Chapter 24: Cedric

185 7 2
                                    

Nitong mga nakaraang araw, unti-unti ng nawawala ang communication namin ni Cedric. Siguro dahil pareho rin kaming busy. Akala ko nga matatahimik saglit ang mundo ko dahil wala siya pero nagkakamali ako. Isang Arc ang palaging bumubuntot sa amin ni Ayla. Ito namang isa, wala nang ibang alam gawin kundi makipagtalo kay Arc.

"Hoy Major Arc pwede bang kahit isang araw lang huwag mo muna kaming dikitan. Lumayo-layo ka muna please." ~ Ayla

"Sino ba nagsabing dinidikitan kita. Assumera ka rin no?" Ito naman kasing isa, papatulan pa.

"Guys library lang ako." paalam ko sa kanilang dalawa.

Mula sa classroom naglakad ako papuntang library. Malawak ang library namin pero mukhang puno ito ngayon. Nakakapagtakang mapupuno ito dahil medyo matagal pa ang exam namin. Na-adik na ba ang mga students sa fiction kaya nandito sila?

After a minute, nakahanap na rin ako. Natitira na lang ata ito eh. May mga libro sa table pero maluwang naman ito kaya naman dito na muna ako pansamantala. Nilabas ko ang isang libro ko saka ako yumuko. Tama kayo ng hinala, hindi ako mag-aaral. Matutulog lang.

Hindi pa man ako nakaka-idlip, nakarinig na ako ng bulung-bulungan. Hindi ko man nakikita ang mukha nila, paniguradong grupo ito ni Coreen. Walang araw na hindi nila ako napapansin ng mga alipores niya.

"Si Lim ba 'yan? Ang kapal naman ng mukha niyang tumabi sa table ni Terrence. Hindi ba kailan lang nung inaway niya siya?" rinig kong sabi ng isa sa mga alipores niya.

"Oo nga. Nakakahiya siya. Naturingang miyembro ng banda tapos kung umasta akala mo kung sinong makapangyarihang bobita." gatong ng isa pa.

Kahit siguro anong gawin ko. Hindi na ako lulubayan ng mga ito. Mabuti siguro kung pati sila iiwasan ko na. Pagka-angat ko mula sa pagkakayuko, hindi maipaliwanag na emosyong galing kay Terrence Ford ang bumungad sa akin. Malamang ay galit siya. Oo nga pala, halos teritoryo na niya ang buong school.

Agad kong inilagay ang libro ko sa bag at dali-daling umalis sa library habang nasa akin lahat ng mata.

Hindi na lang sana ako nagtangkang umalis pa. Mas maiging tiniis ko na lang ang kakulitan ng dalawa.

"Asan si Arc?" tanong ko kay Ayla pagkabalik sa classroom. Nakakapagtaka lang na umalis ito ng walang paalam.

"Hindi ko rin alam. Kanina lang may tumawag sa kaniya, pagkatapos ng call bigla na lang nagbago ang mood niya." ha? Dahil sa phone call nabadtrip ang hyper na si Arc?

"Bakit raw?" curious kong tanong.

"Hindi na ako nag-abalang tanungin siya. Bad mood talaga." sagot niya.

Parang nakakapagtaka ata na biglang malulungkot ang isang hyper na katulad ni Arc.

"Nakipag-away ka ba?" malungkot na tanong niya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong niya. Umiling na lang ako bilang kasagutan.

"Ikaw na naman ang headline ng school site."

Inagaw ko sa kaniya ang phone niya at binasa ang nakasulat sa site.

'HanJi's GirlGroup Member Lim Yun-Ji Janelle approached Ford Terrence Deisus at the library a minute ago.'

Halos segundo palang ang nakakalipas, isang non-sense article na naman ang na-published. Bakit ako? Bakit?

Five minutes kaming nag-stay ni Ayla sa classroom. Nag-aral siya habang inidlip ko naman ang maikling oras na iyon.

Nag-aayos kami ng gamit ng nakarinig kami ng yabag na papalapit. Pareho kaming tumingin sa pinto at nakita si Arc na mugtong-mugto ang mga mata. Dire-diretso lang siya habang nasa akin ang kaniyang mga tingin. Hindi ako nakakibo nang yakapin niya ako at saka siya tuluyang umiyak.

"May problema ba Arc?" hindi pa rin siya tumitigil sa paghikbi na para bang isang bata.

"Hindi na babalik sa Cedric. Mananatili na siya sa Korea."

Pagkarinig ko'y bigla akong nanlumo. Kaya pala ganoon na lang ang naging response niya after siyang maka-recieve ng phone call base sa kwento ni Ayla. Ito ba ang dahilan kung bakit parang ang hirap ma-contact ni Cedric? Kay Arc ko pa pala malalaman na hindi na siya babalik ng pinas. Kahit na sabihin kung awkward pakinggan, hinihintay ko parin yung araw na darating siya dito. Kasi honestly, I miss him so much. Nasanay rin kasi akong may bumibiro at nangungulit sa akin maliban kay Arc.

"He said that he want to ask you something Lim." ibinigay niya sa akin ang phone niya.

Pinindot ko ang pangalan ni Cedric. Lumitaw ang makinis niyang mukha sa phone. Hindi ko pa man naririnig ang ring, sinagot na niya agad ito. Hinihintay niya talaga ang tawag ni Arc.

[Arc!]  said the voice that I want to hear

[Si Yunjie 'to.] I said in response

["Kamusta ka na?"]

[Hindi ba't pinababantayan mo'ko kay Arc. Bakit mo'ko tatanungin ngayon niyan?]

[Ha? Ahh oo.]

[Is it true? Hindi ka na babalik?] I asked.

[It depends upon your answer.]

[What?] Napakalayo naman ng sagot niya sa tanong ko.

[Do you love me? or even like me? L-let's just say do you need me? Because if you say yes, I'm willing to give up everything. Say yes Yunjie! And you will see me there tomorrow. ]

[I-im Sorry Ced.] my heart skipped. I like him? Of couse yes! He's my friend. Everyone likes to be with their friends.
But in Cedric's case, it's a wrong choice to choose me over his business. Because I can't like him like the way he do.

I let my tears escaped to my eyes again. He hang-up the phone without saying goodbye. One of my friends left me again. Cedric already own a special place in my heart. Our friendship is unbreakable. Cedric will surely hate me, but I will still hoping that he will find someone who will love him more than he do. A girl that is more precious than me. A girl that will promise to take care of Cedric for the rest of her life.

If whoever you are, please meet Cedric as soon as possible. I'm sure after this, he will patiently wait for you. Please love him more than he do because he will love you more than himself.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now