Chapter 19: Be Ready!

201 11 0
                                    


Why of all people, bakit siya pa?

Bakit si Terrence Ford pa?

Cedric's POV (Teaser)

"Cedric tulong si Yunjie, kinakapos ng hininga. Paki-punta naman siya sa clinic oh!"

WTF is going on! Tumalikod lang ako saglit, tapos ganun nang mangyayari sa kaniya.

Damn Terrence! Akala mo ba, hindi ako nakakahalata.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Pero paki-usap lang, huwag naman siya oh?


(One week after.)

Yunjie

Kabilis talaga ang pag-takbo ng oras. Hindi ko namamalayan, magdidistribute na kami ng newspaper sa entire school.

Tapos na ang birthday party ni Cedric. Baliw nga siya eh. Imbes na mag-enjoy siya, iba pa ang ginawa niya.

Tinawagan ko siya sa araw ng kaarawan niya.

[ Happy Birthday Ced! Kamusta ang party?]

[...Ayos lang pero mas masaya pag nandito ka.]

[Loko 'to. Sige tumawag lang ako para bumati. Enjoy mo na ulit party mo. Hang up na ako.]

[Waggggg!]

[Ha?]

[Bumaba ka. Andito ako sa labas ng bahay niyo.]

Tsk. Imbes sana na i-enjoy niya yung party niya, nanuod na lang kami ng sine tulad ng ipinangako ko.

Back to the topic, feeling ko malas na naman ang magiging araw ko ngayon. Paano ba naman kasi, imbes na si Ayla ang kasama ko sa pag-distribute ng newspaper ng school, mangyaring si Terrence pa talaga.

Kasalanan ng galawang hokageng si Dave. Gusto lang maka-puntos kay Ayla kaya dinahilan pa ang bit-bit newspaper tingy.

Kaya ngayon ang pad-pad ko, kasama si Mr. Cold.

Bale 15 rooms ang pupuntahan namin ni Terrence kaya medyo nakakapagod at matagal-tagal ito.

Binuhat ko na yung kalahati ng newspaper, medyo mabigat siya.

"Terrence pakibuhat na yung kalahati pati na rin yung checklist." paki-usap ko sa kaniya.

"Wala ako sa mood magbuhat, balikan mo na lang."

Bastos talaga, kahit kailan.

"Hindi na tayo babalik rito. Kaya kuhanin mo na."

Imbes na sagutin ako, tumalikod na lang siya at nauna nang maglakad.

Kaya kahit sobrang bigat, no choice ako kundi kunin pa ang ibang newspapers. Bibilisan ko na lang para maaga akong matapos.





"Terrence hindi mo ba talaga ako tutulungan?" limang classrooms palang ang napupuntahan namin, pero sobrang nakakapagod na. Pupunta pa kami mamaya sa second and third floor. Sa building C kasi kami ng school. First floor palang ang natapos namin. Ito namang kasama ko, yung checklist lang talaga ang inaatupag. "Wala ka ba talagang balak tumulong?"



Imbes na sagutin ang tanong ko. Tumuloy-tuloy lang ulit siya. Kahit kailan talaga, wala siyang modo.


Hindi ko na ulit siya kinibo. Nagsasayang lang ako ng laway sa taong 'to.

Hindi rin nagtagal natapos na rin ang secind floor. At last, isang floor na lang. Makakapagpahinga na rin ako.

"Terrence pwede bang paki-kuha ako ng dalawa pang bundle ng newspaper? Kulang kasi yung nakuha ko." paki-usap ko sa kaniya.

"Kumuha ka na. Kukuha rin ako ng tubig ko. Kanina pa ako nauuhaw." tsk hindi na lang sana ako nagsabi.

Wala na akong nagawa kundi tumakbo patungong journalist room.

Pagkarating ko sa room, kumuha agad ako ng newspaper, saka bumalik sa building C.

Pero habang papunta ako, nakaramdam ako ng hilo.

And all turns black.





Cedric's POV

"Ok good job guys!" bati samin ng adviser namin sa reporting. "Pwede na kayong mag-lunch."

Sina Yunjie kaya, tapos na kaya sa pagdi-distribute ng newspaper?




Papunta ako sa journalist room ng nakita kong tumatakbo si Ayla, at kung di ako nagkakamali sa direksiyon ko ang punta niya.



"Cedric tulong si Yunjie, kinakapos ng hininga. Paki-punta naman siya sa clinic oh!" sabi ni Ayla habang hinihingal pa.


"Asan siya?" nag-aalala kong tanong.

"Malapit sa journal room. Kailangan ka---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Agad na akong tumakbo para puntahan siya.

Marami ang nakapalibot sa kaniya. Karamihan pa ay kalalakihan. Mabuti na lang at walang nagtangkang bumuhat sa kaniya, kundi ngayon pa lang sira na ang mukha niya.


"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako.

Tumango naman siya bilang pagtugon. Walang pag-aalinlangang binuhat ko siya papuntang clinic. Mabuti na lang at palaging present ang nurse at kumportable sa clinic namin kaya maaaring makatulog siya dito ng maayos. Mabilis kasi siyang mapagod kaya hindi na dapat,siya nag-distribute ng newspaper pero di ko alam kung bakit niya parin ginawa.

Di nagtagal dumating na rin si Yannah para magbantay sa kaniya. Pansamantala ko muna siyang iiwan sa ngayon. Tutal, mahimbing na ang tulog niya.

Pagkalabas ko sa clinic, agad-agad akong tumakbo pabalik ng journal room. Hindi nga ako nagkakamali, nakita ko roon si Ayla na hanggang ngayo'y puno ng pag-aalala.

"Anong nangyari?" mabilisan kong tanong.

"Si Terrence kasi, di man lang niya tinulungan si Yunjie sa pagbubuhat. Kaya siguro nakaramdam siya ng pagod."




Ngayon, nakumpirma ko na talaga siya. Agad-agad akong pumunta sa room nila Terrence. Parang wala talagang pakialam ang loko dahil nagawa niya paring isalpak ang mga earphone sa tainga niya.


Sinugod ko siya at hinila ang necktie niya saka ko sinuntok ang kaniyang mukha.

Hindi pa ako nakuntento at inulit ko pa dahilan upang tuluyan nang magdugo ito. Tinitigan niya ako ng matalim, ngunit wala akong pakialam. Kapag si Yunjie na ang usapan, wala akong pakialam kahit si Terrence pa 'yan.


"Don't mess with her or else I will kill you!" banta ko saka tuluyan nang umalis sa classroom nila na di alintana ang maraming taong nakasaksi sa pangyayari.



Damn you and your shits Terrence. Akala mo ba hindi ako nakakahalata.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Pero paki-usap lang, huwag naman siya oh?

Huwag mong ibuntong sa kaniya ang galit mo sa akin.

Dahil ngayon pa lang aaminin ko na, siya ang kahinaan ko at mananatiling magiging kahinaan ko.



Yunjie Janelle Lim, paano mo ako nagagawang ganito?



Ikaw na kaya yung sinasabi nang dati kong teacher sa U.S. Totoo kayang nahanap ko na siya? Ikaw na kaya ang magbibigay kulay sa black and white kong mundo?


Kung ikaw man iyon, maghanda ka na.


Because you will become the first and last girl that will conquer my world, I will also be the best knight that will conquer your dreams.





Be ready Yunjie!

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now