Naglalakad ngayon ako dito sa hallway matapos ang mahaba-habang practice namin.Alas-sais na kaya malamang madilim na. Pinauna na ako ni ate sa parking lot para hintayin ang sundo namin.
Tungkol pala dun sa letter, kung tinanggap lang agad yun ng kumag na si Terrence eh di sana wala akong problema sa kapatid ko ngayon. Big deal pa naman sa kaniya yung nangyari.
Habang naglalakad may nakita akong lalaking nakatayo sa may puno katabi ng english pergola. Mukha naman siyang estudyante dahil nakauniform siya. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niyang tinawag pangalan ko.
T-teka alam niya name ko?
"Yunjie!" sigaw niya.
Nilingon ko naman siya.
"Cedric? Akala ko na kung sino. A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Hinihintay ka."
H-ha? Ano daw?
Saka siya tumawa ng malakas.
"Haha joke lang. May hinihintay ako. Ikaw, katatapos lang ba ng practice niyo?" tanong niya.
Sabi ko nga. Kailan ba ako matatapos sa kaka-assume. As if naman hihintayin niya ako.
"Wui? Tulala ka diyan."
"Ha? Wala may naalala lang." sagot ko.
"Sino? Ako?"
"Hindi ah. Ba't naman sana kita iisipin?" pagsisinungaling ko.
"Defensive much? Sige na kunyari, bumigay ako sa palusot mo."
"Eh! hindi naman ako nagpapalusot eh." sabay bato ng bag ko sa braso niya.
At ayan na naman ang tawa niya.
"Teka? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Ano pang ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ko si Grace. Sabi niya saglit na lang daw siya."
"Sino si Grace?" curious ako eh.
"Nililigawan ko."
Napatahimik ako. Ang swerte naman pala ni Grace kung ganon.
"Huwag ka ngang magselos." sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Sino ba nagsabing nagseselos ako?" sabay tanggal ko sa kamay niya.
Buset na lalaki 'to. Assuming na mahangin pa.
"Sige. Kunyari naniwala na naman ako. Oh! Nasagot ko na tanong mo. Ako naman. Ba't parang pang-biyernes-santo yang mukha mo."
"Wala ka na dun."
...
"Ma'am, Sir uwi na ho kayo." si manong guard.
"Ah sige po manong. Napakwento lang po eh." -Cedric
" Oo nga ser eh. Ang kyot niyong tingnan. Kung hindi ko lang po narinig na may nililigawan kayo, iisipin kong magjowa kayo."
Hano daw? Kami ni Cedric, magjowa. Naks manong guard, huwag ganon. Bad word eh.
"Sige ho ma'am, sir mauna na ho ako. Pasensya na at di ko napigilang makinig sa usapan niyo."
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob