Chapter 11: Thanksgiving

241 7 0
                                    


Saturday ngayon at mamayang gabi na ang thanksgiving party sa bahay nila Cedric.

Kinakabahan ako na ewan.

"Ate may bisita ka!" sigaw ni Monique mula sa baba.

"Sino?" wala naman kasi akong inaasahang bisita.

"Gwapong Cedric daw."

What da! Anong ginagawa niya dito?

Dali-dali akong bumaba para tingnan si Cedric. At nandon na siya sa sala, prenteng naka-upo.

Pasalamat siya saktong kami lang ni Monique ang nasa bahay kasama si Nanay Melly at iba pang kasambahay. Wala kasi parents namin even si Yannah.

"Tsk. Feel at home? Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang tiyaka gusto ko lang ipaalala sayo yung mamayang gabi. Makakalimutin ka pa man din." tamoto ang bad talaga.

"Ate boyfriend mo?" sabat ni Monique.

Daldal talaga nito kahit kailan.

"Hindi." diretso kong sagot.

"Uhm. Hi cutie. Cedric Ford nga pala." pagpapakilala ni Ced.

"Ford? How are you related to Terrence Ford?" tanong niya gamit ang mapanukso niyang tingin.

Napatawa naman ang lokong Cedric.

"Why are you laughing?" sambit ulit ni Monique, na tiyak nang naguguluhan sa personalidad ng taong kaharap niya.

"We're brothers cutie." sagot naman nito.

Nagulat naman si Monique at napatakip pa sa bunganga kono.

"Pssh. Sige na uwi ka na. Pupunta ako." I said as I interrupt the convo.

"Bye Cutie." sabi pa nito kay Monique na pinigilan pa siya.

"Wait Kuya, err can we take picture? Please kahit one or two selfie lang."  pssh yun lang pala.

"Ofcourse cutie." sabay pa-cute niya.

Ang hangin talaga.

"Thankieee. Ate pwede mo ba kaming kunan? Pretty please."

"Tsk. " nakasimangot kong kinuha ang phone niya sabay kuha ng pic sakanila.

"Bye Kuya Cedric, balik ka ha." sabi nito saka kumaway pa.

Tumango naman si Cedric saka tuluyan ng umalis.

After 10 seconds...




"Aaaaaaaaaaahhhhhh! Ang gwapo niya. I can't bilibid. Ahhhhh!"

The eff Monique. Ansaket mo sa tenga.

"Manahimik ka nga." pagpapatigil ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin ate, kapatid niya pala si Terrence Oppa, eh di sana hindi ko siya natarayan kanina. Tapos hindi mo man lang siya inalok ng juice." tamoto parang ako pa may kasalanan.

"Nagtanong ka ba?"

"Hindi. Eh? Aissh ate I hate you!" saka siya nagdabog paalis.




Dear little sis, kelan ka ba tatanda?





Nagpreprepare ako ng merienda namin ni Monique nang mag-vibrate ang phone ko.

From: Tee-jay

Hello sunshine :-)

Ah si Tee-jay pala yung classmate ko. Remember?

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now