Chapter 8: Our Weapons

129 10 0
                                    

"You have the advanced ability of Intelligence. One of the perfect ability for a spy."

Buong araw na akong nakatingala sa kisame. Hindi pa din kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Mr. Jones about sa advanced ability ko.

So that explains everything, huh? Noon pa man, nagagamit ko na ang ability ko nang hindi ko namamalayan. Sa tests, kaya pala ang bilis kong matapos. Sa memorizations, kaya pala madali lang sakin ang magmemorize. Akala ko, mayroon lang akong good memory pero may kakaiba na pala akong nagagawa. Everything gets more complicated now. Ano pa ba ang pwede kong malaman?

Bumaba ako dahil pakiramdam ko, masusuffocate na ako. Ilang linggo ko nang di nasisilayan ang labas. Masyadong kasing tago ang lugar na ito.

Naglakad-lakad ako sa first floor. Dito lang naman kami pwedeng maglibot maliban sa third floor dahil matataas na mga tao na ang nasa second floor. Dinala ako ng aking mga paa sa Gymnasium. Nakita ko ang isang glass door sa bandang dulo. Pumasok ako at nadatnan ang mini gym, yung mismong pangexercise. Matagal-tagal na din akong di nakakapag-gym. Hinubad ko ang t-shirt ko since may sport bra naman ako. I turned on the treadmill and I started to run.

I never imagine that I will go in a place like this. Hindi ko din naisip na may ganitong lugar. Akala ko, sa mga movies lang ni James Bond ko makikita ang mga ganito but its real. In fact, I am currently on a training to be a spy—to be one of them.

"Nagpapawis? O nagpapapayat?" Tiningnan ko nang masama si Aegeus na kararating lang. Bakit naman ako magpapapayat? Hindi naman ako mataba. Ang sexy ko nga eh. I stopped the treadmill at pinunasan ang mga pawis ko. Isinuot ko din ang hinubad kong t-shirt kanina.

"What are you doing here?"

"Naglilibot. Bakit, masama?"

"Where's Harley?" Tumingin siya sa entrance ng gymnasium. Nakita ko si Harley na tumatakbo papalapit samin. Anong meron?

"You!" Galit niyang dinuro si Aegeus.

"What?"

"How dare you to leave me?! I told you to wait for me! Pero 'pag lingon ko, wala ka na!"

"And?"

"Argh! I really hate you!" Pagkatapos ay hinatak niya ako palayo kay Aegeus. Nagtransform na naman sila bilang mga aso't pusa. Para talagang mga bata. Tsk.

"Do you like Aegeus?" I said out of nowhere. Napahinto siya saglit dahil sa tanong ko at tumingin sakin nang nakakunot ang noo.

"Seriously? Are you out of your mind? Hell, no! Never! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo."

"Okay." No or Yes lang naman. Dami pang sinabi eh.

"Hello, are you one of the trainees?" Salubong samin ng isang babae. Nakapusod ang kaniyang buhok, nakapeach pencil skirt at white sleeveless top.

"Yes, ma'am."

"Tinawag lahat ng mga trainees sa computer laboratory. You three should go there. Baka mahuli kayo." She smiled and walked away from us. Three? Napalingon ako sa likod. Nakasunod na pala si Aegeus samin. Ang bilis niya ah.

"She is Ms. Kirsten Mendes, the secretary." Biglang sabi niya. Hindi naman ako nagtatanong kung sino 'yun ah? "Just for your information."

We went to the computer lab and saw the other trainees together with Mr. Jones. They looked at us but continued they work, immediately.

"Sorry, Mr. Jones. We are late."

"Its okay. Go here." He said without looking at us because he is too busy doing his stuff. Sinunod namin ang utos niya at ang bumungad samin ay iba't ibang klase ng mga weapon.

"Today, I will discussed these weapons. Dahil pagdating ng araw, kakailanganin niyo nang pumili ng sandata na gagamitin niyo."

May mga daggers, pistols, knives, sword, snipers, machine gun, whip and a lot of different weapons. Diniscuss niya iyon isa-isa kaya natapos kami ng 8:00 pm na.

"Dismissed. Take time to think about your own weapon." Pinaisip niya kami kung ano ang pipiliin namin. Hindi ako mahilig sa mga ganito. So I'm sure na mahihirapan akong mamili at gamitin ang napili ko.

"Do you want to eat dinner?"

"Of course."

This time, sa kwarto naman kami ni Harley. May mga posters at designs ang kwarto niya na siguro'y dala niya bago pumasok dito. You know, girly stuffs. Atsaka, bati na din pala sila ni Aegeus. Ganyan naman iyang mga 'yan eh. Hindi din nakakatiis.

"Do you want to watch movies?" She asked. Tumango lang kami bilang sagot sa tanong niya. "Hmm, ano kayang pwede?" Nilipat-lipat niya ang channel para maghanap ng magandang palabas. Actually, first time lang ako manonood ng T.V dito. Never ko kasing ginalaw yung nasa kwarto ko.

"Ah! Ito na lang."

"No! 'Wag yan!" Sigaw ni Aegeus.

"And why? Are you afraid of ghosts?" Horror kasi ang napiling panoorin ni Harley.

"O-of course not! Basta iba na lang panoorin natin."

"This my room. Kaya ako ang masusunod." Walang nagawa si Aegeus kung hindi tumahimik.

Noong nasa climax na, biglang nagtago sa likod namin si Aegeus na nagtatalukbong ng kumot. Tumawa kami ni Harley dahil 'di namin ineexpect na ganito ang magiging reaction niya.

"You look like a scared kid! Hahaha!"

"Shut up, Harley!"

Pinagpatuloy namin ang palabas kahit wala na kaming maintindihan kakatawa. Grabe kasi talaga si Aegeus.
Tagong-tago sa likuran namin. Parang hindi lalaki eh.

"Sabi mo, hindi ka takot? Eh halos sumiksik ka na sa amin ah? Hahaha! Grabe, your reaction is priceless." Pang-aasar ni Harley.

"Yeah, fine. Happy now?" Ngumiti nang nakakaloko si Harley. Tila namimikon pa. Hindi na siguro talaga magkakaroon ng matinong conversation ang dalawang ito.

"Anyway, may naisip na ba kayong weapon?" Pag-iiba ni Aegeus sa usapan. Siguro para tumigil na din ang panloloko sakaniya.

"Lakas maka-iba ng usapan ah? Uhm, I think I will use the whip. Ang cool nun! Para akong cowgirl."

"Mukha ka naman talagang baka, Harley." She rolled her eyes and asked Aegeus about his chosen weapon.

"Pwede na siguro yung R700 na baril. May pangtarget at long range pa. How about you, Felina?"

Hindi ako magaling sa close fight dahil ayokong mabugbog ako. Sayang yung pagmumukha ko kapag nangyari 'yun. Hindi din ako magaling magtarget kaya 'di ako pwede sa sobrang layong tira, unlike Aegeus. Dapat katamtaman lang at cool. So I guess, I will go for the...

"Twin guns."

A/N: Update update! Anyway, happy 200k reads sa Eerie Academy ko! Sana umabot din sa 200k reads ang story na ito.







CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon