"Damn Yunjie why are you doing this to me?" he immitate his voice. "Kung nandito lang si Cedric, malamang ganitong ganito ang sasabihin niya."
"A-anong ginagawa mo rito?"
"Iniisip mo rin bang coincidence ang nangyari o baka naman inaakala mo fated kayo sa isa't-isa?"
"Oo. Tama ka." mabilis kong sagot na ikinagulat niya.
Madalas kaming pagtagpuin ng tadhana ngunit palaging sa maling pagkakataon at di kaaya-ayang sitwasyon.
"We're destined to meet inappropriately. We're fated to each other illy."
Natahimik naman siya. Malamang tulad ko, ina-absorb niya palang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
"Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng team mo." bigkas ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Mas kailangan mo ako."
Napatingin ako sa kaniya ng marinig iyon. Para kasing iba ang pasok nito sa aking pandinig.
"Mas kailangan mo ako Yunjie. Kaya matulog ka lang diyan, babantayan kita rito."
Gusto ko pa sanang itanong sa kaniya kung ano talaga ang deepest meaning ng sinabi niya pero talagang naiidlip na ako. Hindi na ako natulog buong gabi dahil kinabukasan ay flight na ni Sophia.
Nagising ako na tahimik ang classroom.
Napamulat ako ng pagkalaki-laki ng makita ang nasa gawing kanan ko.
Si Arc. Natutulog rin siya. Akala ko ba babantayan niya ako. Kaya lang? Eeeeee. Hindi ko ma-imagine. Nakatulog kaming magkaharap ang mukha sa iisang desk. Arc naman eh! Pa'no na lang kung one hour lang ang P.E ngayon di ang awkward 'pag may nakakita sa atin.
"G-gising ka na pala."
"Arc naman eh!" sigaw ko na nagpa-kunot ng noo niya.
"Fine. Inaantok rin kasi ako. Nakakainggit ka kaya. Naiidlip rin ako kaya natulog na lang ako. Ano sanang problema don?"
"Bakit sa desk ko pa? Hindi na lang diyan sa unoccupied seats!" aissh. Nakakagigil rin 'tong isang 'to.
"Sus. Kunyari ka pa. Nag-enjoy ka lang titigan ako eh." What?
Gosh! Nasan ang hustisya.
Di nagtagal, nakarinig kami ng palakpakan.
"Oww. Gising na pala ang sleepy couple." si Coreen. "Maganda ba ang naging panaginip niyo, buti na lang pala nakuhanan ko kayo ng litrato. Madagdagan na naman ang issue na kakalat sa buong campus. Hashtag flirty girl. Nawala ang isa, tutuka na naman ng iba. Nice."
"Lintik..." papatulan na sana siya ni Arc pero pinigilan ko ito.
"Coreen ayaw namin ng gulo. Walang ibang kahulugan ang mga nakita niyo." pakiusap ko.
"So walang kahulugan 'to?" pinakita pa niya sa amin ang litratong kuha niya.
"Ano bang kailangan mo ha?" hindi ko na nagawang pigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Simple lang. Babaan mo ang pride mo."
"What?"
Babaan ang pride ko? Why should I. Ni siya nga di niya magawang ibaba, ako pa kaya.
"You don't like? Fine. Get ready! In less than 5 minutes pagpipiyestahan kayo ng mga chismoso't chismosa ng HanJi."
"Anong kailangan kong gawin?"
"Yunjie!" pagpipigil sa'kin ni Arc.
Nakita ko naman ang ngiting tagumpay ni Coreen.
"Hindi mo kailangang gawin ang sasabihin niya. Ireport na lang natin siya sa Office." sambit pa ni Arc na pilit kong pinapalabas sa kabila.
"Give this to Terrence. Convince him to accept that. If you can't until 5:00 pm, I will spread your photos."
Ibinigay niya sa'kin ang isang box. I pity her. Habol siya ng habol sa taong araw-araw tinatakbuhan siya. Ngunit wala na akong magagawa. Sa oras na kumalat ang mga litratong yun, malaking issue na naman ang mabubuo. A disaster indeed.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'yan." kulit sa'kin ni Arc. Nagpasama kasi akong hanapin ang isang kumag.
Sisiguraduhin kong ito na ang huling pagkakataong lalapit ako sa kaniya.
"Pagod ka na ba?" tanong ko sa kasama ko. Kanina pa kasi nagrereklamo.
"Nag-aalala ako sa'yo. May klase tayo ngayon. Pero nandito tayo't naghahanap." sabay kamot niya sa ulo.
"Mauna ka na. Susunod na lang ako, tutal ay may naisip na akong pwede niyang puntahan. Paki-excuse na lang ako kay ma'am."
"Sige. Mag-iingat ka. Bumalik ka agad." Paalam niya.
Mabilis akong nagtungo sa Centennial Garden. Di pa ako nakalalapit ng husto, tanaw ko na ang statue ni Han Jung Il at Ji Ye Rin. Ang korean founders ng HIS.
Nang tuluyan na akong makalapit hindi ko parin mahagilap si Terrence. Paalis na sana ako pero nakita ko ang isang paa sa likod ng statue ni Han Jung Il. Di na ako nagdalawang isip na lumapit. Agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya.
Nagulat siya ng makita ako sa harap niya. Tulad ng dati, may nakasalpak na earphone sa tenga niya. At tulad pa rin ng dati, masama uli ang tingin niya. Marahil nasira ko ang alone moment niya. Pero last naman na 'to kaya ipu-push ko na.
"Pinabibigay nga pala ni Coreen." naka-upo siya samantalang ako ay nakatayong inaabot ang box sa kaniya.
Baby, I know the story
I've seen the picture
It's written all over your face
Tell me, what's the secret
That you've been hiding
And whose gonna take my placeI should've seen it coming
I should've read the signs
Anyway, I guess it's overCan't believe that I'm the fool again
I thought this love would never end
How was I to know
You never told meKasabay ng di niya pag-abot sa box ay ang paglakas ng ihip ng hangin sa Centennial Garden.
Hindi maganda ang naging una naming pagkikita ni Terrence. Pero tulad ng dati, hindi ko alam na sa ganito rin pala magwawakas ang koneksiyon namin. Nagsimula kami sa isang ill-fated relationship. Ngayon ay matatapos na rin ito. Handa akong putulin ang anumang ugat na kumukunekta sa amin. Handa rin akong kalimutan ang nabuong galit sa aking dibdib na siya ang dahilan.
Unti-unti kong ibinaba sa damuhan ang box.
Saka tumalikod at humakbang palayo sa Centennial Garden.
Umasa ako na balang araw makakasundo ko si Terrence kahit gaano pa kasama ang ugali niya. May mga bagay talaga na kahit anong pilit nating gawin at patakbuhin hinding-hindi ito mangyayari o gagana.
Ang tadhana lang talaga ang makapagsasabi whether you are fated to meet each other on a nice way or magagaya saming in an ill way.
Ill-fated. Hindi ko alam na tunay ka palang nag-eexist.
___ ___ ___
Song title: Fool Again by Westlife
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob