Chapter 13: Clinic

235 10 0
                                    

"Hoy bakit mo nireject yung offer ni ma'am?" aissh, kanina pa ako kinukulit nitong si Ivan.

"Ayoko nga diba? Ang kulit lang. Tsk."

Pano naman kasi ipinatawag kami dahil lang sa pageant na gaganapin next week para sa victory party.

Nanalo kasi ang basketball team sa National Competition. Ito ang first time nilang lilipad abroad para sa International Competition.

"You will be our class representative for the upcoming victory party. You will be partners for the pageant next week."

Yan ang sinabi ng adviser namin na agad kong tinanggihan. Sa dinami-rami naming girls sa classroom, ako pa kasi yung kinuha.

Kaya't sa ayaw at sa gusto ko, ini-recommend ko na lang si Coreen.

Maganda naman siya. Talo nga lang siya pagdating sa attitude. Tsk.

"Tsk. Sinayang mo yung opportunity oh, andiyan na nga eh." ayt hindi pa ba talaga titigil 'to.

"Saluhin mo. Sayang pa ba?" sagot ko sa kaniya.

Napakamot na lang ito sa ulo.

Umalis na rin ako sa classroom.

Gusto kong mapag-isa.

Feeling ko andami kong problemang hindi ko alam.

Naglalakad ako sa pathway ng makakita ako ng bato.

Tsk. Buti pa ang bato walang problema. Kahit ibato mo sa malayo-----aissh bakit ba pati ang bato pumasok sa istoryang ito?

Sinisipa-sipa ko ito habang naglalakad...

Hanggang sa napagod na rin akong sipain ito patungo sa pupuntahan ko.

Ha!

Kapag nasipa mo daw ang bato ng malayuan, matutupad ang kahilingan mo.

Ma-try nga.

One...Two...Sipa

Wish ko ma----------



"O-o-ouch!!! I hate this!" tumingin ako sa sumigaw.

Tsk. Tinamaan pala yung kumag.

Malay ko bang may lalampa-lampang kumag sa paligid.

Nilapitan ko na, dahil mukhang di niya na kayang tumayo.

Malaki pa naman yung bato. Tsk.

"Tsk. Lalampa-lampa kasi. Kaya mo pa bang tumayo?" kahit labag sa kalooban ko, kailangan kong huminahon sa pagsasalita.

"What? Kasalanan mo na nga lang na tinamaan ako tapos tatawagin mo pa akong lalampa-lampa eh ikaw 'tong tat*nga-t*anga." bulyaw niya.

"Hoy Mr. Kumag, pasalamat ka nga inapproach pa kita eh. Ikaw 'tong nakakita sa ginagawa ko hindi ka lumihis. Nakayuko ako kaya paano ko makikitang may pakalat-kalat na kumag sa paligid? Tsk. Think before you speak mr.cold." depensa ko na nakapag-patahimik sa kaniya.






Ulit, kahit labag sa kalooban ko umupo ako para maka-akbay siya sa akin at madala ko siya sa clinic.

"What are you doing?" tatanong pa kasi.

Kumag talaga.

"Makasabi ka ng tanga kanina kala mo ang talino mo ah, tapos simpleng kilos lang di mo ma-gets? Umakbay ka na dadalhin kita sa clinic." tsk.

"Hindi mo ako kayang buhatin. Hindi ako nagpapabuhat sa kung sino-sino."

"Sa tingin mo ba gusto rin kitang buhating kumag ka?"

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now