Chapter 20.2 : Clueless

187 6 0
                                    


Pagkatapos naming mag-usap ni Ayla inihatid ko na siya sa classroom nila.

"Beshy salamat sa paghatid. Dapat nga ikaw pa ang ihahatid ko eh."

"Wala yun. Pasok ka na."

Bago ako tuluyang makaalis sa classroom nila Ayla, napatingin muna ako sa loob nito. Nakapagtatakang nakatingin lahat sa akin ang mga classmates niya. The worst, parang nanunuri pa sila.

Pero hindi nakaligtas sa paningin ko si Terrence. Nakatingin siya sa akin. Cold. Ngunit parang nanlumo ako nang nakitang nadungisan ang gilid ng labi niya. Sa pagkakaalam ko sa kaniya, siya 'yong tipong kailanman ay di makikipagsuntukan dahil sa image niya sa school. Well, tulad nga ng sabi nila, maraming umaasa sa maling akala. Siguro isa na rin ako sa mga nabibiktima.

"Yunjie wait!" sigaw ni Ayla nang hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa room nila. "May sasabihin pa ako sayo."

"Wala kayong klase?" tanong ko.

"Oo. Vacant namin. Sa classroom niyo muna tayo."

Tahimik kami habang naglalakad papunta sa classroom namin. Nakakapagtakang kanina pa maraming tumitingin sa akin. Dahil ba sa pagkakapunta ko sa clinic? Eh hindi naman ito ang unang case sa pagkakaalam ko.

"Ayla ba't andaming tumitingin?" nangangati na rin kasi akong magtanong kanina pa.

"H-hindi ako sure pero baka siguro dahil sa nangyari kanina." mahina niyang sabi.

"Alin? Yung pagkakapunta ko sa clinic?"

Hindi siya umimik hanggang sa makarating na kami sa classroom.
Tahimik niya akong tiningnan. Para bang nagbabakasakali pa siya kung sasabihin niya nga sa akin.

"Maaaring pinagtitinginan ka nila kanina dahil ikaw ang dahilan kung bakit sinuntok ni Cedric si Terrence."

Napatakip na lang ako ng bunganga sa kadahilanang di ko akalaing magagawa iyon ni Cedric. Kapatid na niya mismo iyong dinungisan niya. Kung ganoon siya ang may dahilan sa pagkakasuntok kay Terrence. Pero bakit? Bakit?

"Bakit?" tanong ko kay Ayla.

"Nagkausap kami ni Cedric kanina. Aware ka naman siguro na may gusto siya sayo." namula ako dahil sa sinabi ni Ayla. Medyo awkward parin saking pag-usapan ang tungkol sa gusto tingy na 'yan. "He told me na kung maaari ako na mismo ang maglalayo sayo kay Terrence. Hinala niya ikaw ang pinagbubuntungan ni Terrence sa galit niya kay Cedric. Iyan lang naman ang sinabi niya, tinanong ko kung anong galit pero di naman siya nagsalita."

I don't know what to say. Para kasing hindi kapani-paniwala na ako ang pagbubuntungan ni Terrence. Hindi kami close at alam kong hindi siya interesado sa akin kaya nga hindi maganda ang trato niya sa akin.

Pero para wala nang iba pang masangkot, ako na mismo siguro ang lalayo. Pero wait? Kailan ba ako lumapit sa kaniya? Hindi naman na ah.

___ ___ ___

Hindi ko alam kung ano ang nakapaloob sa bawat suliraning kinasasangkutan natin. Everything happens for a reason and everyone wants to know the reasons.

Kahapon ng hapon kinausap ako ng isang student. Pinapatawag raw ako sa CCTV Holder Office. Pinakita nila sa akin lahat. Hindi pa ako makapaniwala na siya ang may gawa ng pagkaka-open ng recorder. Bakit ikaw pa? Sophia Santillan.

Hindi ako nakatulog dahil sa nalaman ko. Gusto kong tanungin kong bakit niya ito nagawa. May nagawa ba ako sa kaniya? Wala akong matandaan.

Maaga akong pumasok ngayon. Kahit gusto kong dagdagan ang tulog ko kanina, di ko magawa hanggat may bumabagabag sa akin.

"Bakit ang aga mo ngayon?" bungad sa akin ni Cedric.

"Maaga naman ako palagi ah." sagot ko.

"I mean, ganitong wala pang tao."

"Anong tawag sayo, di tao?" pambabara ko, dahilan upang guluhin niya ang basang buhok.

"Yah! Yunjie Lim! Anong?-- Bakit?-- Aissh!" saka tuluyang naglakad palabas ang loko.

Napatingin ako sa upuan ni Sophia na katabi ko lang. Bakit Sophia? Anong meron? Is it accidentally or done intentional?

Bigla na lang akong napaluha. Sh*t! Alam ko na. Gusto kong sumigaw pero di ko kaya. Alam ko ito 'yun eh. Hindi ako nagkakamali. Sophia sorry.

Gusto ko na siyang maka-usap. Pero dahil maaga pa nagsalpak muna ako ng earphone sa tainga.

"Beshy sa 17th birthday ko, promise mo pupunta ka ha. Kasi ikaw ang pinaka-bisita ko roon. Promise?" we cross our fingers as a sign of promise.

"Beshy bakit 17? Diba dapat 18 kasi debut mo iyon?" ~ako

"17 kasi pareho nating birthday. August 17, December 17. Friendship day natin 'yun. Kasi sa debut ko si Ian naman ang pinakabisita ko roon." sabay hagikgik namin.

It's a promise. A promise that never happen because of me. It's my promise to her when we are 7 yrs old. 10 years ago. She's my---

"Oh kainin mo muna." bumili si Cedric ng isang biscuit at dutch mill.

"Nag-umagahan ako." pagtanggi ko.

"Oh. Himala. Tinatanggihan mo na ang dutch mill ngayon." babawiin na niya sana pero bago niya pa makuha inunahan ko na siya.

"Iinumin ko mamaya."

Ngumiti naman siya ng di masiyadong pahalata.

"Ayoko nang magbiro. Sa lahat ng oras, magiging seryoso na ako. Ito na siguro ang huling araw na magbibiro ako sayo. Alam mo ba kung bakit?" hindi ako sumagot. Nakakagulat na bigla na lang siyang mag-oopen ng topic ng ganito. He's not the usual Cedric I know. "Natatakot ako na balang araw, biro na lang ang magiging pagtanggap mo sa akin. Kung mangyayari man iyon, tuluyan ng masisira ang isa sa mga pangarap ko." pagkatapos niyang magsalita, iniwan niya ako. CLUELESS.
















Belated Happy Birthday Jungkookie Oppa 생 일 척 하 합 니 다
September 01

Belated Happy Birthday Red Velvet Joy.
Saeng il Chukkahae Unnie.
September 03

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now