Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako sa nalaman kung may fandom si kumag.Papasok palang ako sa classroom nang may agad sumalubong sakin.
"Yunjie naibigay mo ba yung letter?"pabebe niyang tanong.
"Binigay ko. Pero di niya tinanggap. Eto nga pala." sabay abot ko sa kaniya ng letter.
Nagpasalamat naman siya tsaka ako nginitian ng pilit.
Pssh. Plastic.
Sa totoo lang ang aga kong pumasok. Kaya lumabas muna ako ng classroom para pumunta sa canteen.
Ewan ko ba. Parang kulang pa yung naging umagahan namin.
"Yunjie. Ang aga mo ah. Yiie inspired." sabay sundot niya sa tagiliran ko.
"Pwede ba Sophia magtigil ka. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi sakin galing yung letter at pinapabigay lang."
"So kay Cedric parin tayo?" inirapan ko na lang siya.
Panira ng mood.
Brrzt. Brrzt.
Kinuha ko ang cellphone ko. Sino naman kaya ang magtetext ng umagang-umaga.
From: Cedriccc
"Yow! Good morning. Bakit niyo ako pinag-aagawan ni Sophia? Huwag ka nang makipag-away, iyo lang ako. Pramis."
Hayyy kung alam ko lang na may pagala-galang butiki dito sa campus. Sana hindi pa ako pumasok.
To: Cedriccc
What's good in the morning Mr. Assuming?
Tinago ko na yung cp ko at hindi na hinintay yung reply niya.
"Hoy basahin mo yung reply ko." sigaw niya sakin ng makitang tinago ko na iyon.
"San ka pupunta ha?" tanong niya.
"Sa rooftop, bakit?"
"Ah wala sige una na ako."
Alam kong ayaw ni Cedric ang pumunta sa rooftop. Ewan ko ba, basta siya ang klase ng tao na hindi mo mapapapapunta dun.
Actually sa canteen parin ang tungo ko gusto ko lang mapag-isa.
Kasalukuyan akong pumipila upang umorder nang biglang may tilian sa loob ng canteen.
Pssh. How irritating.
Nanahimik ako ng biglang may sumingit sa linya.
"One coffee please?" sabi niya saka siya binigyan agad ng tindera.
Kaya pala si kumag kasi yung sumingit. Ang kapal din pala ng mukha niya.
Nag-order lang ako ng chocolate coffee at breakfast.
Uupo na sana ako ng may makipag-agawan sa seat na pupuntahan ko.
Si kumag.
"Akong nauna, kaya maghanap ka na lang ng iba." pagtataray ko.
"This is my territory so better leave." sagot ni kumag.
Loko pala 'to eh. Ni hindi niya nga pagmamay-ari 'tong school tapos sasabihin niyang territory?
"Territory? Ano ka gangster?"
"Fine. Seat." saka siya ngumisi at naghanap ng ibang puwesto.
Eh kung upakan ko kaya 'tong kumag na 'to. Wala namang kangisi-ngisi ah.
Pinapanood ko ang papalayong kumag. Inaalok siya ng iba para maki-table pero dinedeadma niya.
Kumag talaga.
YOU ARE READING
The Coldest Campus Heartthrob[On-going]
Teen FictionLahat nagbago nang mapunta ako sa ibang mundo. The Coldest Campus Heartthrob