"Oy gising."
"Mmm... AH!" Nagising bigla ang diwa ko dahil sa kuryenteng naramdaman ko. "Bakit kinuryente niyo ako?!"
"Ayaw mong magising eh." Teka, sino ba to? Nasaan ako?
Nasapo ko ang noo ko dahil nakalimutan kong kinidnap pala ako. Inilibot ko ang aking paningin. Nasa van pa din ako.
"Tara na." Hinawakan niya ang aking braso at akmang hahatakin ako palabas ng van. Umisip agad ako ng plano. Pag binuksan ang pinto, sisipain ko siya sa ano niya at tatakbo. Tatakas ako.
"Huwag mo nang planuhing makatakas." Teka? Nabasa niya ba kung anong nasa isip ko o nahalata lang talaga ako? Hindi na ako nakapagtanong dahil hinatak niya na agad ako.
Nasa tapat kami ngayon ng isang gusali. Hindi naman siya luma unlike sa mga nakikita ko sa movies na bodega ang headquarters ng mga kidnappers. So sosyal sila?
Ang laki naman dito sa loob. Parang office to dahil puro mga nakaoffice attire ang nakikita ko.
Pumasok kami sa elevator. Akala ko, aakyat kami. Pero may pinindot yung isang lalaking kasama ko sa tabi niya. Malamang, button yun pero hidden siya dahil parang parte lang ito nung elevator.
Nagulat na lang ako nang bigla kaming umandar paibaba. Underground headquarter, huh?
Huminto yung elevator kaya lumabas na kami. Napakadilim sa lugar na ito pero may ilaw na gumagabay samin na nangagaling sa shades ng mga kasama ko. Nakakabilib.
Maya maya, narating namin ang isang white na pintuan tas may kailangang pindutin sa gilid nito. Pinindot nung lalaki ang code ata nila.
005
Bumukas ang pinto at ang tumambad sakin? AMAZING.
Napakalaki ng lugar na ito with a motif of black and white. Ang dami ring mga palibot libot at busy na mga tao. May mga monitors sa bawat pader at meron ding huge statue na I think, ay logo nila.
Well, yung logo nila ay isang magnifying glass tapos yung nasa loob nung glass o bilog ay mata. Nakaukit din pala ang pangalan ng kung nasaan man ako sa ibaba nung logo nila.
Secret Eye Association
Di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng isang office. Pumasok kami at bumungad sa amin ang isang nakatalikod na lalaki na nakablack tuxedo.
"Nice to meet you, Felina Nevida." Sabi niya at humarap sa amin.
Ang gwapo niya at ang maskulado ng katawan niya pero nasa mid 40's na ata siya.
"Have a seat." He smiled.
Kahit hindi ko ginalaw ang mga paa ko, kusa akong lumapit sakaniya at umupo. Pagkatapos ay umalis na yung mga men in black na kasama ko.
Teka, paano niya nagawa yun?
"So how's your journey?" Bigla namang kumulo ang dugo ko. Tumayo ako sabay hampas sa table niya nang malakas.
"Journey? Journey ba ang tawag sa pangingidnap?! Halos kabahan na ako dahil akala ko, mamatay na ako! Tapos, tatawagin mo lang journey yun?! Sino ba kayo, ha? What is this place? Bakit ako nandito?" Tuloy tuloy kong sabi.
"Easy, Ms. Nevida. Sit down." Ayan na naman, sinunod na naman ng katawan ko ang sinabi niya kahit ayaw ko.
"Atsaka bakit ako nagkakaganito? Pa..parang hinihypnotize mo ako?" Nagtatataka kong tanong sakaniya.
"Let me explain you this. First, sorry about our way of bringing you here. We have no choice. Alam naming hindi ka naman sasama papunta dito kaya yun na lang ang ginawa namin. Second, I am Mr. Denzel Mendez, the current Vice President of Secret Eye Association. Third, this is a Spy Association. Alam mo naman kung ano ang spy diba?" I nodded. "Fourth, nagagawa ko yan sayo dahil Body Control is my magic or should I say, my advanced ability. Lastly, nandito ka dahil kabilang ka dito. We want you to be one of our spies here."
"B-but why me?"
"Because you have the skills, the brain and the magic." Mas gumulo ang isip ko. Hindi ko talaga maintindihan. "Alam kong di mo pa naiintindihan lahat. But sooner or later, magegets mo rin ang lahat ng sinabi ko sayo. Don't worry about your school. Pinaexpel ka namin doon dahil dito ka na mag-aaral at titira. Don't worry about your family, too. They know about this." What? Alam nila mom to? But how?
"Pa—" Bago ko pa man matuloy ang itatanong ko, ay pinutol niya na ito.
"Your things are already in your room na nasa third floor. Higpitan mo ang hawak dyan sa upuan mo." Di ko naman naintindihan ang rason sa sinabi niya na humawak ako nang mabuti sa inuupuan ko. But bigla na lang nagbounce ang inuupuan ko diretso sa kasunod na floor, ang third floor. Akala ko, mauuntog na ako sa kisame. Buti na lang biglang nagkaroon ng opening doon.
In a span of 2 seconds, nasa isang room na ako. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Nakakaba yun ah!
Tumayo ako at inilibot ang paningin sa kwartong ito. Kulay black ang wallpaper at black and white naman ang mga furnitures. May king-size bed tapos sa may tapat nito ay isang T.V. Sa bandang kanan ng room ay may computer desk samantalang may modern closet naman sa kaliwa. Wala ring bintana dito dahil secret daw to pero may aircon naman.
Nagtaka naman ako sa mga buttons sa gilid ng bed ko na merong maliit na speaker. Pinindot ko yung first button named 'Needs'.
"Hello, what do you need?" Sabi nung boses sa speaker.
"I want fries, burger and iced tea." Wala eh, nagutom ako. Maya maya, may robotic hand na nag-appear katabi nung mga buttons at binigay nito ang inorder ko. Ang astig!
The second button was named 'Communication'. Halata naman siguro yung purpose niya. The third and the last button ay 'Down'. Siguro, yun yung magbobounce ka naman pababa.
Masyadong maraming nangyari ngayon. Pagod na ang utak ko kakaisip. Kahit inexplain na nung Mr. Denzel na yun kung ano ang pinasok ko, hindi pa rin sila nagsisink-in sa akin. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong magic. Pero bakit nandito ako? Haaaaay naman!
Patalon akong humiga sa kama at tumingala sa kisame. Hinilot ko ang aking sentido dahil sumasakit na ang ulo ko. Maybe I should sleep.
A/N: Nakakalungkot naman. Walang nagbabasa nito. :(
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...