"Hoy! Maki-practice ka raw bukas." kanina pa ako kinukulit nitong si Sophia.
"Oo na. Pupunta naman talaga ako."
Hindi na rin siya umimik pagkatapos.
Malapit na naman uwian pero lutang pa rin ako.
Kanina ko pa iniisip.
Gawin ba daw nilang big deal yung pag-akbay sakin ni Terrence papuntang clinic.
Na-kesyo papansin daw ako sa kaniya. May gusto daw ako sa kaniya.
Tsk. Rumors spreads fast nga naman.
Minsan din iniisip ko. Kung di kaya ako naging member ng band, mapapansin kaya ako ng mga ito?
Aissh. Ayokong ma-stress.
Mabilis lang ang naging takbo ng oras. Uwian na naman.
Gusto ko rin sanang saglitin si Terrence sa clinic. Ayos na kaya siya? Makakalakad kaya yun pauwi? O Nakauwi na kaya siya?
Hepp! Wag gawing big deal.
Gusto ko lang siguraduhing hindi ako malalagot.
Aissh. Bukas na nga lang.
Pumunta na akong parking lot kaya lang wala pa 'yung sasakyan namin. Maghihintay na naman ba ako? Kung kaya pumunta muna ako sa music room?
"Hey! Thick face!"
"Ay kumag ka!" nakakagulat naman kasi 'tong taong ito. Kung saan-saan nalang siya sumusulpot.
"Problema mo!" lumingon ako sa kaniya.
Tsk. OA lang, kailangan talaga naka-wheel-chair? Akala mo naman mapipilay siya sa nangyari?
"Ikuha mo ako ng bottled water, inubos mo yung tubig ko."
Ang kapal naman nang mukha nitong utos-utusan ako.
Hindi na lang ako umimik. Hihintayin ko na lang yung sasakyan na makarating.
"Hindi mo talaga ako bibilhan?" pananakot niya.
Sinong tinakot mo?
"Huwag mo nga akong kausapin Terrence. Nananahimik ako dito eh."
"Fine. Mag-aabsent ako the whole week. Sasabihin kong tinamaan mo ako ng bato at hindi ko kayang maglakad."
Grrrr. Mr. Kumag. Nakakainis ka na!
"Amin nang pera." sabay lahad ng kamay ko.
"I don't have money. Papalitan ko na lang. Kung gusto mo, doble pa."
Aissh kainis. Yabang.
Wala na pa akong nagawa kundi tumakbo para kumuha ng tubig ni mr. cold.
Take note, with my own money.
Pagkarating ko sa machine, ubos na ang tubig. Kaya Gatorade na lang ang kinuha ko. Bahala na kung ayaw ni kumag.
Kung gaano ako kabilis tumakbo kaninang papunta, ganun din nung pabalik.
Pagkarating ko sa parking lot, dumating na 'yung sasakyan pero wala akong nadatnang Terrence.
Kahit kailan talaga, bastos yung lalaking 'yun. Ilang beses na niya akong pinagod ngayong araw ha?
"Bumili pa kasi. Hindi na lang hinintay na makarating sa bahay." bungad sa akin ni Yannah.
Hindi na lang ako umimik.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob