Chapter 26: Sana

143 5 0
                                    


"I need you."

Hindi ako magalaw at nananatili paring nakatayo habang nakayakap ng mahigpit sa akin si Arc.

"W-what's the problem Arc?" I ask.

"S-ssssh! Let's just stay like this for a while."

Gusto ko man siyang damayan pero naiirita ako. Hindi ako yung tipo ng babaeng nakikipagyakapan sa kung kani-kanino. Well, I'm not saying na iba si Arc. Kasi kahit nung si Ced, hindi siya nakakayakap ng ganun katagal tulad ng kay Arc. Aaahhh! Eotteokke?

Bago pa man kalasin ni Arc ang pagkakayakap sa akin, nakita ko na lang siyang nakabulagta sa ground.

Nakayuko siya ngayon at umiiyak. Pagkatingin ko sa taong sumuntok sa kaniya, si Terrence. Di tulad ng dati, galit ito ngayon at kitang-kita sa mukha niya kung paano niya kamuhian si Arc. Ano ba kasing ginawa mo Arc?

Kung si Arc ay parang natatakot, pulam-pula naman ang mga mata ni Terrence.

Hindi pa man nakatatayo nang tuluyan si Arc, isang napakalakas na suntok ang muling pinakawalan ni Terrence.

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong tulungan si Arc, pero hindi ako makaalis sa pwesto ko. Ngayon ko lang nakitang ganito si Terrence. Dati kasi, sinuntok siya ni Ced pero hindi man lang daw siya lumaban. Pero ngayon, halos hindi ako makapaniwalang siya na mismo ang sumusuntok.

Bago niya pa muling masuntok si Arc, dumating na ang guard para sitahin silang dalawa.

Pagkaalis ni Terrence, nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata ni Arc. Alam kong may tinatago siya. Ayaw niya lang sabihin.

Dinala namin siya sa clinic ni Ayla. Pagkaalis ng nurse, doon na namin siya sinimulang tanungin.

"Arc anong nangyari?" tanong ko gamit ang mahinahong boses.

"H-hindi ko alam." sagot niya.

"Arc naman. Hindi ka susuntukin nun kung wala kang ginawa!" napataas ang boses ko ng hindi ko inaasahan.

"Just like you, I saw them too."

"What?" anong nakita niya?

"I also saw them. Coreen and Terrence, kissing at the girls C.R." nahihiya niyang sagot.

"Eh bakit ka sinuntok? Nakita ko rin naman sila ha?" hindi ko na talaga mapigilang taasan ang boses ko habang si Ayla ay tahimik na nakikinig sa amin.

"I took a video of it and send it to him. Ayaw ko ring gawin yun, ok. But I also saw him pull you in one of the cubicles. Sinend ko lang yun to warn him. He shouldn't do that. I don't like it!"

Napa-facepalm na lang ako dahil sa sinabi niya. He maybe right but he made a childish decision.

"I don't like it either. But you shouldn't have done that. Arc naman eh."

Nakatayo lang kami pareho ng biglang magsalita si Ayla.

"Yunjie, can we talk?"

Tumango ako bilang sagot. Medyo lumayo kami sa pwesto ni Arc.

"I'm begging you Yunjie. Huwag na huwag kang papasok sa gulo nilang dalawa. Hindi mo ba nahahalata? Arc is falling for you! Kung wala kang balak siyang saluhin leave him alone! Pero kung meron naman then go! Matuto ka na kay Cedric. Yunjie naman eh, palagi ka na lang pumapasok sa istorya ng may istorya. Pwede ba kahit ngayon lang, pabayaan mo muna siya?"

Nakapameywang siya at halata mula sa kaniya ang pag-aalala.

"But he's still my friend." I answered.

"Friend na naman! Ganiyan uli ang sagot mo nung kay Cedric. Kung diyan ka masaya edi sige. Pumunta ka at makigulo sa kanila. Huwag ka lang lalapit sa akin na umiiyak ka!" pagkasabi niya, umalis na lang siya bigla.

Bakit ba ang hirap hirap ng sitwasyon ko? Ano ba't para saan lahat ng ito? Naguguluhan na rin ako!

Tulad ng dati, hindi ko na naman inaasahan ang paglabas ng mga luha ko.

Napakababaw kong tao.

After a few minutes, rain started to pour down. Nakikiramay ang loko. Imbes na sumilong, hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan. Ang ilan sa mga estudyante nagsisimula nang magsiuwian at ang iba ay nanatili at pinapanood ako habang nagpapakabasa sa ulan.

Buti na lang at meron ang ulan, marami na ang luhang pinakawalan ng aking mata pero ni isa ay walang nakakakita.

"Yunjie umalis ka nga diyan!" nakita ko si Ayla na papalapit at tulad ko ay basa na rin siya ng ulan.

Lumapit ako sa kaniya at agad-agad siyang niyakap.

"No matter what happens, you will still be my bestfriend."

After that, nagmadali na akong tumakbo patungo sa parking lot. Hindi ko na rin binalikan ang mga gamit ko.

My name is Yunjie Janelle Lim. My given name, not my birth name. Marahil ang iba sa inyo ay kilala na ako pero sa ilan ay nananatili parin akong misteryo.

Bata pa lamang ako gusto ko ng maging katulad ng isang ulan. Yung feeling na tinuturing kang isang blessing. Hinahanap ka 'pag dumating ang tag-init. At higit sa lahat, hinihintay ang pagbagsak mo mula sa ulap. Pero kailan kaya ako magiging ulan kung ngayon palang na wala pa ako sa ulap sukong-suko na ako sa buhay?

Sana sa susunod na kabanata ng aking buhay, matututunan ko paring tumayo mula sa pagkakadapa. Sana...

The Coldest Campus Heartthrob[On-going]Where stories live. Discover now