry for everything. Hindi na ako magmamalinis, ako nga ang nakapindot nung record button but it was accidentally not intentionally. Ako dapat ang nasa posisyon mo dahil gusto kong gawin yun, but sad to say naunahan mo ako. And sa case ni Ayla, it wasn't me. Alam kong hanggang ngayon galit pa rin sa akin dahil doon. Coreen ask me if pwede ba raw niya aking maging kaibigan but I rejected her. I told her that you are my friend. Then para masiraan ako sayo, she used your bestfriend laban sa akin.
I'm not saying this hindi para maging magkaibigan uli tayo but to ask forgiveness. The reason why I didn't came back early is because I got into an accident. It took 3 long years before I recovered. After all, I'm still glad that we became friends even in a short period of time.
I miss you Yujie. For now, let's stay as classmates. Don't worry I'm going back to States. I will not bother you anymore.
"Yunjie ok ka lang?" ~Ayla
Naiinis ako sa sarili ko. Ngayon ko lang napagtanto na napakasama kong tao. Masiyado akong nagpadala sa nararamdaman ko, imbes na gamitin ang utak ko.
Hindi ko naiwasang mapaluha sa sulat galing kay Sophia. Naaksidente siya. Matagal bago siya naka-recover.
Hindi ko man lang siya binigyan ng panahon para makapag-kuwento.Ang huli niyang linya ang pinaka nag-iwan sa akin ng mabigat na nararamdaman. I WILL NOT BOTHER YOU ANYMORE. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
"Bes hatid na kita sa classroom niyo."
Tulad nang nakasanayan, maingay sa classroom nang makarating kami ni Ayla.
"Guys!" sigaw ng isa kong kaklaseng papasok sa classroom.
"Invited daw tayo mamayang gabi sa bahay nila Sophia para sa farewell party niya."
"Wooooooohhhhhh. Yun ohhhhhh!" sigaw nilang lahat.
Bakit ganun? Sila lang ang masaya?
"Kailan daw siya aalis?" tanong ko sa isang kaklase ko.
"Next week raw. Patatapusin niya pa raw ang exam."
"Bakit?" tanong ko na nagpakunot ng noo niya.
Pa'no na ang band kung aalis siya?
"Hindi naman kasi farewell party ang pupuntahan natin mamaya. Anniversary ng parents niya. Tsaka one week lang siyang mawawala. Bastos lang kasi si Diego kaya kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Di niya tanggap na si Sophia palang ang babaeng ni-reject siya."
Mabilis lumipas ang oras. Katabi ko si Sophia, pero ni isang beses hindi ko siya nagawang sulyapan.
Pumunta siya sa locker niya located sa aming classroom at inilagay sa bag ang mga gamit niya. Ni hindi ko man lang matanong kung saan talaga siya pupunta.
Masiyado na akong naduduwag. Fighting Yujie-ah.
"Sophia, can we talk." lumapit ako sa kaniya. Sa wakas nasabi ko rin.
Tumango siya at sumenyas na sa labas kami mag-usap. Sa Centennial Garden kami ng school napadpad. Paano ko ba sisimulan? Sheems.
"Sorry." iisang salita pero napakahirap banggitin.
Ngumiti siya.
"Hindi mo naman iiwan ang H.I.S (HanJi International School) diba?" nangigilid na ang aking mga luha.
Sa ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal.Umiling siya.
"Yujie. I miss you." nakita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
"I miss you too. Sabina." hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit na ako para yakapin siya. "Gajima(don't go). Stay here."
'Walking with a friend in the dark is better than walking alone in the light'
Iyan ang ipinaramdam nila sa akin ni Ayla. Ipinaramdam nila na di ako nag-iisa. Sa mapaglarong mundo, isa sila sa mga naging sandalan ko. Darating man ang panahong iiwan nila ako, maghihintay ako. Kahit ito man lang ang maging kapalit ng kanilang mga sakripisyo para sa pagpapatibay ng aming pagkakaibigan.
'The greatest gift of life is FRIENDSHIP, and I have recieved it.'
---- ---- ----
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob