🎶Now Playing: I love you boy by SuzyTulad ng dati kong gawi, desk ang tanging sandalan ko sa mga ganitong oras. This is an ordinary week but full of surprises, and I hate it. Una about kay Cedric tapos ngayon naman ay ang biglaang Announcement mamaya sa Gymnasium. The worst, kasama ang mga kilalang personalidad ng HanJi and it happened that my dad and my grandfather is one of them. Ok lang sana kung si dad lang eh, pero kasama si lolo. Hindi ko alam kung magmumukmok ako o ano.
"Hey! Pinapasabi ni Ayla na magpeperform raw kayo mamaya." ~one of my classmates
Does it mean magpeperform ako sa harap ni dad at ni lolo. Will they appreciate my performance?
Siguro mas maganda kung mag-practice muna ako sa music room.
Just like what I've decided, dumiretso ako sa music room. A legendary room for me.
Kinuha ko yung isa sa mga gitara. Isa ito sa mga gusto kong hawakang instrument pag nagbabanda kami pero hindi siguro ito sa akin naka-destined.
Napakatalino talaga ng pagkakataon. Kinakabahan ako. If magpeperform talaga kami, mapapanood ako ni lolo. Though I'm sure that mapupunta kay Yannah ang atensiyon niya, even Dad. I'm still hoping na magugustuhan parin niya ang performance ko.
Busy ako sa pagtipa ng gitara nang biglang mag-ring ang phone ko. Isang text message galing sa isang unknown number. Hindi ko ito pinansin at dinelete lang. Malamang scam na naman.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong dinatnan ng antok. Since maaga pa naman para mamaya itutulog ko muna.
Ayla's POV
"Ayla! Where's Yunjie?" galit na naman si ate Yannah dahil kanina pa namin di macontact si Yunjie. Magsisimula na ang announcement pero wala pa siya. Baka aabutin kami ng bagong taon kung lilibutin pa naman ang buong campus para mahanap siya. Naka-ilang call and messages na ako pero di niya sinasagot o reply man lang. Ano na kayang nangyari sa taong 'yun?
"To all teachers and students in the campus, kindly proceed to the gymnasium now. Repeat announcement. Calling all the attention of students and teachers to please proceed at the gymnasium now."
Yunjie asan ka na ba? Magsisimula na tayo. Tinatawagan ko siya pero wala talaga. Kailangan mong mag-perform dahil manonood ang dad at lolo mo. I tried to call her many times pero di niya sinasagot.
Then, a text message suddenly appear on my notifications.
From Leader-nim: Let her be. We can perform without her. Pumunta ka na dito ngayon.
Gosh! Ate Yannah! How can we perform without Yunjie? How can we perform without her? We're Aim6ix for pete's sake!
Yunjie's POV
Nagising ako na tahimik ang buong paligid maliban sa speaker na siyang dumadagundong sa buong Campus. Oh gosh! Nagsimula na! Arrrghhh!
Hindi na ako nagdalawang isip pa na lisanin ang music room. Upang mapabilis, I decided to run. On my way to the gymnasiun, napatigil ako ng di ko inaasahan.
"To give us a very awesome intermission number, let us all welcome the pride of HanJi, the brilliant girlgroup Aim6ix! Ladies and Gentlemen, let's give them a round of applause."
Nanghina ang mga tuhod ko ng di ko inaasahan. I know hindi ako kahintay-hintay pero kasi I want to perform in front of my grandfather. I want to prove him that I'm not a disgrace to the Lim Family.
Luha ko na lang ang tanging natitirang naghihintay sa akin. Tulad ngayon, heto na naman siya at dinadamayan ako.
Imbes na magpatuloy ako sa gymnasium, napag-isipan kong dumiretso na lang sa cubicle.
Tahimik ang buong sulok nito. Binuksan ko ang faucet at saka naghilamos. Tumingin ako sa salamin. May mali ba sa akin? Or I need to create something new. Arrggh! Naguguluhan ako! Hindi ko mapigilan ang bawat luhang nagsisilabasan. Napakababaw kong tao. Napakababaw nang mga luha ko.
Bigla akong napatigil sa paghikbi nang may marinig akong ingay galing sa isa sa mga cubicle.
Ang pinakahindi ko inaasahan ay ang iluwa nito si Terrence at Coreen na naghahalikan. Napatigil sila ng mapagtanto na naroroon ako.
Dali-daling umalis si Coreen sa loob na pulam-pula ang buong mukha. Habang si Terrence ay nakatitig sa akin sa di malamang dahilan. Hindi ba siya nahihiya dahil nakita ko ang kapusukan nila ni Coreen at nananatili pa rin siyang cold?
Aalis na sana ako sa nang biglang nangibabaw ang mga yabag na paparating.
"Bakit kulang ang Aim6ix?"
Naglakad ako palabas pero bigla akong hinila ni Terrence papasok sa isang cubicle.
"Ano b-----!!!" hindi na ako nakapagsalita ng bigla niyang takpan ang aking bunganga.
Pilit kong inaalis ang kamay niya pero sadyang malakas siya. Naririnig ko tuloy ang non-sense na usapan ng mga students.
"Nga pala wala daw sa gymnasium si Terrence at Coreen kanina."
"Posible kayang magkasama--- ."
"Guys ba't di mabuksan 'to?"
"Patingin."
Arggghhh! Pilit nilang binubuksan ang cubicle kung nasaan kami.
Lagot ka talaga saking kumag ka sa oras na mahuli tayo dito.
"May tao sa loob nito." giit ng isa sa mga estudyante.
Matagal bago nila tinigilan ang pagbubukas. Buti na lang at pinatawag na uli ang lahat ng mag-aaral para sa huling anunsiyo. Naalala ko, hindi ko alam kung ano ang laman ng mahalagang announcement.
Biglang tumahimik sa paligid pagkalabas ng mga estudyante.
Samantalang awkwardness naman ang bumalot samin ni Terrence. Masikip ang cubicle. Bigla pa akong pinagpawisan lalo na't nakaharap siya sa akin. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya sa dibdib na lang niya ako nakatitig.
Mabuti na lang talaga at wala na sila. Agad kong binuksan ang pinto ng cubicle at mabilisang umalis sa lugar na iyon.
"Yunjie!" si Arc. Nakasalubong ko siya.
Hindi ko alam kung anong meron pero mababakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.
Nabigla na lang ako ng lumapit siya bigla at muli ay niyakap ako.
Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga ganitong sitwasyon. Kahit magkaibigan kami ni Arc, lalaki siya at babae parin ako.
Pero sa kalagayan niya ngayon, mas nangingibabaw sa isip ko na mas kailangan niya ng kaibigan. At maaaring isa ako sa mga naisipan niyang takbuhan.
Tinapik ko na lang ang likuran niya para patahanin siya. It's my way of saying everything will be alright.
"Yunjie." he said in a sad tone.
"Hmmm?" I respond.
"I need you."
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob