Chapter 4: Hurt

272 13 0
                                    


Bumalik akong classroom.

Pinagalitan ako ng teacher, late daw kasi ako.

Sabi naman ng isang classmate ko, pabibo daw ako.

Pagkatapos ng boring na discussions, sinundan ulit ng panibagong subject.

"Ms. Lim, I heard you sing a while ago. Even I don't understand it, I feel it. Pwede ka rin pala sa position ng vocal ah." sabi ng subject teacher namin.

"Thank you ma'am." yun na lang ang nasabi ko.

"Anyway, what's your position in group?" wow ha nacurious si maam.

"Singer and Main dancer po." sagot ko.

"So you're really talented ha."

Di ko na lang sinagot si ma'am.

"Ma'am visual din po siya." sabi ni Tee-jay na classmate ko.

"Ayieeehhh si Tee-jay pasimple." sigaw naman nung iba.


Tsk. Kadiri kayo.

Nga pala.

Han-Ji International School ang pangalan ng school namin dahil parehong Korean ang founders nito.

Tulad na nga ng nasabi ko kabilang ako sa isang band, hindi nga lang siya basta banda kundi isang girl group.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

"Ok. That ends our class."


"Wooooohhhhh." classmates ko. Lunch na kasi.



Aisshh. Sa totoo lang loner ako. Wala kasi si Ayla na bestfriend ko. One week siyang mawawala.




Pumunta ako sa resto dito sa loob ng campus.

And yes! May mga resto dito.

Dun ako pumunta sa hindi kamahalan.

At kung minamalas ka nga naman dito rin pala kumakain ang kumag kaya naman nagpunta na lang ako sa iba.


Tungkol din dun sa nangyari sa music room. Pano kaya ako makakahingi ng copy ng cctv.

Hay! Ayoko munang ma-stressed.







Natapos na din akong kumain.




Pupunta muna akong locker para kunin ang mga gagamitin ko para sa afternoon period namin.


"Hey! Yunjie!" tumingin ako sa sumigaw.

Si Coreen lang naman kasama ang ibang students. Ano na naman kayang problema nila.



Hindi ko siya pinansin. Lalapit na sana ako sa locker ng bigla niya akong hinila.


"Problema mo?" sigaw ko sa kaniya.


"Ikaw. Ikaw ang problema namin. Anong karapatan mong sigawan si Terrence at tawagin siyang kumag ha? Alam mo bang kami ang bumubuo sa fandom niya." sabi niya.




"Eh ano naman? Kumag naman talaga siya ah. At ano bang pakialam ko sa fandom niyo." pagkasabi ko nun, hinawakan niya yung damit ko.

"Pwes. Gusto ko lang sabihin na you mess with the wrong person." bulong niya.


"Really? Then who is the right person to mess with?" sabay ngisi ko.


"Ginagago mo ba ako?" tanong niya saka ako tinulak sa may locker area.



"What do you think?" maloko kong tanong.



"Damn you Yunjie Janelle Lim, kahit parte ka pa ng girl group hindi ka namin uurungan."


Then bigla na lang akong sinugod nung iba.



The efff. Ang sakit na ng likod ko. Ang tigas pamandin ng locker.







Third Person's POV

Habang nangyayari ang kaguluhan sa locker area, parami nang parami ang pumaparoon para maki-usyuso.

Kanina pa sobrang sakit ng likod ni Yunjie, pero hindi parin siya lumalaban.

Dahilan?

Ayaw niyang makarating ito sa magiting niyang ama.





Habang pinagtutulungan. Umaasa siyang darating ang partner in crime niyang si Cedric.



"Waaaaahhhhhhh"

"Oh my! Andito siya!"



Natigil ang pagtutulak sa kaniya ng dumating si Terrence.


At pinigilan si Coreen sa pagtutulak kay Yunjie.



Wearing his actual cold expression.


"Bakit Terrence? Nililigtas mo ba 'tong babaeng 'to." tanong ni Coreen.

Habang si Yunjie ay di makapaniwala na gagawin iyon ng binansagan niyang kumag.



No response.



"Answer me Terrence!"





"If you want to push here, wag dito sa mismong locker ko. Hindi niyo alam kong gaano ko pinapahalagahan ito." sagot niya na nakapag-laglag panga sa kanila.

May kinuha siya sa locker at tuluyan nang umalis.

Ganon din ang iba. Pero hindi parin patinag si Coreen at tinulak pa si Yunjie bago umalis.

"Akala mo ha." saka siya ngumisi.






...


Cedric's POV

Medyo late na akong pumasok dahil umuwi ako.

Pupunta na sana ako ng room nang makita ko ang mga students na nagsisilabasan galing sa locker room.

Anong meron?


Sumilip ako at whattt daaaa!



"Yunjie!!!" sigaw ko.




"Anyare?" tanong ko.





"Wala. Tsismoso 'to, tara na sa room male-late na tayo."



Tsk. Alam kong nagsisinungaling ka. Ako pa talaga lolokohin mo.



Pumunta na kaming classroom. Umupo na ako sa seat ko at pumunta na rin si Yunjie sa kaniya.



Math Class...


Inaantok ako. Wala akong maintindihan. Napatingin ako sa mga kaklase ko at karamihan sa kanila di nakikinig at iba-iba ang ginagawa.

Eh sa mahirap ang math eh.

Pero ginising kaming lahat sa isang sigaw.



"Yunjie, dumudugo yung likuran mo!" tumingin naman ako at tama nga siya.




Bakit di ko man lang nahalata 'to.

Kahit kailan talaga 'tong babaeng ito. Nasasaktan na nga, pinipilit pang tiisin. Tsk.


"Tara sa clinic." yaya ko sa kaniya.


"Hindi na ako na lang. Makinig ka na lang sa discussions, alam kong mahina ka diyan." tsk. Nagawa pa talaga akong biruin.


"Babawi na lang ako." pagpupumilit ko.



"Huwag na kayo ko."depensa niya.



"Tara na."'ulit ko.




"Let her be, Mr. Ford!" sabi naman ng math teacher namin.

Kaya wala na akong nagawa kundi panoorin siyang umalis sa classroom.








The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now