Ayla's POVUmaga palang abot langit na ang ngiti ni Dave ng salubungin niya ako sa gate. Nakapang-gigigil ang mga pisngi niya. Ang sarap pisilin.
"Goodmorning my princess." bati niya sa akin.
Simula nang i-approve ko ang panliligaw niya, my princess na ang tawag at turing niya sa akin.
Masarap kasama si Dave. Siya yung tipo ng lalaking sasamahan ka hanggang dulo at hindi ka iiwan. Hindi ako nagkamaling bigyan siya ng chance. Kaya lang natatakot rin ako. Paano kung hindi ako ma-fall sa kaniya? Paano kung tuluyan siyang aasa?
"Ayla!" si Arc. Heto na naman siya. Wala ba siyang pandama? Nilalayuan ko na nga lang siya kahapon, tapos lalapit na naman ba siya ngayon?
"Please Arc huwag ngayon. Wala ako sa mood."
"Hindi mo ba nakita si Yunjie?"
Mukha ba akong hanapan ng nawawalang Yunjie? Hindi ko alam pero ayokong masangkot na naman si Yunjie dahil dito kay Arc. Kung tutuusin, isang buwan pa lamang namin siya kilala kahit na classmate sila ni Yunjie. Hindi parin buo ang tiwala ko sa taong 'to.
Dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap, si Dave na lang ang sumagot ng tanong niya.
Dumiretso na ako sa room. Umagang-umaga pero parang pagod ang pakiramdam ko. Iniisip ko si Yunjie. Kung ako medyo lalagnat-lagnat na, paano pa kaya siya? Hindi ko talaga alam kung bakit naging ganoon ang response ko kahapon sa kaniya. Dumagdag pa 'yong sakit ng puson ko.
Dumaan ang dalawang period na parang walang nangyari. Tulad ng kanina, parang pagod parin ang buong katawan ko.
Maya-maya lang, dumating si Ashley. Ka-banda ko. Pinaka-bata sa amin.
"Ate nakita mo ba si Ate Yannah? Sabi niya ngayon raw ang practice namin pero di ko pa siya nakikita. Pumunta rin ako sa building nila pero wala rin siya roon."
"Nope. I haven't see her yet."
"Ah sige ate. Baka mamaya meron din siya. Di lang siguro kami nagkakatugma ng way."
Pagkatapos umalis ni Ashley, agad din akong lumabas ng classroom para pumunta sa room nila Yunjie. Pagkarating ko roon, bumungad agad sa akin si Arc. Nagmamadali siya at hindi niya rin namalayan ang presensya ko. Halos madulas na rin siya sa pagtakbo.
Tatanungin ko palang sana sila kung nasaan si Yunjie nang biglang magsalita ang president nila.
"Guys paki-answer na lang yung iniwan ni sir. We will submit it after, baka raw hindi sila makabalik agad."
Kumatok ako sa door nila pagkatapos magsalita ng class president.
"May I excuse Yunjie?" pagkabanggit ko palang ng pangalan niya, nagsitinginan lahat sa gawi ko.
Inikot ko nalang ang mata ko sa buong classroom nila pero hindi ko siya makita.
"Where is Yunjie guys?"
Walang sumagot sa tanong ko. Instead, lumapit yung class pres. nila sa akin.
"You don't know?"
Sasagutin ko palang sana ang tanong niya ng bigla muling sumulpot si Arc at hingal na hingal.
"W-wall-let ko." hinihingal din ang pagsasalita niya.
Tagaktak ang pawis niya at... umiiyak ba siya?
Dali-dali namang ibinigay ng isa sa mga kaklase niya ang wallet at mabilis uling tumakbo.
Wala na rin akong nagawa kundi sundan siya.
Sumakay siya ng taxi habang nagpahatid ako kay kuyang driver namin.
Yung way na tinatahak namin ay ang daan patungo sa bahay ng mga Lim. Saan ba talaga pupunta si Arc?
After 10 minutes, biglang nagkaroon ng traffic. Mabagal ang usad ng sasakyan. Pero may nagkakagulo sa dulo. I think an accident happened. May mga pulis din sa scene.
Biglang lumabas si Arc sa sinasakyan niyang taxi kaya napilitan na rin akong bumaba. Diretso siya sa may accident area.
Habang sinusundan ko siya patungo roon, nakaramdam ako ng kakaibang kaba.
Pagkarating ko sa scene, I almost collapse. Anong ginagawa niya? Bakit siya? Bakit may dugo?
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob