Chapter 20.3: My Friend

185 7 0
                                    


Actually, hindi ako ganun ka clueless sa sinabi ni Cedric. I have this feeling. Darn Cedric! Mas lalo mong pinapalala ang problema ko.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Marami na ang mga classmate naming nagsisidatingan. Di nagtagal, dumating na rin si Sophia. Nginitian niya naman ako at siya pa ang unang bumati. Pero tulad ng dati kong treatment sa kaniya, hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.

9 years ago...

Santillan's Residence

"Beshy saan ka pupunta? Diba sabi mo walang iwanan?" di ko na mapigilang umiyak ng makita kong aalis na ang kaisa-isa kong kaibigang si Sophia.

"Psshh. Babalik ako. Pag-balik ko maglalaro pa tayo. Diba nga sa 17th birthday ko, ikaw pa ang pinaka-guest?" pareho na kaming umiiyak sa mga sandaling ito.

"Promise?"

"Promise." we do the pinky promise again.

I waited for her for a month, pero walang bumalik na Sophia. Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit na taon pa ang inabot kong paghihintay. Hanggang sa limang taon na pero wala parin siya.

Grade-7 ako ng makilala ko si Ayla. Siya ang naging kaibigan ko at hindi ako iniwan kahit gaano pa kahirap ang pinagdadaanan namin. Naging super close kami hanggang sa naging kumportable na ako sa kaniya.


Grade-8 ako nang may lumapit sa amin ni Ayla habang nag-uusap. Maputi, maganda, medyo singkit pero tulad ko di rin masiyadong katangkaran. Hindi ko alam kong isa ba siyang artista o hindi. Unang tingin palang nagagandahan na ako sa kaniya. Hindi malabong bago siya dito dahil suot niya ang uniporme namin.

"Yujie, I miss you!" lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Bigla akong kumalas dahil hindi ko siya kilala. Kung gaano nagulat ay mas pa ang reaksyon niya. Doon lang siya nagpakilala na siya pala si Sabrina Ellainne Santillan. Mas kilala sa tawag na Sophia.



Hindi ako makapaniwalang ang taong matagal ko nang hinihintay ay bigla na lang magpapakita ng basta basta. Sabi niya sa akin, gusto niyang ibalik ang dati. Pero di ko na kaya, dahil kay Ayla. Nakakatakot na siya. Nagawa niyang siraan si Ayla sa harap ng maraming tao para lang maibalik ang dati naming pagkakaibigan.

Magmula noon, pangkaraniwan na lang siya sa akin. She's not my friend anymore.

___ ___ ___






"Sophia pwede ba tayong mag-usap?" vacant namin ngayon at wala na akong sasayanging panahon.


Anti-social na siya. At hindi ko alam ang dahilan.

"Nag-uusap na tayo." pamimilosopo niya.


"Seryoso ako Sophia. Hihintayin kita sa rooftop." nauna na akong maglakad. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Wala akong pakialam kung susunod siya o hindi, basta maghihintay ako.



30 minutes na pero wala pa rin siya. Malapit na ang time para sa susunod kong klase. Pero hindi ko kakainin ang salita ko, hihintayin ko siya, kakausapin ko siya.



Maghihintay ako kahit mabasa pa ako rito. Madaya ka ulan, wala kang pakisama.

"Yunjieeeeee! Nababaliw ka na ba?" sigaw niya habang hinihingal. "Hindi ka pupuntahan ni Sophia, umuwi na siya kanina pa. Kilala mo naman yun tatakasan niya ang problema niya."


Kasabay ng pagbuhos ng ulan sa rooftop ay ang mga braso ni Cedric na nakayakap sa'kin. I don't know what to do without this guy. I thank God for bringing Cedric in my life.

"Tara na." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"H-ha?"

Napatawa na lang ako. Nauutal na naman siya.


Kinuha ko ang kamay niya. Saka ko inintertwine ang mga daliri namin. At hinila siya pababa ng rooftop.




"Cutting class tayo." sabi ko saka tuluyan na siyang hinila hanggang parking lot.

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now