"Y-you're pretty. I-I'm serious."Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumingin naman ako sa kaniya at nakayuko lang siya. Nagkatinginan na lang kami at sabay na napatawa.
"Really?" napatango naman siya."Thank you."
He's the first guy na sinabihan akong maganda in person. Karamihan kasi sinasabi lang nila sa chat. Wala naman akong balak replayan sila kaya kadalasan sineseen ko na lang. Pero hindi ako sineer ah. Sadyang di ko lang talaga sila kilala.
Bakit parang mas gusto ko ang Terrence ngayon kesa sa cold na nakilala ko. Is Dion really better than Terrence? Naalala ko tuloy si Cedric. Sabi niya dati sa akin, madalas silang pagkumparahin ni Terrence.
Mabilis na lumipas ang oras. Lunch time na at hinihintay ko si Dion dahil sabay kaming kakain. 5 minutes late na siya eh sa kabila lang naman ang classroom niya.
Gusto ko na ring umalis dito dahil kami na lang ni Asus ang natira. Baka mamaya magliyab na naman siya ng di ko namamalayan.
"Nandito po ba si Errah Ferrer?" someone knocked at the door and asked for me.
Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya.
Inabot niya sa akin ang isang lunch box at bottled mineral water.
"Pinabibigay po ni Dion. Hindi raw po muna siya makasasabay sa inyo dahil kasama niya ang principal kumain." tumango na lang ako bilang response.
Gosh! Saan kaya ako kakain. Panigurado puno na naman ang cafeteria dito.
Maybe, mas better if hindi na rin ako lalabas. Pero paano ako kakain kung may kumag na naririto. Baka mamaya tititigan na naman niya ako habang kumakain. May pagkain ba siya? Bakit ba naaawa ako sa taong 'to?
Binuksan ko na ang lunchbox na bigay ni Dion. Siya ba ang nagluto nito? Kung ganun nagbaon kaya siya? Waaaahhhh! Napapangiti na lang akong mag-isa. Naninibago talaga ako sa kaniya.
May isang disposable spoon na naidala si Dion. Para saan kaya? Dati tinulungan niya ako. Pero ngayon, pati baon niya binibigay niya rin. Kyaaahhh! Bakit ba ang bait niya?
Napatitig ako bigla sa disposable spoon. Hindi ko namamalayan nasa harapan na ako ni Asus dala ang pagkain. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa akin nang makita ako sa harapan niya. Ano ba kasi 'tong ginagawa ko? Nababaliw na ba ako? Dahil walang kumikibo sa aming dalawa, inilagay ko na lang ang kutsara sa kamay niya. Nasa akin ang disposable spoon.
"Wala kasi akong kasabay. Hindi ko naman kayang kumain habang nakikita kang ginugutom diyan." inalok ko pa sa kaniya ang pagkain. "Huwag ka ng mahiya. Ngayon lang 'to."
Hindi ko pa man nasusubo ang pagkain, tumayo na siya at iniwan ako. Haha. Ano bang aasahan ko?
Bumalik na lang ako sa seat ko pagkaalis niya. Mag-isa ako ngayon sa classroom. Buti na lang mabilis akong kumain. Natapos ako nang wala pang nakakabalik sa classroom.
After nun, nag-ayos na ako ng mga gamit sa desk ko. Siguro lalabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin.
Napadpad muli ako sa school ground. Hindi talaga ako makapaniwalang may ganito kagandang school ground. Dahil di na talaga ako makatiis, umupo na ako sa tapat ng isa sa mga puno. Dahil medyo matagal pa naman ang next period, itutulog ko muna siguro saglit. Binuksan ko yung phone ko at tumingin sa music. Puro BTS at Red Velvet songs lang ang nakita ko at may kunting English Songs. Hindi naman siguro masama kung papakinggan ko ang mga kanta nilang korean.
Hindi pa man ako gaanong nakakaidlip, napamulat na ako dahil sa liwanag. Pagkatingin ko, hawak ni Dion ang DSLR niya at nakangiti siyang tumitingin rito.
"You're awake now?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. Cute rin pala siya kapag ngumingiti. Palibhasa, poker face palagi si Terrence. Pareho sila ni Asus.
"Kakarating ko sa classroom niyo pero wala nang tao ron. Buti na lang dumiretso pa ako dito." ~Dion
May dala-dala siyang baunan.
"Hindi ka pa nag-lunch?" tanong ko.
"Nope. This is a dessert. I get one for you."
"Hindi ka na sana nag-abala. Hindi rin ako mahilig niyan." Medyo ayaw ko kasi sa matatamis. Pero minsan naman, hinahanap ko parin ito.
"Bahala ka. Masaya na sana ako, pero malulungkot uli ako nito panigurado."
Natawa na lang ako sa kaniya. Mahilg siyang magpa-cute. Naka-pout pa siya habang sinasabi iyon. Kaya dahil makulit siya, kinain na lang namin pareho yung dessert na dala niya.
"Ahhhh Errah?"
"Hmmm???" bakit palaging ganito ang convo namin. Yung tatawagin niya ang pangalan ko, tapos sasagutin ko siya ng hmm.
"Pwede picture tayo?"
Napatango na lang ako. Iba rin kasi ang trip ni Dion. Pero infairness, kaya ko namang sakyan.
"Uhhh miss???" tinawag niya yung isang student na napadaan. "Pwede mo ba kaming kunan ng picture?"
Kinikilig naman na tumango yung estudyante. Iba rin pala ang kamandag si Dion sa kababaihan.
"1...2...3..." kasabay ng pagbilang ang pagpopose namin ni Dion. As usual, formal, peace at heart sign lang ang pose ko.
Pero sa last take, biglang ipinahid ni Dion yung icing sa pisngi ko. Dahil hindi ako papatalo, ginaya ko rin siya. Ang dating, para kaming mga bata. Hindi namin namamalayan, dinumog na pala kami ng ilang estudyante at nakikuha rin sila ng picture. Ahhhh! Ano ba 'tong pinasok ko.
"Ang cute niyo po together. Ilang months na po kayo?" tanong nung estudyante pagbalik niya ng DSLR.
Sasagot palang sana ako pero inunahan na ako ni Dion.
"Bago palang kami." sagot niya at napatawa. Nakitawa nalang rin ako.
Kahit medyo mapagbiro si Dion, masarap rin pala siyang kasama.
"Ubusin na natin 'to. Hindi tayo babalik ng classroom hanggat may natitira." tsk. Tamoto parang bata.
"Opo itay." sagot ko naman sa kaniya.
"Can you stay here? Bibili lang ako ng drinks."
Naiwan ako sa ground pagka-alis ni Dion. Maya-maya lang, may napadpad malapit sa harap ko na magkasintahan. Masaya silang naghaharutan.
Hindi ko namamalayan, napayuko na lang ako sa hapding naramdaman ko. May batong tumama sa gilid ng noo ko. Wahhhh!!! Baka magka-bukol ako nito. Sino ba naman ang maglalaro ng bato rito?
Nakayuko lang ako dahil sa hapdi. Pagkatapos, napatingin ako sa sapatos na tumambad sa harap ko. Hindi naman ako makatingala dahil masakit parin ang noo. Unti-unti namang napaluhod yung nakasapatos. Hinawakan niya ako sa ulo at ipinatingala ito. Really? The cold Asus? Nasa harapan ko.
"Huwag ka munang magsalita." utos niya in a cold voice.
Hinipan niya yung mahapding part. Tumagal siguro ito ng 2 minutes. Then after, may nilabas siya sa bulsa niyang band-aid. Nilagyan niya ng band-aid sa may part na natamaan ng bato. Hindi naman ako makagalaw dahil sa ginawa niya. After that, tumayo na rin siya agad.
"I'm done. Wala na akong kasalanan."
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob