Chapter 35: Real World

107 3 0
                                    


Monday na naman at nandito na naman ako sa Westerville. Second week palang at hindi ko pa lubusang kilala ang mga classmates ko. Mahirap rin kasing kabisaduhin ang mga itsura at mga pangalan nila.

"Goodmorning!" masayang bati sakin ni Dion.

Blooming ang loko. Nakaayos pa talaga pati buhok.

"Goodmorning rin."

Pagkarating ko sa classroom, umaalingawngaw na boses ni Kean ang nangingibabaw. Bakit ba ang hyper hyper niya? Parang di nauubusan ng energy. Nakakainggit yung pagiging masayahin niya. Hays!

"Excited na ako sa party mamaya! Wag nalang kaya tayong mag-aral. Mano bang preparation na lang? Andami talaga arte ng school na 'to! Asan ba yung principal niyo at makausap nga?"

Tsk. Ang hangin.

Nga pala, yung party na sinasabi niya ay magaganap mamayang gabi. Hello party ang tawag nila. Nakasanayan na raw ng Westerville na magdaraos ng party every after first week ng school year. Way ito ng school para mas makilala pa raw ng mga studyante ang isa't-isa. Para mas maging kumportable raw sila sa isa't-isa kuno. Well, tama nga naman sila.

"Sinong maghohost sa atin?" tanong ng isa kong classmate kay Kean.

"Sino pa ba? Edi kina Thea." proud pa nitong sabi.

Masaya silang nagkukuwentuhan para mamaya. Hindi man lang ako maka-relate.

Tulad ng nakagawian ko, nagsalpak muna ako ng earphones. Dati-rati may dahilan ang pakikinig ko ng music. Humahanap ako ng magagandang songs na kakantahin ng Aim6ix. Andami ko na talagang namimiss na mga kinagawian ko.

Hindi nagtagal, nagsimula na rin ang klase. Pero mukhang hindi si Sir Maniego ang first lecturer ngayon. Music teacher kasi namin ang kaharap namin.

"Goodmorning students! Gusto ko lang sabihin sa inyo na simula bukas open na ang auditions para sa new boy and girl group ng Westerville. Everyclass should participate. Kaya piliin niyo na ang mga magrerepresent ng class niyo. Take note, matindi ang gagawin namin dahil sila na ang magrerepresent sa Westerville sa battle of talents. We are aiming na this time, tayo na ang makakasungkit ng tropeyo. So better prepare."

Sari-sari naman ang naging reactions nila. Tumayo na yung class president at pumwesto sa harapan pagkaalis ng music teacher namin.

"Tulad nga ng sabi ni maam, pipiliin na natin ang magrerepresent sa class natin. Any volounteers?"

Nagtaas naman ng kamay si Kean. Hindi namin namamalayan, lumipad na yung white board eraser sa noo niya.

"Hoy Kean Del Fierro Villaflor o kung sino ka man. Wala kaming panahon para makipagbiruan sayo!"

"May tatanungin lang naman ako!" depensa nito at napatahimik na lang.

"Kung walang magvovolounteer, piliin na lang natin yung mga may talent na kilala natin."

"Thea Reyes."

"Si Asus!"

"Van Rivera"

"Si Mokmok pa!"

"Tahimikkkkkkkkkkkk!!!!!!" pagpapatigil ng class president habang kinakalampag pa ang table sa harapan. "Boys muna."

Nagsimula naman na silang magbanggit ng pangalan. Pero this time, mas tahimik na.

"Ivan Rivera, Jay-em, Dave, Lukewarm at Asus. Kayo na ang final. Next, girls naman tayo."

Di tulad sa boys, mas mahirap ang naging pagpili nila sa girls. Lahat ng nandito ay talento. Kaya pinipili nila yung best na ilalaban para sa competition.

" So kailangan pa natin ng isa? Sino pa ba ang kayang sumayaw at kumanta? Ikaw newbie?"

Umiling ako. Wala akong panahon para kumanta at sumayaw. Iniisip ko kung paano ako makakabalik sa pinagmulan ko.

Pagkatapos kung umiling, nagkatinginan muli kami ni Thea. This time, ramdam ko na wala na talagang kinang ng friendship sa pagitan namin. I admit nasasaktan parin ako. But I need to move on. Natatakot lang ako na baka pagbalik ko, hindi ko na kilala si Ayla.

Napatigil ang lahat nang tumunog ang phone ng class president. Sinagot niya ang tawag at nag-ingay na naman ang lahat. Pagbalik niya sinabi niya na kumpleto na ang list. At laking gulat ko nang ituro ako.

Hindi kaya si Sir Maniego ang nagsabi?

Lunch...

Maaga kaming nag-dismiss. Halos lahat ng students ay excited para mamaya. Ako lang ata ang hindi.

Tadhana nga naman, kung saan ko natipuhang kumain, sakto namang nandito rin ang grupo ni Thea.

Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang sa may vacant seat.

Halos lahat ng topic nila about sa party. Buti nalang wala akong balak umattend.







Real World

Ayla's POV

Nagbabalat ako ng mansanas ng biglang bumukas ang pinto.

Umupo siya sa tabi ko. Tulad ko, tahimik rin lang siya. Di kalaunan, binasag ko ang katahimikan.

"Isang buwan na pala."

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now