Chapter 34: Call

147 3 1
                                    


"Okay ka lang? Bakit parang di kayang ipinta ni Juan Luna 'yang mukha mo?" si Dion. Kakarating niya."Anyare sa noo mo?"

Hinawakan niya pa yung mismong may band-aid kaya di ko naiwasang mapasigaw sa hapdi.

"Aksidente lang na may tumamang bato sa mismong noo ko pa."

"Kung gayon, girlscout ka pala. Buti na lang may band-aid ka."

Nginitian ko na lang siya. Hay! Dion! Kung alam mo lang sana!

We're on our way sa classroom nang tawagin muli ako ni Dion.

"Pwede mo ba akong samahan sa mall this weekend?"

"Pag-iisipan ko."

"Why are you smiling?" nakita niya sigurong nakangiti ako.

"Nothing."

Naalala ko kasi Terrence. Nung nag-mall kasi kami ni Ced dati, bigla na lang siyang sumusulpot na parang kabute. Ganon din kaya si Dion?

___ ___ ___ ___

Saturday 

"Ate! Wake up! May naghahanap sayo!"

Ang sarap ng tulog ko pero binubulabog ako ni Jude. Saturday naman ngayon at walang pasok kaya okay lang kahit tanghaliin na ako ng gising.

"Sino?" bumangon ako at tumingin sa salamin. May kunting laway pa ako. Hmmp. Maka-toothbrush na nga.

"Dion daw po."

"What?" naibuga ko pa yung tubig sa may salamin.

Shemay! Ngayon nga pala yung pagpunta namin sa mall. Ba't ko ba nakalimutan? Napaka-aga naman kasi niyang gumayak eh.

"Pakisabi ligo lang ako saglit."

Bigla tuloy akong nataranta at hindi ko na alam ang una kong gagawin. Paano natunton ni Dion 'tong bahay? Buti na lang wala si mom and dad. Kebago-bago ko, malalagot ako. Wahhh!

Pagkababa ko, nakikipagdaldalan si Jude kay Dion. Bakit parang close na sila agad?

"Do you like my sister?" diretsong tanong ni Jude kay Dion. Anong klaseng tanong yun?

Napatingin pa si Dion sa akin at ngumiti. Bakit parang ang bad boy ng dating niya. Luh! Bakit ba palagi ko siyang napapansin?

"If you say so cutie." sagot nito kay Jude habang ginugulo ang buhok nito.

"Tara na?" I asked after nilang maglambingan. "Be good to manang Jude. Huwag mo papasakitin ulo nila ha?"

Sa one week na kasama ko ang bagong pamilya ko rito, unti-unti ko silang nakikilala. Parehong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya, dahil nakatagpo ako ng mabubuti at mapagmahal na pamilya. Malungkot, dahil araw-araw kong hinahanap at namimiss ang pamilya ko. Hindi ko alam ang kalagayan nila kaya di ko maiwasang mag-alala.

Dala-dala ni Dion ang kulay blue niyang kotse. Agad-agad niya akong pinabuksan sa front seat. Ibang-iba siya sa katauhan ni Terrence kahit pa sobrang magkamukha sila.

Ilang minutes lang ang travel at nakarating na agad kami sa mall. Una naming pinasok ang bookstore. Mukhang may listahan pa ata siya ng mga librong bibilhin niya.

"Mahilig kang magbasa ng libro?" tanong ko sa kaniya habang hinahanap ang bibilhin niya.

"Nope. Kay mama 'to. Ako lang ang pinapabili niya."

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Kung ako kasi, hindi ko na rin alam ang huling beses na nagbasa ako ng libro. Nasa banda kasi ang buong atensiyon ko palagi.

After naming lumabas ng bookstore, dinala ako ni Dion sa cinema. Wala akong hilig sa pagsisine pero dahil ayoko naman siyang ipahiya, sasama na lang ako. I have a bad memory sa sinehan na ayoko nang balikan. Kaya kung pupuwede ayoko nang pumasok dito. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko tatanggihan si Dion dahil ito ang una naming labas. 7 years na akong hindi pumapasok ng sinehan. I considered this place same as hell.

RomCom ang genre na pinili ni Dion. Mabilis lang kaming nakapasok dahil hindi pa gaano mahaba ang pila.

"Hey! Hintayin mo ako rito bibili lang ako ng snacks and drinks." si Dion. Tumango na lang ako.

Habang nakatingin ako sa nakapatay palang na screen, bigla na lang tumulo ang luha ko nang hindi ko inaasahan. Nagflaflash ang bad memory ko sa screen back when I'm 12 years old.

Dahil hindi ko na nakayanan, lumabas na ako sa sinehan. Akala ko tuluyan ng nabura ang masamang ala-ala. Nananatili parin pala ito. Maybe it's one of my consequences na dadalhin ko hanggang sa huli.

"Errah are you okay?" nagkasalubong kami ni Dion paglabas ko.

"I'm sorry Dion. I can't watch with you. Maghihintay na lang ako."

"No! no! It's okay. Next time na lang tayo manood kung okay ka na."

Buti na lang kahit papano, understanding siyang tao. Imbes na manood, kumain na lang kami sa Mang Inasal ni Dion. Gusto niya pa akong i-treat sa mas mahal na resto pero sinabi ko na lang na mas okay na ako dito. Nahihiya na nga ako dahil imbes na magsaya siya, inaalala na lang niya ako.

"Dion sorry ha. Dahil sa akin, nag-alala ka pa."

"Walang problema. Kaibigan kita kaya kahit ano man ang problema mo, karamay mo ako."

"Thank you."

"Yeah. So kain na tayo."

Tahimik lang kami hanggang sa natapos kaming kumain. Pagkatapos nun, nag-ikot-ikot kami sa mall. May binili rin siyang mga stuffs for guys. Hindi namin namamalayan na medyo dumidilim na rin pala, kaya naisipan na rin naming umuwi. Ang bilis ng oras. Parang kanina umaga lang ng sinundo ako ni Dion tapos ngayon malapit na naman mag-gabi.

Bago kami tuluyang makalabas ng mall, binilhan ko ng pasalubong si Jude. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya kumuha na lang ako ng mga natipuhan ko. Bumili rin si Dion ng ibibigay niya sa kapatid ko. Close na nga ata talaga sila.

Habang nasa biyahe, di ko napigilang magtanong sa kaniya.

"Paano mo pala nahanap ang bahay namin?" kailan ko lang siya nakilala tapos biglang alam niya na ang location ng tinitirhan ko.

"Students Profile. Naalala mo na?"

Ah oo nga pala.

"Thank you sa paghatid." di nagtagal nakarating na rin kami sa bahay.

"Hmmm. See you on monday."





Pagkapasok ko sa bahay, diretso agad ako sa kwarto. Medyo nakakapagod rin ang araw na ito.




Napatingin na lang ako sa itaas. Hanggang kailan pa kaya ang itatagal ko rito. If ever man na panaginip lahat ng ito, gusto ko ng magising. Magtitiis na lang ako sa malungkot kung mundo kesa manatili sa lugar kung saan clueless ka sa lahat ng bagay. Para ba akong kindergarten na bagong pasok sa isang paaralan. Hays!

Maya't-maya biglang tumunog yung phone ko. Nag-text si Dion ng goodnight, kaya nag-reply na rin lang ako. Dati-dati pag ganitong nag-iisip ako meron si Ayla na tinatawagan at palaging nagbibigay ng payo sa akin. Hanggang ngayon kabisado ko parin ang phone number niya. Paano kaya pag nag-eexist yung number dito? Wala naman sigurong masama kong susubukan ko. Wala namang mawawala.

Calling: Ayla

Tatlong ring lang at nasagot na agad yung call ko. Nanginginig kong tinapat yung phone sa tenga ko.

(Anong kailangan mo?)

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa gulat. Hindi ko akalaing sa kaniya ang phone number. Malamig na boses at ma-awtoridad.




Asus.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now